Kabanata 14

72 7 0
                                    

Kabanata 14

"Lahat ng madaling nakukuha, madali ring binabawi. Lahat ng mga desisyon na sandaling panahon lang pinag-isipan, kadalasan walang magandang resulta," napatigil ako sa pagbabasa ng notes ko dahil sa sinabi ni Mikyla. "Ang pag-ibig na minamadali, malaki ang porsiyento na sakit lang ang epekto. Ang sobrang pagtitiwala, dudurugin ka ng walang awa. Iiwanan ka ng walang babala."

I thought she was talking to me, but when I glanced at her, her eyes were focused on her new book. Pero bakit naman ang lakas niyang magbasa ngayon? Napatinggin ako sa gilid ko kung saan nakaupo si Ivan. Busy siya sa laptop niya. Imposible na may sinabi niya kay Mikyla tungkol sa akin. Alam kong may alam siya pero hindi naman niya ugali na makialam sa buhay ng iba. Tsaka hindi niya alam na boyfriend ko na si Wil. Ang alam niya lang ay nililigawan pa lang ako.

Bumuntong-hininga ako at sumandal sa upuan bago humigop sa milktea ko. Secret pa rin kasi ang tungkol sa 'min ni Wil kaya hindi ako pwedeng basta-basta na lang mawala rito sa tambayan namin. Marami rin namang ginagawa si Wil kaya ayos lang.

Para talagang ako ang kausap ni Mikyla kahit doon siya sa libro nakatinggin. Sa halip na sumagot o sabihan na hinaan ang boses niya ay nakinig na lang ako. May sense naman kasi ang binabasa niya.

"Hindi ka ginagawang tanga ng pag-ibig. Ikaw mismo ang pinagmumukhang tanga ang sarili mo. Pagpumasok ang pag-ibig sa puso natin hindi totoo na wala na tayong magagawa ka—"

"Ang ingay," reklamo ni Ivan. Saglit ko siyang nilingon at nandoon pa rin ang tinggin niya sa laptop.

"Pasensya na. Ang ganda lang kasi ng binabasa ko kaya gusto ko talagang marinig niyo," pilit na ngumiti si Mikyla bago tumingin sa akin. "Alam kong nakikinig ka kanina, Annavel. May natutunan ka ba?"

Tumango na lang ako. Iba kasi ang aura niya ngayon. Aware naman ako na may pagkamaarte siya pero parang ibang level ngayon. Medyo nakakatakot. Mahinahon ang boses niya pero yung paraan niya ng pagtinggin sa akin, iba talaga. Matalim.

"May mga natututo pero hindi pinapahalagahan ang natutunan. Meron din na natututo pero walang planong gamitin sa totoong buhay ang mga natuklasan. At meron din naman na natuto at natauhan na handang isabuhay ang mga nalaman," sinaraduhan niya ang libro at inilapag sa mesa. "alin ka doon?"

Hindi kaagad ako nakasagot. Bakit ganito siya magsalita? May alam ba siya? Pero paano naman niya nalaman? Maingat naman ako. Sa chat na lang nga kami nag-uusap ni Wil kapag nasa School. Binabantayan niya ba ang mga kilos namin ni Wil?

Imposible.

Basher ni Wil si Mikyla pero hindi naman siya stalker. Ano ba itong naiisip ko? Mali na pinaghihinalaan ko ang kaibigan ko. She would rather lock herself at the library to read books than waste her time stalking us. Ano bang pakialam niya sa buhay namin? Ano bang pakialam niya sa lovelife ko? Baka assuming lang talaga ako na para sa akin ang mga sinasabi niya. Asumera pa man din ako madalas.

"Ang totoo n'yan..." peke akong tumawa at inayos ang salamin ko "... Hindi ko masyadong naintindihan."

"Gusto mo bang ulitin ko?" alok niya.

"Tama na 'yan," sabat ni Ivan. Tumikhim siya at sinaraduhan ang laptop niya na kanina niya pang katitigan. Importanteng importante yata ang pinagkakaabalahan niya. "I'll go ahead," nagsimula na siyang mag-ayos ng mga gamit. Ganoon din ang ginawa ko. Natatakot akong maiwan kay Mikyla.

Sabay kaming lumabas ni Ivan sa HashTEAg. Nagpaiwan naman si Mikyla dahil ayaw niya pang umuwi. Ang tahimik. Hinihintay lang namin ang mga sundo namin sa may harapan ng isang resto na katabi lang din ng HashTEAg nila. Pareho lang kaming nakatinggin sa mga dumadaang sasakyan sa kalsada. Alas sais na ng hapon kaya bukas na ang mga street lights at marami na rin ang nagtitinda sa paligid.

Taste Of Freedom |✓ (Dela Vega Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon