Chapter 6: First Meet

53 4 2
                                    

"Hey", Paul gave me a curious face. Weird naman talaga yung ginawa ko. Halikan ko ba naman siya sa harap ng Puregold na maraming tao. Alam mo naman dito sa Pinas, weird ang makakita ng naghahalikan sa madla. "What was that for?!"

"Wala lang" I smiled and looked at Agassi. And then, balik kay Paul. "I just missed you"

He smirked. Yung manyak na smirk. "Yari ka sa akin sa kotse" he whispered to me ear which gave me chills all over my body.

Di ako nakareact agad. I've seen his naughty side a lot. Pero until, di pa din ako nakaka-get over sa side niyang yun. The way he looked at me, his smirk – everything, it really gives me chills and a heartbeat na parang lalabas na rib cage ko.

"Ahmmm..." trying to compose myself. "I-I would you to meet someone"

Bumalik yung curious face niya. Hinawakan ko ang kamay niya at dinala ko siya malapit kay Agassi.

"This is Agassi. Classmate ko nung high school"

Again, Paul's curious face. "High school classmate?", curious niyang tanong. "Nagmeet na ba kame?"

Well, lahat ng classmates ko is nakilala niya maliban sa mokong na to. Malamang nasa US to ng mga panahon na yun.

I was about to speak nang sumegwey si Agassi. "Di pa tayo formally nagmi-meet", he extended his hand. "Agassi nga pala. Kakabalik ko lang galing US kaya di mo ko nakikita."

Masaya namang nakipagshake hands si Paul sa kanya. "Apollo pero Paul na lang. Boyfriend ng magandang dilag na nasa tabi ko"

Paul smiled at me nung sinabi niya sa akin. Pero mas kinakabahan ako kay Agassi. Baka may sabihin siya about sa amin. Di rin kasi maganda na malalaman niya na kasabay kong naggrocery ang ex ko na parang naglalaro kame ng bahay-bahayan.

"Yeah" Agi responded and then, tumangin siya sa akin nang mataman. "Ang swerte mo sa girlfriend mo"

Nag-impact sa akin yung sinabi niya and I felt yung abnormal na heartbeat. Wala namang ibang meaning yun right?!

I smiled na lang sa kanila. "Alis na tayo. Baka hinihintay na tayo ng mommy mo"

"Yeah right" Paul said. "Pre, alis na kame. Hinihintay pa kame ng ermats ko e. Tapos dadaan pa kame sa kanila. Gusto mo sumabay ka sa amin pauwi?"

"No. thanks! May dala din akong kotse" sabi ni Agi.

"Alright" sabi ni Paul sabay apir kay Agi. "Nice meeting you and salamat sa pagsabay kay Chelsea papunta dito."

"Wala yun" Agi smiled. "Alwayas available kapag need niya". Then, he looked at me nang mataman.

Again, his statement! Grrr!

"O sige una na kame" Paul nodded as a response na mukhang di naman na-bother sa sinabi ni Agi.

Or ako lang ang na-bother.

After nun, pumunta na kame sa kotse ni Paul. Nilagay na namen yung pinamili ko sa likod ng sasakyan niya tapos pumasok na kame sa loob.

"He seems nice" bungad niyang sabi.

"Who?" tanong ko.

"Agassi" he said "Mukhang mabait siya at feeling ko magkakasundo kame"

Parang umiikot pwet ko sa kinauupuan ako when he said that. Paul na close kay Agi is such a bad idea. May similarities sila, yes! Pero ex ko si Agi e and di pa nalalaman ni Paul ang tungkol dun. And there is something inside me na nagsasabi na wag sabihin sa kanya. Is this the right thing to do? Nagsisinungaling na ba ako sa boyfriend ko?

Gosh naman! Sakit sa brain!

I just smiled at him as a response. After nun, pinaandar na niya ang sasakayan at umalis na kame.

Habang nasa daan, nagkwento siya about sa lakad nila ng mommy niya. Nagmeet daw ang mommy niya tsaka yung kaibigan niya. Di na daw kasi kayang magdrive ng mommy niya kaya siya sumama. Iniwan lang din niya yung dalawa sa isang resto kasi alam niya na mabo-bored lang siya dun while listening sa conversation ng mommy niya at ng kaibigan niya. Kaya, nagpunta na lang siya sa coffee shop sa tapat ng resto.

"Maganda dun sa coffee shop na napuntahan ko" kwento niya. "Punta tayo dun minsan kasi ang ganda talaga ng interior nila. Ang classic and ang aliwalas pa"

Ang daldal talaga neto! Patuloy lang siya nagkkwento hanggang sa napag-usap namen yung high school life ko.

"Di ko na kasi masyado nakakausap mga high school classmates ko e. Yung iba is sobrang busy na" he said. "Buti kayo nagkikita pa"

"Oo nga e" I smiled habang inaalala yung mga classmates ko. "Kaya close ko pa rin sila hanggang ngayon"

"Ang galing no!" he said. "Lahat ng classmates mo, lalake. As in ikaw lang yung babae sa section niyo"

"Yeah! Sakit din sa ulo tapos wala ka pang makausap about sa girly stuff" I sighed. "Alam mo yun. Ikaw talaga mag-a-adjust sa kanila"

"So boyish ka dati?" he asked.

"Not really. Girly pa din" sabay hawi ng hair. "Di naman nawala yung connection ko with Ara and Danise e. Parang at that time, sila madalas kong kasama sa break time"

He smiled. "Saya siguro ng high school mo"

I just smiled at him.

Nagtagal pa kwentuhan namen hanggang sa makarating kame sa bahay para ilapag yung mga pinamili ko kanina. Iniwan ko lang sa mesa dahil sabi naman ni Manang Helen, siya na daw ang bahala dun. Nasa school pa daw sila mommy and daddy kaya itetext ko na lang sa kanila yung pagpunta ko kila Paul.

Umakyat muna ako sa taas para magpalit ng damit while Paul is playing with Sammy. Ang daya ng batang yun! Kapag ako ang makikipaglaro sa kanya, ayaw niya. Pero kapag si Apollo, tuwang-tuwa ang kumag. Kainis!

Nagsettle na lang ako sa black shirt, bleached na shirt at yung sapatos na suot ko kanina.

"Mag-behave ka dito a" bilin ko kay Sammy. "Magsabi ka kay Manang Helen kapag nagugutom ka"

Tumango lang yung bata habang focus siya sa paglalaro niya. Kaasar! Parang di kame magkapatid! Bago pa kame umalis, naghand gesture muna sila ni Apollo. Sammy is smiling habang ginagawa nila yun. Well, may ibang bonding siguro talaga ang mga lalake na di ko maiintindihan or di namen kaya buuin ni Sammy. Kesa sa maasar ako sa bunso namen, hayaan ko na lang. Baka naiilang siya sa akin kasi babae ako.

"Wait" he said pagkapasok namen sa kotse.

"What?"

He leaned na malapit sa akin and he cupped my face. And guess what? He kissed me passionately. OMG! Baka bumigay ako sa kanila. I tried to stop him kasi nasa harap kame ng bahay. Hello?! Pero nawawalan ako ng lakas sa halik niya. Suddenly, I cupped his face na din dahil di ko din mapigilan. Damn!

After ng ilang minuto, not sure kung ilang minuto talaga yun, tumigil na din kame. At pareho kameng naghahabol ng hininga. Grabe! Kiss pa lang yun a. Emeged!

"Wow!" ganun na lang nasabi ko. "Para san yun?"

"Di ba sabi ko sa'yo yari ka sa akin?! Tagal kong tiniis yan mula kanina" he said. Naalala ko yung sinabi niya sa Puregold kanina. "Well, panimula pa lang yan"

He licked his lips na parang may pagkain na naiwan sa labi niya. That gives me chills sa buong katawan ko. Gosh ka Paul! Tigilan mo yan! Marupok ako!

Hinampas ko siya kasi di siya tumigil kaka-lick ng labi niya. "Tigilan mo yan! Umalis na tayo!"

"Uyy!" he teased me. "Excited siya sa gagawin ko! Don't worry. Gagalingan ko"

Hinampas ko ule siya and tumawa kame. Baliw talaga tong mokong na to.

My Prince CharmingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon