- C L I N I C -
"Kunin ko kaya yung test paper natin?" sabi ko habang inaayos yung kumot niya.
"Bukas na lang tayo mag exam, sabay na tayo" sagot nito habang umaayos ng higa.
"Matulog ka muna para naman gumaan ng konti yung pakiramdam mo" sinunod naman niya sinabi ko.
Mga ilang minuto ay nakatulog na siya.
Lumapit ako sa nurse at humingi ng basang bimpo para ilagay sa noo ni Cheol.
Nang makalapit ako sa kanya, pinagmasdan ko muna yung mukha niya.
'Ang amo ng mukha kapag tulog ah?'
'Aalagaan ko ba to o pupunta na ako ng room?'
'Ang haba pala ng eyelashes niya'
'Ang cute matulog, nakanguso hihi'
"Are you done staring at me?" napaiwas naman ako ng tingin.
'Bakit kasi tinitigan ko pa!!'
"H-Hindi ah, nakanganga ka kasi!" palusot ko pa.
"Palusot ka pa, pogi ng asawa mo no?"
"Bakit ganiyan ka ngayon?"
Nagtataka itong tumingin sa akin "Anong bakit ako ganiyan?"
"Feeling close" sagot ko
"Ayaw mo ba non? friends na tayo" sabi pa niya.
'ha ha ha, friends pala'
"Ewan ko sayo!" lumapit na ako sa kanya saka marahang dinampi yung bimpo sa noo niya.
Napansin ko namang nakatitig siya sa akin.
"Ano!?" masungit kong tanong.
"Ano na namang ginawa ko?" natatawang tanong niya.
"Bakit ka ba kasi nakatitig!?"
"Ang cute mo kasi, saka bakit ka ba nakapout?" tanong niya.
"Wala!" natawa lang ito saka tumitig ulit sakin.
"Wag ka ngang tumitig!" ngumisi naman siya saka inilapit yung mukha niya sakin.
Napaatras naman kaagad ako.