Kabanata 21
Third week of December. Malapit na ang pasko at ramdam na ramdam ang lamig sa bahay namin. Cold treatment from Papa, cold treatment from Mama and cold treatment from me. Cold treatment everywhere! No wonder why Manang Belinda always wears jackets and socks these days.
Noong mga nakaraang taon sobrang busy palagi ni Mama tuwing December. Punong abala siya sa pagbili at pagkakabit ng Christmas decor dito sa bahay namin. She also used to help organize Valencia Family Christmas party. But now, iba na. Hindi na talaga kagaya ng dati. Palagi siyang umaalis sa bahay at gabi na umuuwi pero walang nakakaalam kung saan siya pumupunta. May mga Christmas decor pa rin naman kami ngayon—white christmas tree and blue christmas lights—na bagay na bagay talaga sa mga nararamdaman namin at pagtrato sa isa't isa.
I do understand Papa for treating me this way. Na para bang wala lang ako sa kaniya. Na para bang simula noong nalaman niyang hindi niya ako anak, hindi na niya talaga ako kinikilala kahit biglang anak-anakan man lang. Pero si Mama, I can't understand her. Wala siyang kinakausap na kahit sino sa amin sa bahay. Hindi ko alam kung may karapatan ba siya na balewalain din ako kagaya ng ginagawa ni Papa. Ang dami kong tanong sa kaniya. Marami pa akong gustong malaman.
Ang bilis nga naman ng panahon. Parang kailan lang mahal na mahal pa nila ako. Ayaw ni Papa na bumabyahe akong mag-isa kahit malapit lang ang pupuntahan kasi baka mapahamak daw ako. Kaya nga niya ako binigyan ng personal driver e. Ngayon kahit hindi ako madalas nasusundo ni kuya Jackson, kahit alam niyang madalas na akong umuuwing mag-isa, wala siyang sinasabi. Hinahayaan niya lang ako. I used to have a curfew. I used to go home by exactly 6:00 PM, because if I didn't, Mom would be mad. But now, wala na siyang pakialam sa akin. Kahit abutin ako ng madaling araw sa labas, wala rin siyang sinasabi. Hindi man lang nga niya ako matingnan.
Everything changed.
Wala pang alam ang ibang Valencia sa mga kaganapan dito sa amin at hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin kapag nalaman nila na hindi naman talaga nila ako kadugo. Sa tinggin ko kailangan kong ihanda ang sarili ko para sa araw na 'yon. Kasi gustuhin ko man o hindi, may magbabago ulit. Kay Papa nga na siyang nagpalaki at nagpa-aral sa akin, wala na akong halaga, doon pa kaya sa mga kamag-anak niya? Edi parang wala na pala akong pamilya nito. Si Wil na lang talaga at ang sarili ko ang matitira sa akin kapag nagkataon.
"Sino po kayang totoong Tatay ko?" tanong ko kay Manang Belinda habang pinapanood siyang maglaba.
"Huwag ka na mag-isip ng kung ano-ano, ineng," napanguso ako sa sagot niya. Paanong hindi ko iisipin? Nakaka-curious kaya.
"Gusto ko po siyang makilala," pakiramdam ko ngayon kulang ang pagkatao ko kasi hindi ko kilala kung sino ang Tatay ko. "Malay niyo po mabait siya. Baka gusto niya rin akong makilala at makasama."
"Ayaw mo na ba sa Mama at Papa mo? Sasama ka ba sa totoong ama mo kapag nakilala mo siya?"
Ang hirap namang sagutin.
Napabuntong-hininga na lang ako at mas lalong napaisip. Despite all of this, I still love Mama and Papa. Magbabago ang lahat pero hindi ang pagmamahal ko para sa kanila. Sila ang nag-alaga at nagpalaki sa akin. Minahal nila ako at pinag-aral. Hindi ko lang naman sila pinapansin kasi ayaw nila akong kausapin. Para ngang ayaw nila akong makita. Dumidistansya lang ako para hindi sila mas magalit sa akin. Kumbaga pinapahupa ko lang ang galit nila.
"Depende po." Napayuko ako at mariing pumikit. Feeling ko kasi kapag isinarado ko ang mata ko, hindi makakalabas ang mga luhang nagbabadyang pumatak. Pero hindi. Mas lalo lang bumuhos.
"Depende saan?"
May nagbabara na naman sa lalamunan ko. Bumibigat na naman ang bawat pag-hinga ko. Iminulat ko ang mga mata ko at tumunghay kay Manang Belinda na abala sa pagkuha ng mga napaikot nang damit sa washing machine.
![](https://img.wattpad.com/cover/277414019-288-k718190.jpg)
BINABASA MO ANG
Taste Of Freedom |✓ (Dela Vega Series #2)
Storie d'amoreA lot of people around Beanca Annavel Valencia envy her for having more privileges than others. While she also secretly envies others for having one thing she's lacking, her freedom. She doesn't have plans to seek the world outside her cage. She did...