Kabanata 1

223 7 1
                                    

Kabanata 1

Hindi gaanong malaki ang space ng HashTEAg kumpara sa ibang mga milktea shop dito sa bayan namin pero pagkapasok ko palang nagustuhan ko na kaagad ang vibes dito. Ang aliwalas sa mata ng kapaligiran. I love pastel colors at ganoon ang kulay ng lahat ng kabuuan ng HashTEAg. Kahit ang mga upuan at ang iba nilang pagkain.

May mini stage malapit sa counter. May magp-perform ata rito every night? Hindi ko sure. Maraming tao sa loob, dinayo talaga ang opening ng shop na 'to. Halos wala ng maupuan pero mabuti na lang talaga may naka reserved na para sa akin.

Tinanong ako ni Ivan pagka-upo ko, "Anong gusto mo?"

Hindi talaga ako mahilig sa milktea. Ayaw rin kasi ni Mama.

"Kahit ano na lang," sagot ko.

Napakamot naman si Ivan sa batok niya at sandali pa akong tinitigan bago tuluyang umalis sa harapan ko.

Nakangiti kong inilibot ulit ang paningin ko sa milk tea shop na ito. Ang ganda talaga dito. Mukhang may bago na naman akong madalas pupuntahan ngayon.

"Are you taken?"

Napalingon ako sa lalaking lumapit sa akin. He was wearing brown pants and an oversized black shirt. Nakalagay sa bulsa ang isa niyang kamay habang ang isa naman ay sa may baywang. Hindi naman sa panghuhusga pero mukha siyang bad boy. Ang dami niyang hikaw sa tenga. Pamilyar siya sa akin pero hindi ko maalala kung saan ko siya nakita before. Pinangunutan ko siya ng noo dahil sa tanong niya kanina. Natawa naman siya sa reaksyon ko.

"I mean... ahhh... Is this sit taken po, Miss Baby Valencia?"

Miss Baby Valencia?

"Excuse me?" nakakunot-noo pa ring tanong ko. Maraming nakakilala sa akin pero ngayon lang may tumawag na Baby Valencia siya sa akin.

"Daraan ka po?" nang-aasar na tanong niya. Ang corny.

"This sit is taken po." Pagtatapos ko sa usapan namin. Kinuha ko na lang ang cellphone sa bulsa ko to distract myself.

"Wil, huwag dito ha. Huwag na huwag. If you're planning to flirt, umuwi ka na,"

Napatigil ako sa pag-scroll sa cellphone ko dahil sa pamilyar na boses na narinig ko. Nang mag-angat ako ng tinggin ay sumalubong sa akin ang naka-face mask na lalaki na kausap ang lalaking nagtanong sa akin kanina. Napatinggin siya sa akin nang naramdaman ata ang titig ko.

"Hi, Annavel!" Sandali niyang ibinaba ang mask niya at nginitian ako. Sinenyasan niya pa ako na huwag akong maingay dahil baka makita siya ng ibang fans niya.

"Umupo ka, Kuya," nakangiting alok ko kay Kuya Seo. Gosh. I'm his fan!

He's one of the famous vloggers here in the Philippines. He's a family friend and I often see him, especially at family and business events, but I didn't expect to see him here.

"Ang daya. Taken daw," hindi ko na lang pinansin ang parinig noong kasama niyang lalaki. Taken na naman kasi talaga ang upuan sa tabi ko. Para kay Ivan 'yon pero dahil wala pa naman siya, edi si Kuya Seo muna.

"O my gosh, Kuya Seo. What's bring you here?" nakangiti pa ring tanong ko nang umupo siya sa katapat ko. I'm really happy to see him. Parang sobrang blessed ko naman ngayong araw.

"To perform. Ikaw? Bakit mag-isa ka lang?"

Ang sarap talaga sa tenga ng boses ni Kuya Seo. Ngayon ko lang napansin na nakasuot siya ng brown jacket. Pareho kaming brown ang kulay ng tops. Nakakatuwa naman.

"A former classmate invited me. Anak siya ng may-ari," sagot ko. Hindi ko maaalis ang tinggin ko sa kaniya. Nakaka-star struck pa rin siya kahit ilang beses ko nang nakita. Aaminin kong crush ko siya pero hanggang doon lang 'yon. Hindi ko naman siya gustong maging boyfriend pero kung may chance, bakit hindi? Aarte pa ba ako?

Taste Of Freedom |✓ (Dela Vega Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon