Kabanata 17

64 6 0
                                    

Kabanata 17

"Saan ka magbabakasyon?" tanong ni Mikyla bago kami umupo sa favorite spot namin dito sa HashTEAg.

Katatapos lang ng exam namin kaya sem-break na. Isang linggo lang naman iyon kaya hindi ko na pinagplanuhan. Hindi ko pa natatanong si Wil sa kung anong pagkakaabalahan niya sa sem-break. Wala rin naman siyang sinasabi na magda-date kami kaya baka tumambay na lang ako sa tree house kagaya ng palagi kong ginagawa.

Nagkibit-balikat ako sa tanong ni Mikyla. "Kayo?"

"Sa Cavite muna ako. Dadalawin din kasi namin sa sementeryo si Lola sa Undas," sagot ni Mikyla.

Pareho kaming tumingin kay Ivan kasi hindi siya sumasagot. Busy siya sa cellphone niya. I poked his cheeks kaya napatigil siya sa ginagawa at nilingon ako. Inayos niya pa ang salamin niya at tinaasan ako ng kilay. Napansin kong namumula na naman ang tenga niya ngayon.

"Saan ka magbabakasyon?" pag-uulit ko sa tanong dahil mukhang hindi siya nakikinig kanina.

Ibinalik niya ulit ang tinggin sa cellphone niya bago sumagot. "H-Hindi ko alam e."

"Ano bang pinagkakaabalahan mo sa cellphone mo? Kanina ka pang busy d'yan," puna ni Mikyla. Umiling naman si Ivan at itatago na sana ang cellphone niya pero naagaw ito ni Mikyla.

"Give me back my phone." Ivan said, trying to get his phone from Mikyla.

"Jessa?" napakunot ang noo ni Mikyla, nasa cellphone ni Ivan ang tinggin niya. "Bakit mo ka-chat ang nambully kay Annavel?"

"I said, give me back my phone," pag-uulit ni Ivan sa sinabi niya kanina. Hindi na naman siya nahirapan na kuhanin dahil kusa nang ibinigay ni Mikyla ang cellphone niya.

"Can you explain yourself?" Mikyla calmly asked, but her expression says otherwise. "Bakit ka-chat mo si Jessa?"

Napatinggin sa akin si Ivan at napabuntong-hininga na lang ako nang mapagtanto kung ano ang dahilan niya. Hindi ko alam na ginagawa na pala niya yung favor na in-offer niya sa akin.

"How's she?" I asked.

Napatinggin sa akin si Mikyla na para bang hindi makapaniwala na itinanong ko 'yon.

"She's doing good," sagot ni Ivan.

"Seriously? What's going on?" tanong ulit ni Mikyla na mukhang naguguluhan pa rin.

"I asked him na bantayan at kumustahin si Jessa. I kinda feel sorry for her kasi and guilty rin ako sa nangyari. Alam ko naman na may kasalanan din ako sa kaniya. Masyado akong naging mayabang-"

She cut me off. "Mayabang ka pa sa lagay na 'yon?!"

Napalunok ako nang magtaas siya ng boses. Nakakatakot talaga siya kapag nagtataray.

"Mikyla, enough!" saway ni Ivan.

"Hindi masamang maging mabait pero naiinis ako kasi ikaw na nga ang sinaktan niya, kalagayan niya pa ang iniintindi mo,"

"I'm the one who offered her a favor. Hindi pa niya tinatanggap pero ginawa ko na. Kung naiinis ka, sa akin na lang," sabat ni Ivan.

Hindi ko tuloy naiwasang pangiliran ng luha. Mukha silang nag-aaway at ako ang dahilan no'n. Pati ba kaibigan, mawawalan na rin ako?

"Hindi ako naiinis. Ang sa akin lang, hayaan niyo na si Jessa. Kung ano man ang parusang nakuha niya, consequence 'yon ng ginawa niya."

"I'm sorry," sabi ko.

"Ay hala siya! Bakit ka naiiyak?" kaagad na tumayo si Mikyla at niyakap ako mula sa likuran. "Hindi naman ako galit."

Ang babaw ko talaga. Lahat na lang ay iniiyakan ko. Pero kasi, konting pagtatalo lang ng mga taong malalapit sa akin, natatakot na ako. Nakakatakot na may masirang relationship. Sira na nga ang sa pamilya ko, pati ba naman sa mga kaibigan ko. Konti na lang iisipin ko na ang malas ko talaga.

Taste Of Freedom |✓ (Dela Vega Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon