Chapter 3: Anger and Pain

52 5 2
                                    

"Hey", bati ni Agi sa akin.

I still can't believe na magkikita kame ule ng kameng dalawa lang. I'm not prepared for this. For the past few days, I tried na di lumabas para di siya makita pero heto, nasa harap ko siya.

He is smiling at me na parang walang nangyari. It may sound weird or ewan pero he shoud feel yung awkwardness, right? Ex niya ako and di naman maganda yung hiwalayan namen. But the way na harapin niya ako today, parang mag-BFF kame. Yung tipong Luke and BJ levels.

Or ako lang yung nag-iisip nun.

Ako lang yung bitter sa ginawa niya sa akin. Ako yung di makatanggap na ganun ang kahihinatnan ng relationship namen dati. Sino ba naman ang di makakamove on dun. Isang araw na lang, sasabihin niya na di ka niya mahal. Na pinaglaruan ka lang niya dahil wala siyang magawa. Kainis!

"Hey", I responded coldly.

"What are you doing here?", he asked. "May date ka? I heard na may boyfriend ka daw. Pakilala mo na naman sa akin"

Tumango lang ako. Ayaw ko siyang kausap. Naalala ko yung sakit na ginawa niya sa akin. Oo, bata pa kame nun. High School pa lang kame pero wala naman sa edad kung anong level ng sakit ang kaya mong i-bare di ba? At kung kelan ka makaka-move on sa sakit na yun di ba? Manloloko siya at pinaglaruan niya ako. I know my worth and di ko yun deserve kahit bata pa lang ako nun.

And he is my first boyfriend.that makes even worst.

Ayaw kong magtanong or magsalita ng kahit na ano na parang walang nangyari. Na parang pwede na kameng maging friends ule. Basta sagot lang ako sa anumang tanong niya.

He fished his phone sa bulsa niya. He smiled habang nagbabasa siya ng text message.

I'm guessing na si Annie yun.

"Alis na ako" he said. Buti naman. "Nandyan na girlfriend ko"

He waved goodbye and umalis. Napahawak ako sa dibdib ko after nun. Ang sakit. Bumalik yun pain. Kapag naalala ko yung time na yun, naaawa ako sa sarili ko. Gosh!

Di ko alam kung anong hitsura ko nun kasi di ko namalayan na nandyan na si Danise.

"Girl! Okay ka lang?" she asked. "Parang nakakita ka multo a"

Di siya multo. Tikbalang yung peste na yun!

I tried to compose myself and smiled at her. "Yeah. I'm okay"

Tumango lang siya at sinundan ko siya papuntang resto. Grabe! Ayaw ata magpakin nung Samgyup nay un. Tago yung daanan papasok dun.

Hopefully, malimutan ko yung eksena kanina. I can still feel the anger and pain.

"Girl!", bungad sa akin ni Ara nung dumating ako. Gosh! Namiss ko si Ara so I hugged her. Nandun din yung ibang high school classmates namen na close friends ko din - si Jenine and Maan.

Kumbaga sa levels, sila ang sunod sa level nila Danise and Ara pagdating sa friendship. Kapag wala yung dalawang loka-loka, sila yung kasama ko.

"Alam mo ba, luma-lovelife na yang si Jenine" bungad na kwento ni Ara pagkaupo ko.

"Akala ko nga maton to e" I responded. Siga-siga kasi siya nung high school. Ang lakas din kasi ng personality nito. She speaks her mind and walang preno ang bibig.

"Ang pogi girl!" sabi ni Ara. Kapag sinabi pa naman niya na pogi ang isang guy, pogi talaga. "Pakita mo yung picture. Dali!"

Pakita naman ni Jenine yung picture. Gwapo nga naman. "Cute!" I commented.

"Lance name niya!" sabi ni Ara.

"Ikaw ba yung girlfriend?!" sabay tawa namen. Siya kasi nagkkwento about sa boyfriend ni Jenine. Akala mo siya yung jowa talaga. Samantala yung girlfriend mismo, patawa-tawa lang.

"Ikaw Maan? Kamusta ka?" I asked. "May jowa ka na din?"

"Nako! Sakit sa ulo ng jowa!" Di naman kame nag-agree sa kanya. Lahat kasi kame may jowa maliban sa kanya.

And ...

Swerte ko kaya kay Paul!

Kahit papaano, nawala sa isip ko si Agassi and yung nangyari kanina! I enjoyed kasi yung company ng mga high school friends ko. Siguro nagpasarap din sa usapan namen yung samgyup. Gosh! Ang tagal ko ding di nakakain ng samgyup a.

After 2 hours, nagyaya pa sila sa Starbucks para tumambay. Pumayag naman ako kasi minsanan lang naman kame magkita at magsama.

Sila Maan and Jenine ang umorder kasi sila naman daw ang manlilibre. Naging way naman yun para kausapin ako nung dalawa.

"Kamusta ka na, girl?" tanong ni Danise. "Nabalitaan ko kay Chuck e"

Kahit di nila sabihin, alam ko yung tinutukoy nila.

"I'm okay" sabi ko. "Wala namang kaso sa akin kung nandito. Di naman niya ako nanay para di ko payagan siyang umuwi ng Pilipinas."

"Kapal talaga mukha nun magpakita!", inis ni Ara. Ramdam mo kanya yung inis niya kay Agi.

"Girl! Di naman si Chelsea ang pinunta niya dito. Remember! Namatay si Pons di ba?" sabi ni Danise.

"Kahit na. Ang lakas pa niyang magpakita kay Chelsea", sabi ni Ara with matching crossed arms.

"Ikaw ba yung jinowa?! Ikaw pa yung galit e." I laughed sa comment ni Danise.

6PM na ako nakauwi na bahay. Kahit papaano, naging maganda naman ang nangyari sa buong araw ko. Nagka-time ako sa mga friends ko tapos nakabili pa ako ng libro.

Pero akala yun lang mangyayari sa ngayon, may malaking pang surprise. Thank you, Lord talaga!

Nakaabang sa tapat ng bahay namen si Paul habang nakasandal sa kotse niya. He is wearing a blue long sleeves and black pants.

Agad naman akong tumakbo sa kanya to hug him. Gosh! Ilanga raw na kame di nagkikita. Dami ding ganap sa buhay ni koya e.

"Musta ang araw mo?" he asked sabay halik sa noo ko. "Namiss kita"

"Mas naging maganda nung nakita kita". I cupped his face and I kissed him. Grabe! Sobrang namiss ko siya. Nagulat siya sa ginawa ko and tinignan niya ako nang mataman. "What?"

"Bakit mo ko hinalikan nang ganun?" he asked and then suddenly, he smirked. Alam ko nasa isip neto! "Baka di ako makapagpigil sayo"

Namula agad ako and sinampal ko nang mahina. "Manyak!"

He laughed and niyakap niya ule ako nang mahigpit. Sarap lang ng moment na to. Ang calm ng pakiramdam when I am with him.

"Tinted naman kotse ko" he whispered. "Tuloy naten yung kiss"

Yung bulong niya brings chills sa buong katawan ko and parang namumula ang mukha ko. Gosh talaga tong Paul!

I looked at him and tumango siya na parang niyayaya niya ako sa loob. Yung face niya is telling me na 'Let's go?'

"Baliw!" I said. "Sipain kita dyan e"

He laughed again. Nandun lang kame sa labas at nagyayakapan.

What a way to end this day!

My Prince CharmingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon