Kabanata 32

44 5 3
                                    

Kabanata 32

"You're going back to South Korea again?" Mary asked while we were having our dinner.

Hindi namin kasabay si Jaeyun dahil nauna na siyang kumain kanina at nagpapahinga siya ngayon sa kwarto namin.

"Yes," uminom muna ako bago ipinagpatuloy ang sasabihin. "I have to work. Alam niyo naman na may bubuksan kaming bagong business ni Maven. Kaya hindi talaga ako pwedeng magtagal dito."

"What about your Mom?" Nicko asked. "That's the reason why you go here right?"

Oo nga pala. Dahil sa nangyari kahapon, nawala na 'yon sa isip ko. Kailangan ko nga palang makita si Mama at ipakilala sa kaniya si Jaeyun. But the problem is hindi ko alam kung saan ko siya hahanapin. Matagal na akong walang koneksyon sa kaniya.

"Kaya mo na bang kausapin si Tito Albert?" Napakunot ang noo ko dahil sa tanong ni Mary. "I mean, kahit para lang makita na ni Jaeyun si Tita. I'm sure that Tito Albert can help you."

Umiling ako. Hindi pwede. Ayoko. Nadala lang ako ng emosyon ko kaya nayakap ko siya noong kasal ni Kuya Jackson pero ayoko siyang ipakilala sa anak ko. Maguguluhan lang si Jaeyun.

"Bakit hindi mo subukan?" tanong ni Nicko na inilingan ko din.

"I'm sure, Kuya Jackson can help me too. I'll try to talk to him later."

"Jackson knows nothing," sabi ni Nicko habang nasa kinakain niyang chicken ang tinggin. "Nakausap ko na siya pero wala talaga siyang alam. Si Tito Albert lang ang maasahan natin."

Naalala ko na noong sinabi ko kay Papa ang tungkol sa kalagayan ni Mama, siya ang nag-asikaso no'n. Hindi niya sinabi sa akin ang kahit anong mahahalagang detalye sa pagpapagamot kay Mama. Makakatulong nga talaga siya pero ang tanong ay kung willing ba siya na tulungan ako.

"So that means, kailangan ko rin pala na ipakilala sa kaniya si Jaeyun?" Tumango si Mary sa tanong ko pero kabaligtaran ang ginawa ni Nicko.

"Maguguluhan si Jaeyun." Iyon din ang naisip ko kanina. "Si Tito Nicolai na ang kinikilala niyang Lolo niya. At alam natin na wala namang karapatan ang mga Valencia na makilala ang anak ni Maven." Kaagad ko siyang sinamaan sa huling sinabi niya.

"Anak namin. Anak ko na rin si Jaeyun, Nicko." Ilang beses ko bang sasabihin sa kaniya 'yon?

"Kagaya nga ng sinasabi ko, wala kang obligasyon na ipakilala si Jaeyun sa kanila. Kausapin mo lang si Tito Albert. Kunwari, hinahanap mo lang talaga si Tita Alice."

Napabuntong-hininga ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko. After naming mag-usap ni Wil kahapon, mas na-realize ko na dapat hindi na lang ako umuwi dito. Dapat hindi ko na hinayaan na makita ulit nila ako. I should have asked someone for help to find my Mom without going back here. Hindi rin talaga ako nag-iisip ng maayos minsan e. Pero sa suggestion ng pinsan kong si Nicko, mukhang hindi ko pa talaga mapuputol ang mga tali na nagkokonekta sa amin ni Wil.

"Mr. Valencia,"  Tumayo ako nang dumating siya.

"Papa. Please call me Papa again." Pilit akong ngumiti at tumango bago tuluyang umupo. Ganoon din ang ginawa niya.

Nakipagkita ako sa kaniya sa restaurant na madalas naming kainan noon. Iniwanan ko muna si Jaeyun sa bahay kay Mary. Mabuti na lang wala siyang shoot ngayon. I knew that I shouldn't waste time, so I immediately contacted him after my conversation with Mary and Nicko. Gladly, he agreed.

"Kumusta?" Emosyonal niyang tanong. Ang bigat sa pakiramdam ng tanong niya. "Ikaw pa rin ba 'yan? Mukhang marami ng nagbago sa 'yo."

"You're right." I nodded. "Marami na nga pong nagbago sa akin. And I'm glad I did changed. I am better now, I guess."

Taste Of Freedom |✓ (Dela Vega Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon