Two days after graduation. Di ko pa lubos na nae-enjoy yung pagtatapos ko, nakatanggap naman ako ng masamang balita. Ang kaibigan ko nung high school. Ang pinakatahimik sa aming lahat. Ang taong di ka ija-judge sa anumang situation na ikkwento mo sa kanya.
Si Pons...
Tuluyan na niya kameng iniwan. Bumigat ang dibdib ko kasabay ng pagbuhos ng luha ko.
"Babe", Paul said habang nagddrive papuntang hospital. "Tahan na. Di gusto ni Pons na ganyan ka. Remember yung promise mo sa kanya?"
I tried na punasan yung luha ko pero di pa rin tumitigil sa pag-iyak. Alam ko na nangako ako sa kanya. Nangako ako na di ako iiyak sa pag-alis niya. Binuhos ko na ang luha ko nung araw na nagsabi siya na anytime is lilisan na siya sa mundo. Pero pwede ba yun? Di ka na lang iiyak sa araw na mawawala ang taong mahalaga sa buhay mo? Ang high school classmate mo? Ang isa sa mga kaibigan mo? Malamang hindi.
"Wala ka bang pasok ngayon?", I asked. Wala na ako sa katinuan na mag-isip. Ayoko na madamay pa si Paul dito.
"Babe. Don't worry about me" he said. "Nagpaalam naman ako e. Ayoko naman kitang iwan."
"Nandun naman mga kaibigan ko"
"Pero mas gusto ko na ako ang nasa tabi mo habang nandun ka"
Di na ako nagsalita at tumingin na lang sa labas. Bigla ko na lang naalala yung mga panahon na nasa high school pa kame. Habang maiingay ang mga ibang kong classmate, may sariling mundo naman siya. Di ko naman magawang guluhin siya dahil dun lang siya nakakaramdam ng peace of mind. Hinahayaan ko na lang siyang lunurin ng music niya habang ako ay nag-aaral. Isa siya sa mga taong nandyan kapag may problema ka. Ganun siyang kaibigan.
Nang makarating kame sa ospital, agad naman akong bumaba ng kotse. Naiintindihan naman ni Paul siguro yun. Dali-dali akong pumunta sa loob. Buti na lang at konti lang ang mga tao sa lobby. Mukha talaga akong timang na humahagulgol sa iyak habang tumatakbo.
Pagliko sa lobby kung saan nandun ang kwarto ni Pons, huminto ako. Nandun na yung ilang classmate ko. Nakaupo sa sahig si Chuck habang kino-console siya ni Danise. Nakatingin naman sa bintana sa dulo na malapit sa kwarto ni Pons si Isay. Alam ko na umiiyak siya at humihikbi. Kita naman sa paggalaw ng balikat niya. Tahimik naman na nakaupo sa mettalic na mahabang upuan si Yuri at Pete. Nag-aabang naman sa tapat ng pintuan si BJ habang umiiyak.
Si BJ ang unang nakapansin sa akin at dali-dali niya akong pinuntahan at niyakap. Umiyak ule ako nang sobra.
"Wala na siya" he said.
"Sila Tita?" I asked.
"Nasa loob pa", he answered. "Binigyan namen sila ng time sa anak nila. Nandun lang kame sa labas habang nag-aantay ng go signal from his parents na pwedeng makita ang mga labi niya.
Mas lalo akong umiyak. Di ko matanggap pa sa sarili ko na wala na siya. Gosh!
Niyakap na lang ako ni BJ nang mahigpit.
Two days after nun, binurol ang labi niya sa isang maliit na kapilya na malapit sa kanila. Isang linggo daw siya ibuburol dahil hinihintay nila ang lolo at lola niya. Nasa US ang grandparents ni Pons.
"Si Paul?" tanong ni Luke. Nasa kusina kame ng bahay ni Pons habang nagtitimpla ng kape sa mga nakikiramay.
"May pupuntahan sila ng Mama niya e. Family matters" I answered. "Sabi naman niya, didiretso siya dito after nun"
"Mukha kang pagod", he said. "Umuwi ka kaya muna"
"I'm fine" I said. "Ikaw?"
"I'm fine. Nakatulog naman ako kanina e", Luke said. Tumango lang ako at nagtimpla ng kape.
"After naten dito, umupo ka muna at magpahinga".
Tumango lang ako sa kanya.
After namen idala yung mga kape at i-serve sa mga bisita, umupo kame sa dulong upuan. Humiga ako sa balikat niya. Doon ko lang naramdam yung pagod sa buong araw na pagtulong sa pamilya ni Pons. Pero wala naman akong regret dun.
Maganda ang setup ng burol niya. Sa kaliwa niya ang malaking picture niya. Natawa pa ako kasi parang graduation picture pa ata namen yun nung high school. Sa magkabilang gilid ng kabaong ay ang malaking stand ng bulaklak. Maliwanag ang paligid ng kabaong.
Nakatingin lang ako sa kabaong ni Pons pero blangko ang utak ko. Siguro dahil na rin sa pagod.
Suddenly, may isang lalaki na nakaitim na leather jacket ang biglang sumugod sa harap. Papunta sa kabaong ni Pons. He is screaming Pons' name. Medyo pamilyar ang boses. Baka kamag-anak niya to siguro na pinakilala niya sa akin before. Or isang malapit na kaibigan.
Kasunod ng lalaki ay isang babaeng nakafloral dress at naka-ponytail. Di ko naaninag ang mukha niya, actually pati nung lalaki, dahil sa bilis ng pangyayari.
Kung makadrama naman sila, akala mo magulang nung namatay. Yun agad ang nasa isip ko. Gosh! Ang bad ko. Paano kung kamag-anak nga nila yan na sobrang close kay Pons?
Ilang segundo, pumasok sila Isay, Pete, Yuri, Liam, Art and BJ mula sa labas. Nang nakita nila ako, tinignan nila ako nang mataman like they are signaling something sa akin.
Napansin ko na tumayo ang nanay ni Pons at kino-console ang lalaki.
Natigilan lang ako nung humarap yung lalaki.
Paano makakalimutan ang mukha nun. Ni hindi nga nagbago ang hitsura niya.
Oo nga pala! Classmate pa pala namen siya.
"Agassi", I murmured.