Kabanata 25

54 6 0
                                    

Kabanata 25

It's already 11:30 PM. The year was about to change. Kumpleto na kami dito sa bahay nila ate Amanda. The food has already been served, but due to the tradition we follow, we are still not allowed to eat. Mamaya pa kami pwedeng kumain. Kuya Aries is already complaining. Pasimple pa siyang kumukuha ng paborito niyang shrimp at doon niya kinakain sa likuran ng bahay para hindi siya mapagalitan ng Mama niya. Dito talaga nagdiriwang ng noche buena at christmas party ang mga Valencia dahil mas malaki ang space rito.

I watched the Valencia's from where I was sitting. Nahihiya ako sa kanila. They have always been very kind to me. Because of them para na akong nagkaroon nang maraming Nanay, Tatay at mga kapatid. I'm thankful that they treated me like that but I feel like I don't deserve such treatment. I feel like I should no longer be participating in this celebration.

I do not belong to them. I'm fake. I just stole everything I have now from Dad's real child. Siya dapat ang nakakaranas nito at hindi ako. Every time I think that he doesn't have a Mom anymore, I can't help but feel sorry kasi inagaw ko pa sa kaniya si Papa Albert.

Alam ko ang pakiramdam na walang magulang kasi iyon ang ipinaramdam sa akin nila Mama at Papa noong mga nakaraang buwan. Sobrang lungkot. At hindi ko alam kung paano niya nakakaya 'yon.

Nag-aalala ako sa kalagayan ng anak ni Papa. Inaalala ko talaga kung nakakakain ba siya ng maayos. Kung may maayos ba siyang tinutuluyan. Nag-aaral pa ba siya o napilitan na magtrabaho para buhayin ang sarili? I wonder who's with him celebrating important occasions? Who might have joined him on stage when he got his diploma? Dahil sa mga tanong na 'yon mas lalo lang akong nainis sa sarili ko.

"Lalabas lang po ako sandali," paalam ko kay Papa na mukhang malalim pa rin ang iniisip.

Nasabi ko na kanina ang mga dapat kong sabihin at nagpapasalamat ako na kahit nabigla siya sa mga nalaman niya ay naisip niya pa ring sabihin sa akin na siya na ang bahala sa pag-aasikaso sa pagpapagamot kay Mama. Sa tinggin ko kahit papaano naayos ko ang problema ko sa pamilya ngayong bago matapos ang taon. Kaso... hindi pa rin ako masaya. I feel like there's something else missing.

I looked at my phone and tried to dial his number. He did not answer. Mukhang nagpalit na yata siya ng sim card or maybe, he blocked me. I dialed kuya Kael's number instead. Sinagot naman niya kaagad.

"Happy New Year," bati ko.

"Mamaya pa," pambabara niya bago tumawa. "Happy New Year din."

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa kuya Kael," napalunok at pilit na nilakasan ang loob.

"Kinakabahan naman ako sa'yo. Ano ba yan?"

"Si Wil... Are you with him?"

Sandaling natahimik sa kabilang linya. "Oo. B-bakit mo hinahanap? Gusto mo bang makausap?"

"Oo sana,"

"Sige," bakas ang pagtataka sa boses niya. "Wil, gusto ka raw kausapin."

"Sino?" napangiti ako nang muling marinig ang boses niya. Isang linggo na rin simula noong huli kaya sobrang namiss kong marinig ang boses niya.

"Kausapin mo na lang," sagot ni kuya Kael sa kaniya.

Ilang segundo pa akong naghintay bago siya narinig ulit magsalita. Nagpaalam siya kay kuya Kael na lalayo muna sandali.

"Wil, how are you?" tanong ko nang marinig ko ang pagbuntong-hininga niya.

"What do you want?" sobrang seryoso ng boses niya. Hindi ko naiwasang manibago. Hindi niya ako ganito kausapin noon.

Taste Of Freedom |✓ (Dela Vega Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon