Chapter 7 - Meeting His Mother Part 1

55 5 1
                                    

I sighed.

Siguro ilang beses na ako napapa-haay sa kotse sobrang kaba. This is it! Makikilala ko na yung nanay ni Paul.

Sa tagal namen ni Paul, di ko pa nami-meet yung mother niya. Choice ko din naman yun. Pero ang kulit kasi ni Paul tapos ginamit pa niya ang pag-alis nila sa US next month as a reason. Pumayag naman ako not just because sa reason niya. But also, I think this is something na inevitable. Mangyayari pa rin to kahit iwasan ko. Unless, iiwanan ko tong mokong na to which is malabo namang mangyari. Mahal ko to e.

"Bakit ayaw mong makilala si mommy?", he asked nung bumibyahe pa kame.

Di ko masabi sa kanya na parang na-trauma ako sa nanay nung kasama kong maggrocery kanina. Pinakitaan ako ng kabaitan nung kaharap namen yung anak niya tapos nung umalis, lumabas na yung halimaw. Siguro naging at ease lang ako at nawala nang konti yung trauma nang makilala ko yung parents ni Migo na super bait sa akin. With or without Migo?

"Wala lang" I lied. Yeah. I think I lied sa part na yun. Pero kasinungalingan bang di sabihin yung mga experiences mo sa past relationship mo? Di ba pwedeng isipin na ayaw mo lang ungkatin yung past?

He didn't push his luck pa and nag-focus na lang siya pagda-drive.

"We're here" he said nung makarating kame.

Ang peaceful ng bahay nila Paul. It is a two-storey white house na may accent ng grey rocks sa ilang bahagi ng exterior. Medyo maliit tignan nung bahay kasi halos natatakpan ng halaman and puno. Parang sa lot area na to, parang 25% lang yung sakop ng bahay nila.

Kahit na peaceful yung lugar, di pa rin maalis yung kaba ko sa dibdib ko.

"You okay?" Apollo asked.

I sighed. "Yeah. Medyo kinakabahan lang"

He held my hands and smiled at me. "Don't worry. She'll gonna love you"

I just smiled at him and lumabas na kame sa kotse.

Grabe! Ang lamig and fresh yung simoy ng hangin. Dahil na rin sa dami ng mga puno. Lumapit na kame sa pintuan nila and nagulat ako sa laki nito. Pagbukas ng pinto, ang aliwalas pa din. Alam mo yung feeling na kapag nasa bahay ka sa probinsya? Yung tipong may humuhuni pang mga ibon sa umaga. Tapos magwawalis ka ng mga dried leaves. O kaya iinom ka ng mainit na tsokolate habang nakikita mo na sumasayaw sa hangin yung mga dahon sa mga puno. Ganun yung feeling. Parang probinsya.

Medyo modern naman yung bahay nila Paul. Black yung sofa nila tapos may wooden table sa gitna. Light grey ang pintura sa loob. Tapos madami ding halaman sa loob ng bahay. Balak ata nilang gawin gubat yung bahay nila e.

"Ma!" sigaw ni Paul. I was about to stop him pero nakalimutan kong bahay pa nila to.

"Nandito sa kusina!" sigaw ng isang babae.

"Tara!" he held my hands and for sure, pupunta kame ng kusina. Duh! Pipigilan ko sana siya kaso parang nanghihina ako. Or malakas lang talaga si Paul.

Dumaan kame sa kusina nila pero walang tao pero nangpatuloy pa rin kame sa paglalakad hanggang makalabas kame ng bahay. Paglabas namen, may isang metallic na mesa dun at may nakaupong babae.

"Ma! Kasama ko na si Chelsea" sabi ni Paul na halatang excited sa mangyayari. Kinabahan ako lalo.

Tumayo ang babae at humarap sa amin.

Gosh! She looks so divine. Yung tipong papasa siyang gumanap na Mama Mary. She looks so gentle and nagra-radiate yung smile like a ball of sunshine. Medyo may edad na siyang tignan, like in this 50s na. Pero kahit na. Yung tipong gagaling yung may karamdaman kapag hinawakan niya. Ang peaceful ng aura niya. Tulad ng bahay nila.

And somehow, nawala yung kaba ko.

"Nag-meet na din tayo sa wakas" she smiled and hugged me.

Mukha naman siyang mabait. Well, tignan lang naten kapag wala na yung anak niya sa paningin niya.

"Hello po" I smiled.

"Gutom na ba kayo?" she asked. "Pasensya na at ngayon pa lang ako magluluto"

"We're good naman, Ma." Paul said. "Aakyat lang kame sa kwarto para magpahinga"

Wait. Kwarto?!

"Alright! I'll call you na lang kapag luto na yung pagkain"

Paul held my hands at pumasok kame sa loob ng bahay. Siguro para dalhin sa kwarto niya. Gosh! Kwarto niya?!

Naalala ko na naman yung sinabi niya bago kame umalis. Yung about sa gagalingan niya. Gosh! Bumalik na naman kaba ko!

"Di ba naten tutulungan mommy mo?" I asked.

"Remember Manang Glenda na nagluluto sa eatery ng tita ko?" he asked and tumango ako. Yung babaeng may masasarap na luto sa kainan kung saan ako dinala ni Paul noon nung bago pa lang kame magkakilala. "Yung ang kasama ni mommy sa pagluluto"

"Pero di ko naman siya nakita"

"Nandyan lang yun somewhere"

Nagpatuloy kame sa paglalakad at umakyat sa second floor nila. Agad namang binuksan ni Paul yung unang pinto at pumasok kame dun.

Isang malaking kwarto ang tumambad sa akin. Moss green ang pintura maliban sa isang side na light green naman. Sa side na yun yung bintana na napakalaki. The best nga kung maglalagay ka ng telescope dito para magstar-gazing e. Malaki ang kama na gray ang sapin. Tapos nasa gilid yung study area niya. Gamer pala si Paul kaya maganda yung build ng computer niya.

"Welcome sa kwarto ko" he said pagkaupo niya sa kama niya. Habang ako, nakatayo sa harap niya. Nakikita ko lang yung kwarto niya kapag nagvi-videocall lang kame. Ngayon, nandito na ako.

Actually, kinakabahan ako at di ko alam kung saan na ako kinakabahan – kung sa nanay niya o sa kwarto ni Paul.

"Nandun pala yung CR kung gusto mong magCR"

"I'm okay" I said.

Kumunot noo niya and he laughed.

"Why?" I asked,

"Mukha kang tense"

"N-nope. I'm good"

He smirked. Gosh! Eto na ba yun?! Tumayo siya and hinawakan niya yung balikan. Then suddenly, he kissed me.

Kung di lang niya ako hawak sa balikat ko, baka naglumpasay na ako sa sahig. Gosh! As in gosh talaga!

"Ang tense mo talaga" he whispered which gives me chills. "What are you thinking?"

"W-wala" I said. "Tsaka di naman ako –"

Natigil yung pagsasalita ko nang halikan niya ule ako. My gosh!

Then after nun, he looked at me. His gaze. Nakakalunod. Nakaka-hypnotize. "Wrong answer. Gusto mong mawala yang tense mo?!"

He smiled and kissed me. Passionately.

Oh. My. Gosh!

My Prince CharmingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon