"Ano nakita niyo na si Asteria?" nag-aalalang tanong ni Jeonghan, hindi na din siya mapakali panay ang libot niya sa buong university ngunit hindi pa din niya makita ang kapatid.
"Si Seungcheol ba nakita niyo?" tanong naman ni Jaehyun.
Umiling lang naman ang mga kaibigan nila. Halos maiyak si Seungkwan kasi nga hindi nila makita si Asteria.
"Maghanap ulit tayo, maghiwahiwalay tayo para mapabilis ang paghahanap" nagtanguan naman ang magkakaibigan sa sinabi ni Jimin.
"Doon ako sa may mga hindi ginagamit na building" sabi ni Jaehyun.
Naghiwahiwalay na nga sila at sinimulan na ang paghahanap.
Nakasalubong pa ni Jaehyun si Mark at Johnny.
"What's meron?" tanong ni Mark.
"Gago ang conyo mo hindi bagay" hinampas pa ni Johnny si Mark.
"Eh ano ngang meron, ba't kanina ko pa kayo nakikitang palakad-lakad sa buong university? buti na lang 'di kayo napapagalitan ni Pres." seryosong tanong ni Mark.
"Hindi kasi namin makita si Asteria" sagot ni Jaehyun sa kanilang dalawa.
"Aba eh tara tulungan namin kayo!" nagmamadaling sabi ni Johnny saka nagsimula na ding maghanap.
Nagpunta si Jaehyun sa building ng mga engineering students saka nagtanong tanong pero wala pa din.
Naisipan niyang pumunta sa hindi na daw ginagamit na library. Nagulat pa si Jaehyun nang makasalubong niya si Seungcheol na mukhang kagagaling lang sa pag-iyak.
Dali-dali namang pumunta si Jaehyun kung saan niya nakitang nanggaling si Seungcheol.
Maalikabok na lumang library ang bumungad sa kanya. Dumiretso siya kung saan nandoon ang pintuan ng library, may narinig siyang humihikbi kaya naman agad niyang hinanap ito at doon niya natagpuan si Asteria sa sulok na nakadukdok habang humihikbi.
Lumapit siya kay Asteria at niyakap ito.
"Shhhh, tahan na, it's okay, I'm here" niyakap din naman siya ni Asteria.
"Let's go na at nag-aalala na sila sa'yo lalo na si kuya Han na naiiyak na kakahanap sa'yo" inalalayan naman ni Jaehyun si Asteria na tumayo.
Pinunasan muna ni Jaehyun yung luha ni Asteria.
"Jaehyun, gusto ko ng makipag-divorce kay Cheol" nagulat pa si Jaehyun ng sabihin ito ni Asteria.
Gusto niyang matuwa pero parang mali.
"Ha?"
"Pagod na 'ko, lagi na lang ako ang sinisisi niya kapag may away sila ni Cheska" sabi ni Asteria habang humihikbi.
"B-Baka naman m-mapag-uusapan niyo pang d-dalawa, try mong ipaliwanag 'yung totoo" sabi naman ni Jaehyun habang pinapakalma si Asteria.
"Yun nga eh, lintek na totoo 'yan ano ba kasing totoo?" niyakap naman siya ulit ni Jaehyun kasi mukhang iiyak na naman ito.
"Sabihin mo na wala ka naman do'n sa parking lot saka 'di mo naman kilala si Galen" tinuyo naman ni Jaehyun 'yung luhang pumatak sa mata ni Asteria.
"T-Try k-ko mamaya sa bahay"
"Saka nga pala Asteria, lilipat na 'ko sa condo ko" nagulat naman si Asteria at halatang nalungkot ito. "S-Sinabi kasi ni mama na naayos na kaya pwede na ko doon tumira" nakayukong sabi ni Jaehyun.
"Ano ba, ayos lang saka sayang naman 'yung condo kung hindi mo gagamitin" nakangiting sabi ni Asteria.
"Tara na" nakangiting sabi ni Jaehyun saka inalalayang maglakad si Asteria palabas ng library.