"Thank you po! I'll start po on Monday." I happily responded sa kausap sa kabilang linya.
Finally! May tumanggap na ng tutorial services ko. Di na ako tengga dito sa bahay! Gosh! May pagkakaabalahan na ako ngayon. Di na ako puro higa tapos basa ng libro. Gosh talaga!
I know it is bakasyon na but this kid is papasok na sa kinder sa darating na school year and his parents want him na maging ready sa pagpasok like na may idea na dapat siya na magsulat or magbasa. There is no problem naman daw sa pagtuturo sa bata kasi gusto naman daw neto. Nakwento kasi nung nanay na laging paper and pencil daw ang hawak ng bata at nagsusulat na daw siya pagkagising nito. Or, minsan nagda-drawing.
I think it is a good thing for me. At least, di ko na pproblemahin yung attitude nung bata. Medyo di pa naman mahaba pasensya ko.
Tumayo ako para kausapin sila Mommy and Daddy to ask kung anong curriculum ang pwede sa ganung scenario. Duh! Teachers sila e. Siguro naman may idea sila kahit papaano.
Pero...
"Pumunta sila sa school ngayon at may gagawin daw sila" sagot ni Manang Helen nung tinanong ko siya about sa parents ko. Kaya siguro wala sila dito. Normally kasi, nasa hapag or sa sala sila kapag umaga kaya nawirduhan ako nung di ko sila nakita dito sa baba.
Si Sammy naman, ayun, busy sa playstation. Naalala ko na may bagong release ng playstation ngayon. Lumang version na tong kay Sammy. Pero feeling ko walang siya paki kung luma yun. Nakita naman niya siguro yung bagong Playstation dahil mas techy to kesa sa akin. Hinayaan ko na lang siya na maglaro sa lkuma niyang playstattion. And besides, bakasyon naman.
"Saan ka pupunta, Manang? Bihis na bihis ka po e", tanong ko.
"Pupunta akong Supermarket. Nag-iwan kasi ang mommy ng listahan ng bibilhin. Yung iba dito is para sa atin tapos yung iba is para sa school daw"
Looking at the list na binigay ni mommy kay Manang, mukhang madami-daming bibilhin. Mukhang mahihirapan si Manang neto.
"Gusto niyo po na ako na lang maggrocery?", I offered.
"Sigurado ka iha?" she asked, Mukhang nagliwanag ang mukha niya. I bet na biglaan tong utos ni mommy at may gagawin pa si Manang ngayon.
"Opo. May bibilhin naman po talaga ako sa labas ngayon", sabi ko. "May magpapa-tutor na po sa akin"
"Talaga ba iha?!" galak ni Manang. "Masaya ako para sa'yo"
"Salamat po. Ligo lang po ako tapos alis na"
After ng halos isang oras, bumaba pa na ako para kunin yung listahan kay Manang and of course, yung pera.
"May papabili ka ba?" tanong ko kay Sammy busy pa rin kakalaro.
"Nah. I'm good" he said. Ni hindi man lang tumingin sa akin. Adik talaga sa Playstation talaga to. "Nasa listahan naman na yung request ko"
Wala na ako nasabi. Barado na naman ako sa kapatid ko. Umalis na lang ako ng bahay at baka need na to ni Mommy ngayon.
I fished my phone and called Apollo to say na aalis ako. May pupuntahan din daw kasi sila ngayon. Yung last na tawag niya kanina, nasabi ko na bahay lang ako at magbabasa. Pero nagkaroon ng change of plans dahil may tumanggap na ng serbisyo ko.
"At then, maggrocery din ako" sabi ko sa kanya. "Need ni mommy"
"Mga anong oras ka matatapos?" he asked.
"Siguro mga 11 AM ganun?!" sabay tingin sa relo. Mga ganun nga siguro ako matatapos. "Why?"
He laughed na parang di siya makapaniwala sa response ko. "Magluluto si Mommy today ng Adobong Batangas remember?"
Oh gosh! Nalimutan ko! Ngayon pala ako nagpromise na pupunta sa bahay nila to meet his mother. Ilang beses na niya kasi akong kinukulit about dun.
Nakakakaba and at the same, nakakatakot malaman na makikilala ko na ang nanay niya.
Sana makilala mo siya bago kame magbakasyon sa US
Yan yun huling suyo niya sa akin bago niya ako mapapayag. Gosh talaga!
"Ganito na lang. After kong maggrocery, punta ako dyan"
"Nope!" he said and I cringed. "San ka ba maggrocery?"
"Alam mo yung malapit na PureGold di ba?!"
"Yep!" he said. "After namen dito ni mommy, puntahan kita para sunduin. Mukhang mga 11AM din ako kame matatapos dito e"
"Pero dala ko pa yung grocery namen nun"
"Duh?!" like he is mimicking me. I rolled my eyes dahil dun. Kainis yung expression niya. "Daan muna naten yan sa bahay niyo bago tayo pumunta ng bahay"
"Okay. Sounds like a plan"
"Alright. See you later baby. I love you!"
"I love you too!" At binaba ko na phone ko.
"Ay shiznit!" gulat ko pagkalabas ng bahay ko. Kasi ba naman! May bumulaga sa aking animal! "Agi?"
"Hey!" he said happily. He leaning sa kotse niya wearning a black shirt and shorts tapos naka-sandals and a black beanie.
"Why are you here?" I asked.
"Magpapasama sana ako sa grocery kasi birthday ni Mang Andres" he said. "Lulutuan ko siya ng spaghetti and shanghai" Pero he looked at me nang mataman. Gosh! Nakamaong shorts lang ako today. "Pero parang may lakad. San ba punta mo?"
I don't know kung sasabihin ko ba sa kanya or what. Ang aga-aga, namimili na ako sa tama at mali.
Finally, I decided na sabihin ang totoo. Baka magkita pa kame sa PureGold kapag nagkataon. Tapos sasabihin niya na nagsisinungaling pa ako sa kanya. And then, baka akalain niya na di pa nakakamove-on sa kanya.
No way! Highway!
Gosh! Ang advance ko dun a.
"Maggo-grocery" I plainly said.
"Uy! Sakto! Tara sakay ka na!"
"W-wag na! Nakakahiya!" Thinking na kasama ko siya sa kotse niya na kameng dalawa lang, parang ang awkward.
"Ano ka ba! Nahiya ka pa! Para san pa naging ..." natigilan siya sa sinabi niya. Sasabihin kaya niya na ex niya ako?! Duh! Malamang hindi! "... na classmates tayo!"
Di pa rin ako pumapasok sa loob ng kotse niya. At nakatingin sa paligid hoping na may dumaan na tricycle.
Sana talaga may dumaang tricycle na! Gosh talaga!
"Alam mo namang mahirap mag-abang ng tricycle dito right?"
Malamang alam niya. Matagal ko nang iniisip yang tricycle issue na yan dito sa amin. High School pa lang problema ko na yan. Buti medyo malapit yung school ko nun at nagagawa ko pang lakarin.
"Ano?! Baka mag-expire offer"
Sana nag-expire na nga e!
Kung di lang talaga need to ni mommy and wala akong pupuntahan after nito, kaya kong makipagtigasan dito kay Agassi e.
"Okay" and then pumasok na ako sa kotse niya.
