Kabanata 23
Then he left.
Pinanood ko siyang maglakad papalayo sa akin. Pinanood ko lang siya dahil tama siya, nakakaawa ako. Awang-awa na rin ako sa sarili ko. Palagi na lang ganito. Palagi na lang peke ang lahat. Napaupo na lang ako at tinakpan ang mukha ko nang hindi ko na siya matanaw. Ang sakit-sakit na pero umasa pa rin ako na joke lang lahat ng mga masasakit na sinabi niya. Umasa ako na lilingon siya, tatakbo at yayakapin ako kasabay ng paghingi ng tawad. Umasa ako na baka magkasabwat sila ni Kuya Seo sa isang prank video na ako ang biktima. Naghihintay akong may lumapit na tao dala ang camera at itututok sa akin. Naghihintay ako na lalabas ang mga pinsan niya na tumatawa habang sinasabi na, "It's a prank". Kasi kung prank lang talaga, ok lang sa akin. Hindi ako magagalit.
Pero ang tanga-tanga ko pala talaga na umasa ako sa wala.
Wala nga palang nakakaalam ng relasyon namin maliban sa aming dalawa, kay Mary at Ivan. Apat lang kami na may alam.
I can't help but look back at the moment he confessed his fake feelings to me. That time he asked if pwede bang ligawan niya ako. Kung pwede raw ba na patunayan niya ang sarili niya at iparamdam ang pagmamahal niya sa akin. I remember comparing myself to the traveler in the poem "The Road Not Taken" written by Robert Frost. Where two roads diverged in yellow wood represent the two choices. Two choices that I can't travel both, so I need to choose between them. Only one.
Yes or No?
Pinag-isipan kong mabuti. I choose what I think is right and better. I traveled the right way as I said yes that day. Everything seems good at first. I was so happy. Being with him when all the shits happened to my family, made me strong. He became my strength. I feel special and loved. I even said that I was so lucky to have him as my man not until I reached this point, the dead end, where the truth slapped me hard. I was deceived by his promises, fake I love you's and fake sweet gestures. This is what I've got—pain.
And yes. I think I choose the wrong way.
Mahigit limang buwan pa lang ang nakakalipas simula noong araw na naging kami. Tama pala talaga si Mikyla, dapat nakinig ako sa kaniya. Lahat ng bagay na madaling nakukuha, madali ring binabawi pero teka, naging akin ba talaga siya? Pinaglaruan niya lang ako 'di ba? But I think he was right. It was my fault. I'm the one who chooses to trust a jerk. It was my fault to fall in love with a play boy. It was my fault that I was too stupid to still love him until now. Ang tanga-tanga ko na hanggang ngayon umaasa pa rin ako na kahit konti o saglit lang minahal talaga niya ako.
Napatingala ako nang maramdaman na wala ng pumapatak na ulan at sinalubong ako ng seryosong tinggin ni Nicko. May hawak siyang puting payong na may nakatatak na logo ng mercury drug. Pinapayungan niya ako. Nagpunas ako ng luha at pinilit tumayo kahit pakiramdam ko ay nauubusan na ako ng lakas. Hindi ko siya pinansin. Ayokong kaawaan niya ako. Sapat na sa akin na si Wil lang at ang sarili ko ang nakakaramdam noon para sa akin. Ayoko na. Naglakad ako papalapit sa gate. Malayo-layo rin 'yon nang konti mula sa pinag-iwanan sa akin ni Wil kaya natagalan bago ako makarating.
Tumutunog ang cellphone ko sa bulsa na hindi pa masyadong basa. Hindi ko 'yon pinansin. Wala akong pakialam kung sino ang tumatawag. Ayoko munang kumausap ng kahit sino. Nakasunod lang sa akin si Nicko hanggang sa makaakyat ako sa tree house. Bago pa siya makapasok ay sinaraduhan ko na ang pinto. Gusto kong mapag-isa.
"Annavel..." malambing ang pagkakasambit niya sa pangalan ko at ayoko noon.
Ayokong maniwala na may paki alam siya sa akin. Pagod na akong maniwala na nag-aalala sa akin ang mga taong malalapit sa akin. Pagod na akong magtiwala. Ayoko na. Sobrang sakit na.
"I'll listen. Hindi kita huhusgahan. Hindi ako aalis dito,"
Naibato ko ang cellphone ko sa sardong pinto "Kaya kong mag-isa! Ayoko na sa inyong lahat! Mga manloloko kayo! Umalis ka na!"
BINABASA MO ANG
Taste Of Freedom |✓ (Dela Vega Series #2)
RomanceA lot of people around Beanca Annavel Valencia envy her for having more privileges than others. While she also secretly envies others for having one thing she's lacking, her freedom. She doesn't have plans to seek the world outside her cage. She did...