Chapter 21

38 1 0
                                    

"Samahan na lang kita"

Maging si kuya ay palipat-lipat ng tingin sa dalawa.

"Samahan niyo na lang dalawa" sabi ni kuya sa kanilang dalawa saka nagpunas ng luha.

"Eh pa'no ka?" nag-aalala kong tanong kay kuya saka marahang pinunasan 'yung mga luha niya.

"Don't worry about me, tatapusin ko na kung anong meron kaming dalawa"

"Weh baka naman pag-uwi mo ayos ulit kayo nako Han kilala kita marupok ka" binatukan naman ni kuya si Cheol.

"Tangina'ng 'to! gago hindi na masyado ng masakit, nakakapagod na din" napangiti naman ako.

"Sige na maliligo na ako" sabi ni kuya saka tumayo at naglakad paalis.

Sinundan namin siyang tatlo hanggang paglabas.

"Dito ka na lang kaya maligo kuya" suhestyon ni Jaehyun.

"Oo nga kuya, dito ka na lang maligo" pagsang-ayon ko naman.

"Wag na, sa condo ko na lang"

Hinatid namin siya hanggang sa gate.

"Ingat ka kuya" sabi ko habang kumakaway.

"Hoy kayong dalawa ingatan niyo 'yung bunso namin, lagot kayo sa aking dalawa kapag may nangyaring masama sa kanya."

"Sus kuya, kapag kasama niya ako alam mo namang safe siya, naalala mo ba nung grade 6 kami pinagtanggol ko 'yan!" mayabang na sabi ni Jaehyun kaya napangiwi ako.

"Sige na, alis na 'ko" paalam pa ni kuya saka pinaandar 'yung sasakyan niya.

"Sana naman maging maayos 'yung pag-uusap nila" sabi ko pa saka pumasok sa loob.

Iniwan ko 'yung dalawa sa may gate.

Pumunta naman ako sa kwarto ko. Tapos na ayusin kaya dito na ulit ako natutulog.

May kumatok naman sa pinto kaya pinagbuksan ko.

"Oh Jaehyun" pinapasok ko siya sa loob.

Agad naman siyang humilata sa kama saka niyakap 'yung isa kong unan.

"Oh bakit ang lungkot mo 'ata?" tanong ko sa kanya napansin ko kasing nakasimangot siya at parang may iniisip.

"Naaawa lang ako kay kuya Han, alam mo nung narinig ko kanina na siya pa 'yung inaakusaan na may babae tapos ito palang si Sowon ang may iba. Grabe! parang ako 'yung nasaktan para kay kuya."

"Yan din yung naisip ko kanina, grabe alam mo 'yung ang laki na ng tiwala ko kay ate Sowon tapos naiisip ko na kapag kinasal sila 'lam mo 'yun 'yung parang nakikita mo na sila talaga para sa isa't-isa?" tumango lang siya.

"Anong oras na oh.. gumayak ka na at para masundo na natin 'yung ate mo, mabilis lang flight non sa eroplano niyo namang private sasakay eh"

"Lumabas ka na at sabihan mo na din si Cheol na gumayak na din" utos ko pa sa kanya.

Tumayo naman ito saka nag-unat-unat.

"Geh na maliligo na din ako" sabi niya saka lumabas ng kwarto ko.

Hayyy buhay tsk tsk!.

JAEHYUN' s POV

"Kuya Cheol!! magbihis ka na daw po!!" sigaw ko sa labas ng kwarto ni kuya Cheol.

Syempre kailangan natin mag po at opo kasi ganiyan tayo kagalang 😉

"Nagbibihis na!!" rinig ko pang sagot niya kaya naman pumunta na ako sa guest room kung saan ako magstay.

You're MineWhere stories live. Discover now