"You like this?" Calian asked while pushing the frappuccino he ordered in front of me.
I gave him a shy smile after shaking my head. He nodded, pursed his lips and then grabbed the frappuccino back in front of him. He took a sip while looking at me and the milk tea that I was about to drink.
"What?" I smirked and tore my eyes off him.
"Does that tastes good?" He asked while leaning his body towards me.
Tumango ako at lumingon sa kaniya. "Yes. Why? You want to give it a try?"
Umiwas siya ng tingin habang ngumingisi. He's so weird right now. Siniko ko siya kaya muli siyang lumingon sa akin. Tinaas ko ang isang kilay ko at nilabi ang tanong na 'ano' pero umiling lang siya.
"Gosh, I feel so single. Are you sure hindi talaga kayo? Paano na lang kung kayo na? Baka langgamin kami rito." Tumawa si Ayla matapos 'yong sabihin.
Tumawa rin maging sina Anwyn at Blyana na sinasamahan pa ng pang-aasar. Umiiling na lang ako at napapakagat sa labi sa sobrang hiya.
"Oh, paano aalis na kami?" Blyana asked while holding Anwyn's car door, ready to leave.
"Don't worry, I'll take very good care of Ghaliya." Sagot ni Calian na bahagya pa akong inakbayan, he's enjoying this so much!
Uminit ang pisngi ko nang makitang nagsikuhan sa loob sina Ayla at Anwyn. Lumayo ako kay Calian at saka nakipagbeso kay Blyana para makaalis na sila. Kumaway pa ako hanggang sa mawala na sila ng tuluyan sa paningin namin.
"Let's go?" Aya ni Calian na hinaplos pa ang likuran ko bago binuksan ang pinto sa passenger's seat.
"Where are we going?" I asked the moment the car started to move.
Mabilis niya akong nilingon at ngumiti.
"You'll see." Sagot niya sabay kindat at saka balik ng tingin sa unahan.
I nodded while pursing my lips together.
I don't know if I'm excited, constipated, or just feeling both! But, there's really something moving inside my stomach. Be it an insect trying to start a war or the milktea I consumed. I shook my head.
Ilang minuto na kaming nasa biyahe nang maisipan kong kuhaan ng picture si Calian. Nilabas ko ang cellphone ko at kumuha ng ilang stolen shots.
"Stop... It." Tumatawang saad niya habang inaabot ang cellphone ko, akmang kukuhain.
Tinago ko na ang cellphone ko matapos kumuha ng iilang pictures ni Calian at ng view mula sa bintana ng sasakyan.
"What do you think?" Tanong niya nang itigil ang sasakyan sa boardwalk kung saan tanaw na tanaw ang dagat.
"It's so beautiful. C-Can we take a look?" I asked while holding the seat belt.
"Of course, Ghali. I knew you'd love it here." Ngumiti siya at lumabas na para umikot at pagbuksan ako ng pinto.
Sumalubong sa akin ang buhay na buhay na gusali. There's a night market with food stalls at every corner, and a live band in the middle. It looks so lively. Idagdag pa na sa baba ng boardwalk ay ang dagat na siyang nagbibigay ng sariwa at malamig na simoy ng hangin.
Tumakbo ako papunta sa railings at tinanaw ang dagat kung saan makikita ang ilaw ng mga buildings sa dulo. Buti na lang at gabi na, sa palagay ko kasi mas maganda talaga ang view dito kapag ganitong mga oras.
"Let's eat, first?" Calian asked that made me turn my gaze at him.
Tumango ako, "sure."
Iginayak niya ako sa isang food stall na nagtitinda ng mga street foods. Sa totoo lang, hindi talaga ako mahilig doon dati, dahil na rin masyadong tutok si mommy sa mga kinakain ko. Well she was a surgeon, that's understandable. Tumigas lang talaga ang ulo ko nang maging kaklase ko si Sorin. Masiyado kasi 'yong kuripot kaya tusok-tusok lang ang libre niya sa akin. Hindi naman ako nagrereklamo, masarap naman kasi.
BINABASA MO ANG
Finders, Keepers
Fiksyen RemajaIt took one sudden encounter, a series of unexpected messages, and random get-togethers, that they may have realized there was something more than just experiences they had in common. And perhaps their past that brought them so much pain ironically...
