Chapter 9: Food Park

45 1 0
                                    

Nandito sa bahay sila Ara and Danise dahil aalis kame ngayon. May pupuntahan kameng food park para manuod ng mini concert nila Liam. Ang sabi ng chismoso kong kaibigan na si Luke, in-organize daw to ng may-ari ng food park na friend din ni Liam. He asked Liam if may kilala siya na pwedeng mag-perform sa araw na yun. Pero duh! Sa klase pa lang ni Liam, ang dami nang mga singers and musicians dun!

For a cause naman daw yung event so pumayag naman si Liam. Balita ko pa kay Luke, marami din daw magpe-perform dun.

"Sayang sila ni Karen no" comment ni Ara nang mapag-usapan namen si Liam while waiting sa Grab namen. "Ano kaya yung reason no? Di daw alam ni Art e. Or di lang niya sinasabi"

Yeah! Nag-break na si Liam and Karen. At nalaman ko yun dahil kay Angela kasi nakwento sa kanya ni Luke. Ang chismoso talaga nung hayup na yun!

Umiling ako. "Di ko din alam e" Though may pagkachismosa din ako, di ko na din inusisa. Sa kanila na yun at hayaan na naten sila.

"Matagal pa ba yung Grab?" tanong ni Danise. "Bakit di kasi tayo nagpahatid sa boyfriend mo?!"

Kung di ko kilala tong si Danise, kanina ko pa tong sinapak. Ilang minuto pa lang ang nakakalipas mula nung nag-book. Mainipin kasi tong si Danise e. Buti napagtitiisan siya ni Chuck.

"May meeting ata sila ng basketball team. Not sure. Baka practice game." I answered. "Malapit na kasi yung competition nila e"

"Kaya di rin makakasama si Luke?" tanong ni Danise kay Angela.

"Hahabol daw sila" sabi ni Angela. Tumango lang si Danise sa kanya.

After ng ilang minuto, dumating na yung Grab namen. Nakita ko na uminat si Danise sa sofa. Hay nako, Danise! Magbago ka na!

Habang nasa byahe, nagtext naman si Paul.

Paul: Nasa venue na kayo?

Me: Wala pa. Byahe pa lang. Pupunta ka naman dun di ba?

Paul: Yeah! Tapusin lang namen tong practice then, punta na kame dyan.

Me: Alright. See you later, mahal! I love you!

Paul: I love you, mahal! Ingat!

Halos isang orqas din at nakarating na kame sa venue. Nakita ko agad si Isay na nagmamando sa harap. Lakas talaga ni president. Takbo kaya siya ng president ng bansa. Di ko muna siya ginambala at umupo na ako sa pwesto namen.

"Chels!" bati ni Yuri pagdating namen. "Dito na kayo umupo!"

Sa isang malaking mesa kame nakapwesto at medyo nasa harapan pa. So machi-cheer namen si Liam at makikita niya kame kapag nagkataon.

Napatingin ako sa paligid. Ang ganda dito. Since food park siya, napapaligiran kame ng mga stalls na nag-o-offer ng food and beverages tapos nasa gitna yung mga upuan at mahahabang mesa na gawa sa wood. May mini stage sa harap and tantya ko, dyan sila Liam magpe-perform. Yung mga yellow bulb naman na parang banderitas is yung liwanag naman ng lugar. Overall, ang perfect ng spot para makapag-chill kayo ng mga friends niyo.

Agad namang tumabi si Ara and Danise sa mga boyfriends nila. Ako naman, katabi ko si Angela and BJ.

"Asan na pala yung boyfriend mo?" tanong ni Art na katapat ko lang.

"May basketball practice game daw sila ng team niya. Malapit na yung compet nila e" Bigla kong naalala na nasa basketball team ng school nila si Art. "Bakit di ka pala nagpa-practice? Di ba kasali kayo sa competition?"

"Di ko na kelangan. Malakas na ako e" sabay flex ni Art. In fairness, lumaki ang arms ni Art a. I rolled my eyes sa comment ni Art. Nakita ko din na ginawa din yun ni Ara. Kairita! "Sana magka-bracket kame ng boyfriend mo para malampaso ko siya sa court"

"Asa ka!", sabi ko sa kanya.

Tumawa ang kumag. "Pero pupunta siya dito?" he asked.

"Oo. Sabay daw sila ni Luke" I said and Tumango siya at uminom siya ng beer.

Suddenly, dumating si Pete na may dalang box ng buffalo wings at isang bucket ng Beer!"

"Uy, nandito ka na pala!" bungad ni Pete. "Kamusta na yung nireto kong nanay na gustong magpa-tutor sayo?"

Si Pete yung nagrecommend sa akin dun sa nanay nung anak na itu-tutor ko. Humingi kasi ako ng tulong sa kanila baka may kakilala sila.

Gusto ko lang talaga na may gawin bago ako mag-take ng LET. Actually, di pa rin ako decided kung magte-take ako nun. Pero eventually, kukunin ko naman bilang teachers ang mga parents ko and yun din ang tinapos ko. I feel like lang na di pa to yung time para kumuha nun. Feeling ko kasi kapag meron na ako nun, need ko na agad maghanap ng school na mapapasukan. Pero di pa ako ready na magwork e. Di pa ako prepared mentally and physically tulad ni mommy and daddy.

Pero di ibig sabihin nun na ayaw kong magturo. Na ayaw ko sa course ko. Gusto ko yung feeling na nagsh-share ako ng knowledge sa ibang tao tapos magagamit nila to become a successful person in the future. Masarap kayan sa feeling yun. Kita ko yun sa mga estudyante ni mommy and daddy kapag nagte-thank you sila sa parents ko. Ang saya lang tignan.

Basta di pa ako ready. Yun lang yun.

"Ayun, start na kame next week" I said. "Salamat pala sa recommendation mo a"

"Wala yun"

Napatingin ako bigla sa buffalo wings ni Pete at bigla akong nagutom. "San mo nabili yan?"

"Dun o" sabay turo sa stall malapit sa entrance. "Kuha ka lang dyan. Eto,beer" sabay lapag nung beer sa akin.

"Thanks pero kain muna ako" I said. "Bili lang din ako niyan"

"Wait Samahan kita" sabi ni BJ. Medyo weird lang kasi ngayon lang nagsalita si BJ mula nung dumating kame.

"May problema ka?" I asked. Medyo bothered din ako sa katahimikan niya kanina

"None. Really" he answered.

"Bakit ka tahimik kanina?"

"Kasi..." sabay kamot sa batok. "...I forgot to tell you na –"

"Hey!" may someone na humawak sa balikat ni BJ.

Nagulat ako sa nakita ko na tao sa tabi ni BJ. Well, dapat di na ako nagugulat sa presensya niya e.

"Sorry! I'm late" sabi ni Agi.

My Prince CharmingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon