Chapter 5: All In My Head

55 4 2
                                    

May time sa buhay naten na ang isang minute ay parang isang oras. Kumbaga, di sang-ayon yung universe na pabilisan mo yung oras mo. Tulad ngayon, sa loob ng sasakyan ni Agi. Ang lapit lang naman ng Puregold sa amin pero parang nagpunta na kame ng Batangas. Tama naman yung daan at di naman ako nililigaw ni Agassi pero bakit parang ang layo ng Puregold?!

"You okay?" biglang tanong ni Agi.

Nakatingin ako sa labas checking kung tama yung dinadaanan namen. Ang tagal kasi!

"Y-yeah! I'm okay" I answered.

"You're spacing out kasi. I just thought na there's something bothering you" he commented.

You know what's bothering me?! Ikaw!

May gana ka pa talagang yayain ako na parang walang nagyari!

Jinowa mo ko tapos pagkagising mo di mo na ako mahal?!

Wow! May expiration date lang pagmamahal mo?!

Tapos umalis ka ng Pilipinas para magtago sa palda ng nanay mong di ko alam kung anong problema niya sa akin!

Tapos eto ka ngayon. After all these years!

May amnesia at parang wala ka atang naaalala.

Nabagok ba ulo mo?!

Sana nauntog na nga lang ulo mo tapos namatay ka na lang e.

Mga katulad mong tao, mga manloloko, di dapat nagtatagal sa mundo.

Sino ka ba?! Diyos ka ba?!

Wala nga akong narinig na sorry sa'yo e!

Ayun, nandyan ka na lang. Nagyaya na mag-Puregold na parang BFF forevs tayo.

Wow talaga!

But that's all in my head. Sa utak ko, nasaksak ko na siya. Pero hanggang dun lang yun. Di naman ako kamorbid na tao. Di sa katulad niya.

No. Never!

"No worries. I'm fine" I smiled and then, tumingin sa labas.

"Marami ka bang bibilhin today?" he asked.

"Yeah" I said.

"Eh bakit mag-isa ka lang kung madami kang bibilhin?" he asked. Dami namang tanong nito!

"I can manage naman" I said.

"Dapat sinasamahan ka ng boyfriend mo"

"Bakit mo niyaya yung ibang classmates naten?" I cut him off.

"What?".

Nagulat siya nung iniba ko yung topic. I started to get pissed kasi. Di ba pwedeng manahimik na lang siya at magdrive?! Dami niyang comment sa buhay ko! Kairita!

"Bakit di mo niyaya si Luke or si BJ?" I asked. "I'm sure na sasama yun sa'yo. Pwede namang si Yuri or –"

"Kelangan mo pang ilibre yung mga kumag na yun para lang sumama" he cut me off.

Eh ako? Hindi?

Tingin mo uto-uto ako?!

Sabagay nauto mo na ako dati.

Ano naman yung utuin mo ule ako di ba?!

But that's all in my head lang.

"S-si Annie?" I asked. Dun nawala ngiti niya. "Bakit di mo niyaya?"

"Ahmmm" he began. Parang may something. Lumalabas na naman yung pagkachismosa ko. "She's busy"

Di na lang ako nagtanong ule. Baka siya naman yung mainis. Mahirap na. Pareho kameng inis ngayon kung sakali.

My Prince CharmingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon