Chapter 2: He's Everywhere

62 5 2
                                    

BORING

Grabe! Ang boring dito sa bahay! Lalo na kapag wala kang masyadong ginagawa. Natapos ko na yung binabasa kong libro. Thanks kay Pete sa pag-intropduce sa akin nun. Siguro bibilhin ko na lang yung next book nun para di ako ma-bore dito sa bahay. Haay!

Wala sa Maynila si Paul ngayon. Pumunta sila ng La Union. Birthday kasi ng pamangkin niya at dun sila nag-celebrate. Well, taga-La Union naman talaga yung family ng pamangkin niya. Niyaya naman niya ako kaso naisip ko na family event nila yun.

Hinahanap ka ni Mama

Naalala ko yung rason niya kung bakit ako dapat sumama. Di pa kame nagkikita ng nanay niya. Iniiwasan ko din na mangyari yun. Siguro na-trauma ako sa nanay ng asungot na yun.

Kelan kaya aalis yung mokong na yun?

Thinking of him na nandito lang siya sa paligid makes me feel uncomfortable. Di dahil di pa ako nakaka-move on sa kanya. Hello! Itsura niya! I just don't feel like na makita yung mukha niya. Kaya din siguro ako nagkukulong sa bahay. He'everywhere. Feeling ko ganun kaya medyo conscious ako sa paglabas.

Basta! Ayoko ko siyang makita. Sana bumalik na siya sa US at magtago siya sa ilalim ng palda ng peste niyang nanay!

Nakahiga lang ako habang nakatingin sa kisame ng kwarto ko. Shocks! Wala talaga akong maisip na pwedeng gawin or something na pwede kong pagkaabalahan.

Pinturahan ko kaya yung kisame ko? Puti lang siya mula pa dati e. Gawin ko kayang pink? O kaya blue? Pwede namang mural? Pero paano? Di naman ako marunong magdrawing.

Gosh! Namimiss ko na naman si Pons. Kung nandito lang siya, papapinturahan ko talaga kisame ko sa kanya. Tapos magkukwentuhan kame after.

Padabog akong tumayo sa kama dahil sa inis ko sa sarili ko. Wala talaga akong maisip. Siguro tatanggap na lang ako ng tutoring services para lang may magawa. Sayang naman yung pinag-aralan ko kung di ko gagamitin di ba?! Makapag-post nga ng ad mamaya. Or, tanungin ko mga friends ko kung may alam sila.

"Hello Manang!", bati ko kay Manang Helen. "Sila Mommy at Daddy?"

"Maagang umalis, iha" she said habang may dalang sinangag galing sa kusina. "Di naman nila sinabi kung saan sila pupunta"

Tumango ako sa kanya. "Si Sammy? Kumain na po ba?"

"Oo, iha" she answered. "Naghanap kanina ng kanin tapos nagpaluto ng hotdog. Di na nga niya naantay yung sinangag. Bumalik din sa kwarto pagkatapos kumain"

Again. Tumango lang din ako.

So wala talagang magawa. I smirked kasi nagmumukha akong tanga sa ginagawa ko. Lapit ko nang kagatin yung idea na mag-masteral tulad ni Isay, Liam tsaka Pete. Pero kapag naiisip ko mga assignents, projects, sumasakit ulo ko. Gosh!

"Di ka ba aalis ngayon?" tanong ni Manang.

I shrugged. "Not sure, Manang. Siguro kapag sinipag"

"Di ba kayo lalabas ni Apollo?"

"Nasa La Union po siya. Birthday ng pamangkin niya". Tumango lang si Manang at bumalik na kusina. Ako. Nakatulala sa hapag at iniisip kung ano ang uunahin kong kainin. Hotdog ba or itlog. Gosh! Mababaliw ata ako!

After ng ilang oras ng pagtunganga sa bahay, naisipan kong magmall na lang. Bibilhin ko na yung second book ng binabasa ko. Or baka bilhin ko na din yung third book. Ah basta! Kung ano ang maisip ko na lang mamaya!

Di na ako nag-Grab dahil medyo malapit lang naman yung mall sa amin. Mga dalawang sakay lang naman.

Mula sa bahay, sumakay ako ng tricycle. Buti na lang may dumaan ng tricycle paglabas ko ng bahay. Medyo hirap din makahanap ng tricycle dito.

My Prince CharmingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon