Kabanata 15

68 5 0
                                    

Kabanata 15

Araw ng Linggo. Nagpaalam ako kay Manang Belinda na doon muna sa tree house magpapalipas ng oras. Dadalhan na lang daw niya ako ng tanghalian mamaya. Pinakiusapan ko siya na huwag sabihin sa mga magulang ko na narinig ko silang nag-aaway. Naiintindihan naman ako ni Manang at ipinagpapasalamat ko iyon. Hindi nila alam na narinig ko sila at ayaw ko rin na malaman nila. Sa tinggin ko kasi kung magpapanggap akong walang alam, magpapanggap din sila na ok sila. Na ok ang pamilya namin kagaya ng dati. Kahit pagpapanggap lang, ayos lang sa akin.

"Tatawagin ko lang si Jackson,"

Kaagad akong umiling sa sinabi ni Manang Belinda. "Maglalakad na lang po muna ako para pawisan. Hayaan niyo po muna si Kuya Jackson na matulog."

"Sigurado ka?" tumango ako at nagpaalam na aalis na.

Papasikat pa lang ang araw. Masarap sanang mag-jogging pero sapat lang ang lakas ko ngayon para maglakad. Dumaan ulit ako sa bakery at bumili ng malunggay pandesal para may makain ako habang naglalakad.

Hindi pa rin mawala sa isip ko ang mga narinig ko kahapon. Binabagabag pa rin ako ng mga tanong na sila Mama at Papa lang ang makakasagot. May parte sa akin na curious kung ano 'yon, pero may parte rin na parang ayaw kong marinig kung ano man ang pinag-aawayan nila. Natatakot ako.

Huminga ako nang malalim nang makaramdam muli ng kirot sa dibdib dahil sa sinabi ni Papa. Wala ba talaga siyang pakialam sa akin?

Noong bata pa ako palagi niya akong pinapasalubungan ng mga laruan at pagkain na gusto ko. Palagi akong nag-se-seesaw sa mga binti niya. Palagi akong nakapangko sa likod niya. Palagi niya akong tinuturuan maglaro ng basketball kahit madalas na pinapagalitan kami ni Mama dahil baka raw masugatan ako at hindi naman daw larong pambabae ang basketball. Malapit ang loob ko sa kaniya kaya ganito na lang talaga kasakit na marinig na wala siyang pakialam sa mararamdaman ko kapag sinabi nila sa akin ang itinatago nila ni Mama.

Sabi ni Mary ang swerte ko raw sa pamilya ko. Sabi niya sana lahat ng magulang kagaya ni Mama at Papa. Sabi niya sana raw lahat ng pamilya katulad namin na masaya at palaging nagkakaintindihan.

Tama naman siya.

Madalas pinag-uusapan ni Mama at Papa ang problema. Pinapakinggan nila ang saloobin ng bawat isa kaya hindi nauuwi sa awayan. Why can't they do that now? Sobrang bigat ba ng problema namin para mag-away sila ng ganoon at umabot pa talaga sa punto na sasabihin ni Papa na wala siyang pakialam sa akin?

"Hindi po ba masarap ang pandesal?" Napatigil ako pag nguya at paglalakad nang biglang may magsalita sa tabi ko.

"M-masarap naman," nanginginig ang boses ko nang sabihin iyon. Napalunok ako nang mapagtanto na lumuluha na pala ako.

"Bakit ka po umiiyak? Sobrang nahihiya ka po ba ngayon kaya hindi maawat ang luha mo?" tumango na lang ako. Inabutan naman niya ako ng panyo. "Hala, huwag po kayong mahiya sa akin. Ako lang naman po ito. Mabait po ako."

Napangiti ako sa paraan niya ng pagsasalita. Para rin siyang natataranta. Akala niya siguro ay siya talaga ang nagpaiyak sa akin. Kahit papaano gumaan ang pakiramdam ko dahil doon.

"Salamat, Nicko." Tinanggal ko ang suot kong salamin at pinunasan ang luha gamit ang panyo niya.

"Huwag ka na pong magpasalamat. Wala naman po akong ginagawang mabuti o ibinibigay na regalo,"

Ang inosente talaga niyang tingnan at napakabait.

"Saan ka nga pala pupunta?" pag-iiba ko sa usapan at isinuot na ulit ang salamin ko. Sa susunod ko lang isasauli ang panyo niya kapag bagong laba na.

"Pauwi na po ako. Bumili lang po ako ng kape." Bahagya niyang itinaas ang dalawang kape niya.

"Pwede bang sumama sa inyo?" Tanong ko. Gusto ko lang maglibang. Gusto ko lang kalimutan sandali ang mga problema sa bahay.

Taste Of Freedom |✓ (Dela Vega Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon