Kabanata 3

155 7 0
                                    

Kabanata 3

Sobra akong naging busy noong mga huling linggo ng bakasyon. Nang malaman ni Mama na bored na ako sa bahay dahil wala akong ibang ginagawa ay pinasunod niya ako kay Ate Amanda at Kuya Neon sa isa sa mga property namin sa Zambales.

Ilang araw lang akong nanatili roon dahil malapit na ang pasukan. Birthday ko rin kasi kinabukasan kaya sumabay na rin sa akin si Ate Amanda at Kuya Neon pauwi. Simple lang ang birthday party ko. Kami-kami lang na mga Valencia ang nag-celebrate dahil nag-request ako kay Papa na sa debut ko na lang bumawi. Busy rin kasi silang masyado dahil malapit na ang 50th Anniversary ng resort namin at ayoko nang maraming tao. Pumayag naman siya kaya wala ng nagawa si Mama.

Bumungad sa akin ang kulay na green gate nang school. Pagkababa ko ng sasakyan ay kaagad akong nilapitan si Mary na nakikipagkwentuhan sa guard.

"Ay bestfriend ko nga po pala. Si Annavel," nginitian ako ng guard nang ipakilala ni Mary. "Annavel ito naman si Kuya Bong, ang Alden Richard ng School. Kita mo 'yang dimple niya? Ang lalim niyan, Sis!"

"Valencia?" tanong ni Kuya Bong sa akin. Napansin kong sobrang lalim nga ng dimple niya sa pagkabilang pisngi.

Tumango naman ako. "Pasensya na po sa kaibigan ko. Malawak lang po ang pag-iisip niya kaya marami po siyang sinasabi. Mauna na po kami,"

Tumango lang din si Kuya Bong at sinabing mag-enjoy raw kami sa klase.

"Kita mo 'yon?" tingnan ko ang itinuturo ni Mary "Mga foreign students. Kahawig ni James Reid ang isa!"

Napailing na lang ako dahil hindi naman kahawig. Plano talaga niyang magkaroon ng boyfriend ngayon. Wala naman akong magagawa kung gusto niya talaga.

"Iyon pa, oppa. Mukhang K-pop Idol. Ang cute, Babe!"

"Ano ba 'yan? Huwag ka ngang turo nang turo. Masama 'yan," pilit kong ibinaba ang kamay niya pero hindi naman siya tumigil lalo na noong may makasalubong kaming mukhang Russian. Nakakahiya tuloy.

"Mary!" napalingon kami sa tumawag sa kaniya. "Tara na! Akala ko ba maghahanap tayo?!"

Mas lalong lumawak ang ngiti ni Mary dahil sa sinabi ni Cara, kaklase namin siya noon at magiging kaklase rin siya ni Mary ngayon. Magkaiba kasi ang strand na kinuha naming dalawa. ABM ako samantalang TVL naman ang kinuha sa kaniya. Matagal na niyang gustong maging Chef at makapagpatayo ng sarili niyang restaurant. Bata pa lang kami palagi ko nang naririnig 'yon kay Mary. Habang ako naman kailangan kong mag-handle ng business namin kaya sabi ni Mama ABM na lang daw ang kuhanin ko. Wala naman akong magagawa at para rin naman sa negosyo namin ang gagawin ko kaya pumayag na lang ako. Isa pa ay wala pa rin naman akong gusto o pangarap na marating.

Siguro kaya wala akong pangarap ay dahil lumaki ako na pinipigilan ng ibang tao na mangarap. Siguro ay hindi ko namalayan na naitatak ko sa sarili ko ang mga sinasabi nila kaya kahit naiingit ko sa iba na may mga goal sa buhay, hindi ko magawang mangarap din. Kahit gusto ko, wala akong naiisip. Kahit ipilit ko, hindi ko pa rin alam kung ano ba talaga ang gusto ko.

Sumasabay lang ako sa daloy ng buhay.

Nakadepende lang ako sa desisyon ng iba. Wala akong sariling desisyon para sa sarili ko. Alam kong hindi 'to maganda para sa akin pero anong magagawa ko? Hindi ko rin alam ang tama at mali. Tama ba o mali na suwayin ko si Mama para sa kagustuhan at sariling desisyon ko kahit para rin naman sa ikabubuti ko ang hangad niya?

"Babe, alis na ako ha? I'll try to check you later na lang," sabi ni Mary. Tumango ako kahit nag-aalangan.

Masyado akong nasanay na kasama si Mary. Ngayon na hindi na kami magkaklase, dapat sanayin ko na ang sarili ko na hindi siya palaging kasama. Ang layo-layo ng pagitan ng building namin. Nakakapagod kung magpabalik-balik. Kung si Mary at Cara ay lovelife ang hahanapin ngayong pasukan, siguro ako maghahanap na lang ng kaibigan. Kailangan ko ng kaibigan. Kaso kagaya sa romantic relationship, mahirap din makahanap ng totoong kaibigan.

Taste Of Freedom |✓ (Dela Vega Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon