Seungcheol's POV
"Seryoso kuya?" tanong ni Asteria.
"Oo nga kulit nito, tanong mo man kila mama" sagot ni Jeonghan.
"Omayghad! napakahaba naman ng hair mo teh, anong shampoo mo?" pang-aasar ni Malia.
"Dove daw" sagot naman ni Seungkwan.
"Pakilala mo nga kami dyan" sabi ni Mingyu.
"Sure, papakilala ko kayong lahat" nakangiting sabi ni Asteria.
"Pogi ba yan bhe?" tanong ni Soonyoung.
"Napakapogi non Soons" sabi pa ni Jeonghan.
"Weh? patingin nga ng picture para maaprubahan ko" natawa naman si Cristal sa tabi niya.
"Baliw HAHAHA" pati 'yung nanay ni Claire natawa.
"Pero 'nak Asteria, di ba't mag-asawa kayo nitong pogi na 'to?" napaubo naman ako nang mahina.
"Pogi daw" siniko pa ako ni kuya Namjoon.
"Baka ako talaga 'yon?" sabat naman ni Chan.
"Ikaw ba asawa niya? manahimik ka ngang bata ka!" mag-aaway pa 'ata sila ni Seungkwan.
"Yes po tita, bakit po?" sagot ni Asteria kaya natahimik na 'yung dalawa.
"Bakit ka pa liligawan nung lalaki na iyon kung may asawa ka na?" takang tanong ni tita. "Ayos lang kung hindi mo sagutin, pasensya na at madaldal talaga ako haha"
"Sa papel lang naman po kami kasal" nagulat ako sa sinagot ni Asteria.
"Bakit parang nagulat ka? haha" mahinang tanong ni kuya Namjoon
"Hindi ko lang inexpect na sasabihin niya 'yon" pabulong kong sagot.
"Kumain pa kayo" sabi pa ni tita.
"Busog na po kami tita" sabi ni Jungkook.
Matapos naming kumain ay tinulungan na naming magligpit ng pinagkainan 'yung mama ni Claire.
⏳ Time skip ⏳
Napagkasunduan na namin na umuwi na dahil anong oras na.
"Nasaan nga pala 'yung mga kotse ninyo?" tanong ni kuya Jin pagka-upo namin lahat sa loob ng van niya.
"Nasa school po!" sagot ni Mingyu
"Hindi ko po dala, sasabay na lang ako kay Mingyu!" sabi naman ni Jun
"Hatid ko na lang kayo lahat" sabi ni kuya Jin.
"Paano po yung sasakyan namin?" tanong ko naman
"Bukas niyo na lang iuwi, papasundo ko na lang kayo lahat o kaya dadaanan ko na kayo then sabay sabay tayo pumasok sa school" sabi pa ni kuya Jin.
"Kuya baka naman maissue na naman haha" sabi ni Cristal.
"Oo nga kuya baka maissue" sabi din ni Seungkwan.
"Okay lang hayaan niyo na lang sila" sagot ni kuya Jin. "Sino malapit dito?"
"Kami po ni Asteria" sagot ko.
Malapit lang 'yung bahay naming dalawa dito.
"Sige kayo na mauunang ihatid"
"Dyan lang po sa may stainless na gate" turo ni Asteria kaya naman bumaba na kami.
"Bye ingat kayo!!" sabi pa ni Asteria habang kumakaway.
"Hoy kayong dalawa, use protection huh?" biro ni kuya Jin kaya natawa 'yung mga nasa loob ng van.