Chapter 16

45 1 0
                                    

Matapos mag exam ay pinapunta lahat kami sa gymnasium ng university.

Pagdating namin doon ay halos wala na kaming maupuan kaya naman sa likod na lang kami napwesto.

Kasama namin sila kuya at ang circle of friends nila.

"Huy nagchat si Chan, kasama daw niya si Hansol at Minghao nasa unahan daw sila" sabi ni Mingyu.

"Sana all nakaupo" sabat ni Jimin

"Halika kandungin kita" biro pa ni Taehyung kaya nagtawanan kami.

"Gago, wala na nga tayong maupuan mangkakandong ka pang lintek ka" sabi pa ni Jimin.

"Hey Soobin!" tawag naman ni kuya Joshua.

Nakita kasi namin si Soobin na papasok ng gymnasium.

Lumapit ito sa amin. "Bakit po mga kuya and ate?"

"Nasaan si Dean?" tanong ni kuya Shua.

"Ah papunta na po may kinausap lang sa phone" sagot nito "Una na po ako sa stage"

Tumango lang kami at umalis na siya.

"Gagi bhe ang gwapo nung anak ni Dean no?"

"Oo nga te! single ba siya? haha"

"Gagstok ka teh, baka kasuhan ka ng child abuse!"

Napailing na lang ako sa mga narinig ko.

"Hi Cheollie babe"

'POTA-'

"Oh babe!" masayang bati pa ni Cheol sabay akbay sa girlfriend niya.

'De wow'

"Huy bhe, wag ka ngang ngumuso niya dyan baka mahalatang nagseselos ka" hinampas ko naman si Jimin ng mahina.

"Heh! tumahimik ka iniisip ko lang 'yung susunduin namin sa sabado" inirapan ko lang siya pero siya nang-iinis pa ding nakatingin sa akin.

"Parang Jollibee lang tawag niya kay kuya Cheol" mahinang bulong naman ni Jungkook sakin sabay kapit sa braso ko.

Siniko ko naman siya nang mahina.

"Tumahimik ka nga! baka marinig ka" pabulong kong sigaw.

"Hayaan mo na! lintek na kabit yan" umirap pa si Jungkook.

"Huy!" siniko naman siya ni Taehyung "Ingay mo!"

"Yieeee! nagliligawan ba ulit kayong dalawa?" nang-aasar na sabi ni Mingyu.

"Shh! ayan na si Dean, quiet na" saway ni kuya Shua naman.

"Good morning students!" bati niya sa mga bata.

"Goodmorning Mr. Worldwide Handsome!" pabalik na bati ng mga students.

Nagkatinginan pa kaming mga magkakaibigan at saka mahinang natawa.

"Alam ko namang gwapo ako hahaha" natawa din yung mga students. "Anyway kaya kayo nandito ay may sasabihin ako sa inyo."

"Alam niyo namang nalalapit na 'yung intrams, ang intrams natin ay sa October 4 hanggang October 8, yes isang linggong intrams 'yon." sabi niya habang tinitignan ang bawat estudyante sa gymnasium. "September 14 ngayon at bibigyan ko kayo ng time para magpractice at paghandaan ang bawat booth ninyo"

Napa-"YES!!" naman 'yung mga students.

"Kaya mga anak galingan ninyo, kaylangan manalo ulit 'yung school natin!" seryosong sabi ni Dean "Kapag nanalo tayo, lilibre ko kayong lahat, magpapaparty ako dito sa school kahit mga outsiders pwede pumasok, kahit sama niyo pa 'yung mga jowa niyo dito" natawa naman ang iba at yung iba naman ay pinag-usapan na wala naman daw silang dadalhin na jowa haha..

You're MineWhere stories live. Discover now