Matapos ang libing ni Pons, naupo ako sa swing sa gilid ng bahay nila. Dun ko naramdaman yung pagod. Yung pagtulong ko sa pamilya niya during lamay. Yung iyak ko habang nakikita ko ang mukha ni Pons. Parang ngayon lang nag-manifest lahat.
Bigla ko naalala tong lugar na to. Marami akong memories dito. Dito kame nag-iisip ng concept kapag may group project tapos groupmates kame ni Pons. Dito niya ako pinaupo nun kasi gagawin daw niya akong subject sa art niya. Dito kame nag-aaral kapag di kame pwede sa bahay ng iba kong kaklase.
Nakakamiss.
Nakakamiss si Pons.
Mabuti maganda ang panahon. Di mainit dahil maulap. Pero sign naman na uulan anytime soon. Malamig ang simoy ng hangin.
"Tubig?", someone offered. Lumingon at si Luke pala.
Inabot ko yung binigay niyang mineral water at umupo sa katabing swing.
"Si Paul?" he asked. "Susunduin ka niya?"
I chuckled. Parang baliw si Luke! "Sira!" I smiled. "Malapit lang bahay ko. Di ko na need magpahatid"
He laughed. "Di mo siya namimiss?"
"Namimiss siyempre" I said. "Kaso busy yun ngayon. May pinapaayos sa kanya parents niya e"
"Fourth year na siya no?" he asked and I nodded. "Nako! Maraming requirements na kapag ganun. Tignan mo kame ni BJ. Halos gapangin namen ang fourth year. Tapos sasabayan pa ng basketball practice" he sighed. "Paano pa kaya sa fifth year?"
"Pero ayos ka naman? Kayo ni BJ?"
"Yep. No need to worry about it" he smiled. Natahimik kame sandali. "Ayaw mong pumasok sa loob. Madaming food dun? Baka gutom ka na"
Umiling ako. "Di ko nagugutom. Tsaka gusto kong magpahangin"
Tumango lang siya at nagkwentuhan lang kame dun. Madalas puro si Pons ang subject namen. Nakakatawa lang kasi naalala namen yung mga funny moments namen with Pons. Ang saya lang balikan.
Maya-maya, may lumabas sa terrace galing sa loob ng bahay nia Pons.
Si Agassi habang hila-hila niya yung babaeng kasama niya nung lamay pa.
Si Annie.
Yung childhood crush ni BJ and childhood sweetheart ni Agi.
Not sure kung sila ule pero sa gesture nilang dalawa, mukhang may something sa kanila.
"Are you okay?" biglang tanong ni Luke.
"Oo naman", sabi ko. "Bakit naman magiging hindi?"
"Dahil kay Agassi" he said sabay nguso pointing sa pwesto nila Agi and Annie. "Nagkausap na ba kayo?"
"Nope" iling ko sabay lingon sa kanila na halatang masaya silang dalawa. Magjowa nga siguro sila. "Wala naman dapat kameng pag-usap"
"Okay"
Ilang oras din kameng nagtagal sa bahay nila Pons bago kame nagdecide na umuwi na. Kailangan ko ding magpahinga at matulog. Nagtext na din sa akin si Paul na umuwi na ako. Grabe naman yung kumander ko! Istrikto!
Hinatid ako ni Luke pauwi since halos magkalapit lang bahay namen. At tsaka gusto niyang makita si Angela. Di nakasama si Angela dahil may lagnat at nagdala siya ng gamot para dito.
"Anong balak mo sa buhay mo?" he asked.
Di ko alam kung matutuwa ako or what sa tanong. The way he asked that question, akala mo galing ako sa rehab dahil adik ako sa droga dati.
I shrugged my shoulders. "I don't know" I said. "Baka tumanggap ng tutorial services"
"Di ka ba magte-take ng LET?" he asked.
"Magte-take" I said. "Alam mo naman sila daddy, pipilitin nila akong kumuha nun lalo na pagtuturo yung course ko" I sighed. "Siguro magpahinga muna ako ng ilang buwan. Nakakapagod mag-school"
Biglang nagliwanag ang mukha ni Luke. "Speaking of pahinga, may plano pala sila Isay na mag-Batangas. Sama ka?"
"Paalam muna ako"
"Kanino? Sa Papa mo o kay Paul?" he asked. "Kung kay Paul naman, isama mo na siya. Kwentuhan kame!"
"Sitempre kay daddy ko no!" I said. "Bakit ako matatakot kay Paul?! Banatan ko pa yun e!"
He laughed.
"Pero sige sabihin ko sumama siya" I added.
Nang makarating na kame sa bahay, dumiretso na ako sa kwarto. Di naman ako ang pakay ni Luke dito. Nagpahinga ako ng ilang minuto bago maligo at magpalit ng dami pantulog. After nun, kumuha ako ng libro at nagbasa.
Di pa ako nagsisimula, tumawag si Paul sa akin.
Oh gosh! Nalimutan kong magsabi na nasa bahay na ako.
Sinagot ko yung tawag niya at nakipag-videocall.
"I'm sorry! Di ako nakapagsabi agad" bungad ko sa kanya. Halatang bagong ligo ang mokong kasi pinupunasan pa niya yung buhok niya ng tuwalya.
He smiled. "Don't worry" he said. "I know na pagod ka"
"Yeah" I said. "Nagpapaantok lang ako"
Habang nag-uusap kame, naririnig ko yung tawa ni Luke sa baba at may bigla akong naalala.
"May sasabihin pala ako"
"What's that?"
"Nagyayaya pala sila Luke ng vacation sa Batangas. Sama ka?"
Napatigil siya sa pagpupunas ng buhok. "Kelan to?"
I shrugged. "Di pa nila sinasabi e."
"Okay" he nodded. "Sabihin mo lang kung kelan"
Natahimik kame sandale bago siya ule magsalita. "I have to tell you something pala"
Seryoso ang mukha niya kaya medyo kinabahan ako sa sasabihin niya.
"What is it?" I asked and umayos ako ng upon sa kama ko.
"Last week ng April, pupunta kame ng States para bisitahin si Papa and makasama siya ng isang buwan"
I sighed. Yung sigh ng relief. Akala ko naman kung ano. "Okay"
"Mamimiss kita. Di ko makakasama baby ko ng buong June"
I rolled my eyes. Ang corny niya! "Ang drama mo!"
"Bakit ikaw? Di mo ba ako mamimiss?"
"Of course, mamimiss!" I said and he smiled na parang bata na binigyan ng lobo. "Pwede naman tayo mag-videocall habang nandun ka e"
"Yeah!" he sighed. "Pero iba pa din yung nayayakap kita nang personal tapos nahahalikan pa kita", he wiggled his eyebrows.
"Manyak!"
He laughed. Gosh! Ang sexy niya tumawa lalo na kapag gumagalaw yung Adam's apple niya.
"Nga pala sa weekend, date naman tayo sa Jollibee" he asked. "Di mo na ako nilalabas para mag-date e"
"Kapal ng mukha mo! Dapat ako yung niyayaya mo talaga!"
"Alam ko naman na namimiss mo na yung gwapo kong mukha e" he smirked. Another sexy gesture of his. "Papayag naman ako kapag yayayain mo ko e"
"Kapal talaga!" and we both laughed. "Pero sige, date tayo sa Sabado"
"Yehey!". Parang bata! "Sunduin kita nun!"
"Okay!"
"Sige na. Magpahinga ka na!" he said. "Goodnight, mahal ko"
"Goodnight" I smiled. "I love you!"
"Emeged!" tapos kunwari hinimatay siya. Parang baliw ang mokong. "I love you more"
I smiled lalo na sa last message niya sa akin. Gosh! Kelan ba ako masasanay sa taong to?