Part 11

337 15 0
                                        

3rd person POV

kaalis ni dahyun ay agad naman nagmadali umuwi si Jihyo at si Sana para masabi nila ang nangyari sa iba at kung ano man ang napagusapan nila. ka dating nila sa bahay ay agad binuksan ni sana ang pinto para makapasok sila. nang makapasok ay nakita nila si mina at jeongyeon na nakaupo sa sofa pero isang tao lang ang gusto nila makita ngayon at yun ay si chaeyoung.

"oh bakit ngayon lang kayo kanina pa kayo umalis ha, binili niyo na bang dalawa yung buong grocery?", pagtatanong ni jeongyeon ng pumasok ang dalawa.

"bakit naman kayo hingal na hingal dyan?", tanong naman ni mina ng makita silang hinihingal.

"Asan si Chaeyoung", sabi naman ni jihyo na hingal parin at binitawan na ang mga dala sa lamesa at ganon din si sana.

"nandun sa kwarto niya", nagtatakang sabi ni jeongyeon.

"bakit hinahanap niyo siya?", tanong ni mina na nagtataka na rin pero hindi sumagot ang dalawa at tumakbo na lang papunta sa taas at dumeretso sa kwarto ni chaeyoung.

"Son Chaeyoung!!!", sigaw ng dalawa pag ka akyat kaya sinundan na sila nila jeongyeon narinig din ng iba ang pagsigaw nito kaya napalabas din maliban kay nayeon.

hindi na kumatok ang dalawa at agad ng pumasok sa kwarto ni chaeyoung. nakita naman nila itong kalalabas lang ng cr kaya nagulat naman si chaeng ng makita niya ang dalawa na naka tingin sa kanya ng masama at nagulat pa lalo ng hinila siya ni Sana at sinimulan pagpapaluin ng mga ito.

"unnie ano ba nangyayari sa inyo inaano ko ba kayo!!", pasigaw na sabi ni chaeyoung habang sinasaktan pa rin siya ng dalawa.

"Bakit hindi mo sinabi!!!", sigaw ni jihyo sa kanya.

"all this time alam mo!!!", sumigaw din si sana.

"ang alin ba?!!!" patanong na sigaw ni chaeyoung. pagdating naman nung iba ay agad silang inawat kaya naman tumigil na yung dalawa sa pananakit kay chaeyoung.

"ano ba yan bakit kayo nag-aaway?", tanong ni jeongyeon.

"ano bang kaguluhan to?", bigla naman lumabas ng kwarto si nayeon ng marinig ang nangyayari.

"bakit ba kayo na nanakit, inaano ko ba kayo?", tanong ni chaeyoung habang hinihimas ang katawan.

"bakit hindi mo sinabi?", tanong ni jihyo.

"ang alin ba?", takang tanong ni chaeyoung.

"Na alam mo kung saan nagpunta si dahyun 10 years ago", galit na sabi ni sana

"HUH?!", nagulat naman ang lahat.

"Ha?! alam ko?", takang tanong ni din chaeyoung kaya pinalo siya ulit ni sana.

"sabi niya nag message daw siya sayo bago pa man siya sumakay nag eroplano", Sabi ni jihyo.

"HUH! Sabi niya?", naguguluhan na tanong ni jeongyeon.

"pano niyo naman nalaman?", naguguluhan din na tanong ni tzuyu.

"nakausap niyo siya?", tanong ni momo.

"oo nakausap na namin siya kaya kami natagalan kasi nakipag-usap kami sa kanya", sagot ni sana.

"habang pauwi may nakita kaming aso sa daan kanina kaya hinarangan namin tapos nung hinahanap namin yung may ari biglang lumapit si dahyun samin kaya nakita namin siya. nung una nagdedenay pa siya pero sinabi namin sa kanya na alam namin na nagsisinungaling lang siya kaya naman wala siya nagawa kundi umamin na siya nga si dahyun", pag explain ni jihyo sa kanila.

"pumayag siya makipag-usap samin kaya alam na namin ang lahat lalong lalo na yung reason ng pag-alis niya", Sabi naman ni sana.

"sinabi niya kung ganon kasakit yung naramdaman niyo nung nakipaghiwalay ka sa kanya nayeon unnie, masyado siyang nasaktan kaya mas pinili na lang niya umalis kasi tingin niya yun yung mas makakabuti at baka daw yun yung makakatulong sa kanya makamove on sayo. sinabi pa niya na baka daw kung nag-stay pa siya eh Baka magmakaawa lang siya sayo ulet at ayaw niya kasi alam niya na kahit magmakaawa siya wala rin naman magbabago sa desisyon mo kaya mas ginusto na lang niya umalis", pag-explain ni jihyo, nakita naman niya na tumutulo na ang luha ni nayeon dahil sa mga narinig.

"sinabi niya rin bago pa man mangyari ang lahat ay ilang beses na siyang kinulit ng parent's niya na pumunta na sa States dahil lahat ng pamilya niya nandun na siya na lang ang wala, pero hindi na niya sinabi satin kasi wala naman siyang balak talaga na pumunta dun mas lalo na dahil ayaw ka niyang iwan kaya hindi niya tinuloy", paliwanag naman ni Sana.

"ahhhhh. oo naalala ko na sinabi nga pala niya yun sakin dahil one time inaya niya ako pumunta sa coffee shop malapit sa school pero nauna na siya dun kasi sabi ko sa kanya may gagawin ako sandali kaya nauna siya dun. nung makapunta naman nakita ko siya na busy nagsecellphone akala ko si nayeon unnie yung kausap niya. gugulatin ko nga sana siya eh kaso nung makita ko yung cellphone niya yung mama niya yung kausap niya kaya ayun inexplain niya sakin yung lahat kaso sabi kasi niya sakin wag na daw sabihin sa inyo dahil hindi naman niya itutuloy. pero unnie maniwala kayo yung about dun sa message na sinasabi niyo hindi ko alam yun", pag-explain ni chaeyoung sa mga kaibigan.

"eh bakit ba kasi hindi mo nakita?", galit na sabi ni mina sa kanya.

"eh kasi yung time na yun biglang nasira yung phone ko kaya siguro hindi ko Nakita. Pero hanapin ko yung old phone ko para makuha ko yung sim para rin makita natin yung message niya", sabi naman nito.

 hindi naman na nagsalita ang iba at lumabas na lang ng kwarto ni chaeyoung. lahat sila ay pumunta na sa living room habang si tzuyu ay inaalalayan si nayeon dahil umiiyak parin ito. agad naman nahanap ni chaeyoung ang dating cellphone kaya naman agad nito kinuha ang sim at nilagay sa bago niyang cellphone at agad na rin bumaba.

"nakita ko na!!!", sigaw ni chaeyoung ng marating ang living room. 

kabukas ng cellphone nito ay agad naman niya pinuntahan ang message at nakita ang pangalan ni dahyun kaya naman binuksan niya agad ito at nakita ngang totoo ang sinasabi ng mga unnie niya. nang makita ng iba ay agad din siya pinaghahampas.

Dahyun Bro: Bro i'm sorry itutuloy ko na yung pagpunta sa states and tell the other's that I'm sorry . received 10 years ago.

"Sorry na guys di ko talaga alam", paghingi ng tawag nito.

Nagstay ang lahat dun at patuloy naman kinuwento ni sana at ni jihyo ang iba pang sinabi ni dahyun sa kanila. kung pano na ka move on si dahyun, kung pano nahirapan, kung pano natakot si dahyun na bumalik ng korea si dahyun at ngayon naintindihan na nila si dahyun kung bakit nito nagawa magsinungaling. hindi rin nakalimutan sabihin ni sana kay nayeon na gusto ni dahyun na siya mismo ang magsabi ng dahilanl kung bakit siya nakipagbreak noon. sinabi rin ni jihyo na gusto makipagkita ni dahyun sa kanilang lahat.

At ngayon na alam na nila ang lahat ang gusto na lang nila gawin ngayon ay ang makita si dahyun dahil sobrang miss na nila ito. Si nayeon naman gusto na sabihin kay dahyun ang totoong dahilan ng pakikipag hiwalay niya noon pero wala silang choice kung hindi hintayin ang bukas. 

Ms. CEO and Her pastWhere stories live. Discover now