Cheol's Parents
Valdemar Choi
Clarabelle ChoiAsteria's Parents
Stacey Yoon
Draven Yoon"Hoy, tara sa gymnasium, may announcement daw si Dean!" pag-aaya ni Jimin.
"Luh? di ba may laro ngayon ang tennis sa gym?" takang tanong pa ni Mingyu.
Nagkibit-balikat lang si Jimin.
"Hoy tara na!!" sigaw naman ni Mingyu sa iba nilang kaibigan.
Nang makarating sila sa gymnasium, sa unahan sila pumwesto, nagsisidatingan pa lang naman 'yung iba kaya sa unahan sila napuwesto.
"Good afternoon po Dean!" bati nilang magkakaibigan nang dumaan si Seokjin.
"Good afternoon din mga anak!" nakangiting bati nito saka pumanik na sa stage.
Maya-maya pa ay nagsimula din ang announcement na sasabihin daw.
"Good afternoon mga anakshie ko!" natawa naman 'yung mga students sa loob ng gymnasium. "Saglit lang naman ito gusto ko lang ipakilala 'yung mga may mataas na share dito sa ating school"
"Please welcome Mr. and Mrs. Choi" nagpalakpakan ang lahat at mga tumayo para magbigay galang sa magulang ni Seungcheol.
"Mom mo kuys oh!" turo ni Mingyu sa magulang ni Cheol.
"Wow naman, sana ol mayaman" sabi pa ni Taehyung kaya pabiro siyang siniko ni Mingyu.
Maya-maya pa ay nagulat si Jeonghan at kambal nang makita ang mga magulang na kasunod ng mga Choi.
"Luh? sabi ni mom sa akin nung nanghihingi ako ng pera, wala daw tapos ngayon malalaman ko na shareholders na sila dito sa school!?" natawa naman ang kambal sa sinabi ng kuya nila.
"Let's also welcome Mr. and Mrs. Yoon" nagpalakpakan ulit ang lahat.
Nagsalita ulit si Mr. Seokjin.
"Kung naaalala niyo pa papalitan na natin 'yung name ng ating school and sila na din ang may pinaka malaking share sa university natin kaya mga Sir at mga Ma'am, Thank you po!" niyakap naman ng mama ni Asteria si Mr. Seokjin.
"Baka po may gusto kayong sabihin mga madam at mga sir?" nakangiting tanong ni Jin.
"Yan si Mrs. Choi daw may sasabihin" iniabot naman ni Jin ang mic kay Mrs. Choi.
"Grabe ka talaga sakin Mr. Seokjin, 'di ako prepared eh!" parang batang sabi nito, natawa naman sila Cheol.
Agaw pansin ngayon ang mga magkakaibigan kasi puro sila tawa.
"Beh, tignan mo lagi nang nasa dean's list yang mga yan!"
"Tsk, syempre connections!"
"So gusto ko lang sabihin na kapag naka-graduate kayo or dito kayo graduate, pwede kayong mag-apply sa aming company na soon ay si Cheol na ang mag mamanage, kung kilala niyo 'yung anak ko malamang eh takot kayo sa kanya pero ano mga anak mabait 'yan mainitin nga lang ang ulo hahaha" natawa naman ang lahat maging si Jin.
"SINGLE PO BA SI CHEOL??"
Natawa naman ang ina ni Cheol. "I don't know mga anak hahaha, ask niyo na lang siya" iniabot naman niya 'yung mic sa mom nila Astelia.
"Good afternoon mga anak, hindi din ako prepared pero ayon nga sa sinabi ni mare ko hahaha pwede kayong mag apply sa company namin, ihahandle na din iyon ni Jeonghan saka ni Asteria, ayaw kasi nung isa dyan!" pagpaparinig pa niya kay Astelia.