Seungkwan's POV
Helllooooooooowwwwww!!!!!!!!!
Ako to si Seungkwan, na bwisit na bwisit sayo! Charot hahaha
“Uy Kwan!” kinalabit pa ako ni Dino sa tabi ko.
Humarap naman ako sa kanya.
“Ang tagal nila ate at kuya no?” bulong pa niya.
“Traffic ata” sagot ko naman
Mga ilang minuto pa ay may bumusina sa labas at syempre isa tayong chismosa, lumabas din ako para maki-chismis.
At shalaaa!!! si Kuya Cheol at Asteria lang naman HAHAHAHA.
Kaya nga lang bakit parang malata si Asteria ngayon???
Nag-away na naman kaya sila??
“Bakit ang tahimik ata ni Asteria?” nagtatakang bulong sa akin ni Cristal.
“Aba! malay ko?” masungit ko pang sabi.
“Ayos ayos kong nagtanong sayo tapos susungitan mo lang ako?” mataray pang sabi niya habang nakapamewang.
“Ewan ko sayo!” inirapan lang ako nito at lumapit na kay Malia na kakatapos lang kumain.
“Tsk! nag-away na naman kayo ng crush mo” nang-aasar pang sabi ni Soonyoung.
“Crush mo si Cris-” tinakpan ko na yung bibig ni Seokmin bago pa niya maituloy yung sasabihin niya.
Gago! kabado bente ko don ah...
😶
“Asteria” lumipat pa si Jungkook sa tabi ni Asteria. “Ok ka lang?” hinipo pa ni Jungkook yung noo nito saka yung leeg.
Hinawakan naman ni Asteria yung kamay ni Jungkook saka marahang pinisil.
Nginitian ito ni Asteria “Okay lang ako, gutom lang”
Napangiti naman si Jungkook saka dahan dahang hinatak patayo si Asteria papuntang kusina..
Dapat pala ngayon ako kumain hahaha, pano ba naman pagkakain namin dumating si Jungkook tapos ang daming dalang pagkain. Eh busog na ako!!😖
“Kain lang kami” paalam ni Jungkook kay Kuya Han, tinanguan lang ito ni Kuya Han.
Syempre! tinignan ko yung reaksyon nung asawa...
Wala lang nakapoker face lang siya parang walang pake sa mundo.😑