Kabanata 19
"Your driver was looking for you," Ivan said with his usual serious face.
"What did you said to him?" I asked.
"I told him 'I don't know' since I don't really know where you spent your night," he sigh. "I knew that William was your boyfriend but..." he paused, looking hesitant but still continued after a dull second. "... But please prioritize your studies. That thing can wait. It's not the right time for that."
Ha?
I furrowed. I didn't get him. What does he mean by 'that thing'? I bit my lips and looked up, placing my hands on my chin, trying to understand what he said. But I can't. Bakit napasali sa usapan si Wil? "Hindi ko gets. Can you elaborate?"
He sigh again and even massages his forehead. "You're a girl,"
"Of course," nakikita niya ba ako bilang lalaki?
"He's a guy," I nodded, brows are still furrowed. "You have feelings for each other and according to what I've read, kapag in love ang isang tao, minsan hindi na sila nag-iisip. Bigay na lang sila ng bigay. Buhay mo 'yan pero huwag namang isuko ang sarili mo sa isang taong hindi mo sigurado kung seryoso sa'yo. Save yourself to the man you'll marry."
I blinked, then gulped. Was he talking about my virginity here?
"E-excuse me?"
"Bakit? I'm just concerned. What if may nabuo tapos takbuhan ka-"
Napatayo ako at tumalikod sandali at mariing pumikit bago siya harapin.
"I AM. NOT. WITH. HIM. LAST. NIGHT." I emphasized every word for him to hear it clearly.
"S-sorry!" sabi niya bago nag-iwas ng tinggin. Umupo ulit ako at napailing. Nakakahiya!
"I'm with Jessa last night. Natulog ako sa kanila," tiningnan niya ako ng may pagtataka pero nagkibit-balikat lang ako. Ayokong mag-kwento. Tutal ay magka-chat naman sila ni Jessa, doon na lang siya magtanong.
Nandito kami sa HashTEAg. Kami lang dalawa dahil nasa Cavite na si Mikyla. Tanghali na at mabuti na lang ay inilibre niya ako. Gutom na gutom na kasi ako pero hindi naman ako makauwi kasi nga nahihiya na akong umuwi.
"Are you ok?" tanong niya.
Ayokong magsinungaling kaya umiling at pilit na ngumiti. "Nagkaproblema sa bahay. Ayokong umuwi kaya pwede bang makitulog muna ako sa inyo?"
Hindi pa rin ako nakakaligo. Nalalagkitan na ako sa katawan ko. Gusto ko ng magpalit.
"Pwede nam-"
Someone cut him off. "Hindi. Uuwi ka na. Kailangan mong umuwi."
Napabuntong-hininga na lang ako nang makita ko si kuya Jackson kasama si ate Yan na kakapasok lang dito sa HashTEAg.
"Sorry. Your driver told me to text him once you contact me," paliwanag ni Ivan nang balingan ko siya ng tinggin.
"Ayoko pa pong umuwi."
Ayoko pa talaga. Parang hindi ko pa sila kayang harapin lalo na si Papa. Nahihiya ako sa kaniya. Nahihiya ako na pinakain niya ako, binihisan, pinag-aral at itinuring na prinsesa tapos peke lang naman pala ako. Hindi naman niya ako anak.
Pinaharap ako ni ate Yan sa kaniya at hinawakan niya ang kamay ko. "Mawawalan ng trabaho si kuya Jackson mo kapag hindi ka umuwi. Pati ako mawawalan din."
May namumuo na namang luha sa mga mata ko. Bakit parang wala na akong choice kundi ang sundin ang gusto nila? Sa bagay ganoon naman palagi. Buong buhay ko, sinusunod ko lang sila palagi. May choice ako pero sila palagi ang nagdedesisyon para sa akin. Isang desisyon lang naman ang nagawa ko para sa sarili ko. At alam ko na kung ipinaalam ko sa kanila ang bagay na iyon, sila rin ang masusunod.
![](https://img.wattpad.com/cover/277414019-288-k718190.jpg)
BINABASA MO ANG
Taste Of Freedom |✓ (Dela Vega Series #2)
RomanceA lot of people around Beanca Annavel Valencia envy her for having more privileges than others. While she also secretly envies others for having one thing she's lacking, her freedom. She doesn't have plans to seek the world outside her cage. She did...