"Happy New Year!!!" sigaw ni mama na naka-akbay kay Cheol.
Anong happy sa new year kung wala na kami?
Nakipag-hiwalay na ako kay Jaehyun, nalaman na rin nila mommy. Nalungkot si mommy at panay ang sorry sa akin, wala naman akong magagawa diba?
Nagchat na rin 'yung mga kaibigan namin.
Anak ni Asteria at Jaehyun (real)
12:02 amSeungkwan
HAPPY NEW YEAR
MGA ACCLA! <3Malia
HAPPY NEW YEAR
MGA MHIEMASAURS
XOXO🩷Cristal
Ingay niyo!Chan
Video call na lang
bilis!!!Jaehyun
Iinggitin mo lang
kami eh.Mapait akong napangiti. Sorry mahal ko.
Nag-video call nga kami at tama nga si Jaehyun, mang-iinggit lang si Chan.
"Kita niyo 'tong lechon?" kumuha pa ito ng balat saka kinagat. "Mmmm sarap!"
"Kick niyo nga si Chan" sabi pa ni Jaehyun.
"Sus eh ikaw nga 'tong maraming handa! ipinakita mo pa samin hahaha" sabi ni Chan.
"By the way, sabi ni Ann thank you raw sa pagsama sa kanya kahapon nung nasiraan siya ng kotse" sabi naman ni Seungkwan.
"Oks lang 'yon, umuulan eh kawawa naman kung hindi ko tutulungan" nakangiting sagot ni Jaehyun.
"HELLO HELLO HAPPY NEW YEAR!!!" sigaw ni Miko.
"Kick niyo nga rin 'yan" sabi ulit ni Jaehyun.
Hindi na 'ko nakapagpigil at nagsalita. "Sino si Ann?"
"Uy hala lagot ka Jaehyun!" ani Malia.
Hindi nga pala nila alam na hiwalay na kami.
"HAHAHHAHA patay kang bata ka!" gatong naman ni Cristal.
"Schoolmate natin hahaha nasiraan eh" sagot nito kaya tumango na lang ako.
"Akala ko ba pupunta ka kila Asteria, Jaehyun?" tanong naman ni Cristal saka kumutsara ng leche flan.
"Hindi na 'ata ako makakapunta, busy dito sa bahay eh. Uuwi mga tito at tita ko"
Tumango na lang ako.
"Hey" nagulat pa ko sa biglang pagpasok ni Cheol sa kwarto ko. "Oh, sorry. Mamaya na lang" akmang lalabas ito pero tinawag ko.
"Uy okay lang, tara dito" umupo naman siya sa gilid ko, nasa kama na kaming dalawa ngayon.
Nakadapa ako tapos siya nakaupo sa gilid ko.
"HAPPY NEW YEAR KUYA CHEOL!!" bati ni Chan.
"Hahaha Happy New Year Chan" bati niya pabalik.
"Ano handa niyo Cheolito?" tanong ni Cristal.
"Naka-catering kami eh"
YOU ARE READING
You're Mine
Fiksi PenggemarSeungcheol and Asteria are married but.... Seungcheol X OC