"Sorry I'm late" Agassi said.
He smiled at us pagdating niya. A boy next door image in front of me. Nicely combed curly hair. Black shirt with red plannel polo. Tapos he is wearing black tattered jeans and white AF1 Nike shoes.
A boy next door image in front of me.
"Okay lang" sabi ni BJ. "Nandun sila sa harapan. Hanap lang kame ng food"
"Food?" he repeated. "Sama ako. Nagugutom na ako e"
"Ahm.." BJ began like he is gasping for words
I know what he is thinking. He is trying to paghiwalayin kame ng landas ni Agi para di kame ganun mag-usap.
Natatandaan ko yung araw na nasa burol kame ni Pons at nasa kitchen kameng lahat maliban kay Isay na tumutulong sa pag-aasikaso sa mga nakikilamau and of course, si Agi.
"Are you okay, Chels?" pag-aalala ni Liam.
Tumango lang ako as a response. Di ko alam kung dahil sa pagod, antok or the fact na nandito si Agi.
"Bakit kasi nandito yan?" Yuri asked pero halatang annoyed.
"Shut up, Yuri!" sabi ni BJ. "Classmate naten siya. Classmate siya ni Pons"
"And bukod sa akin" Luke began. "Si Agi na yung pinaka-close ni Pons sa atin. Pupuntahan talaga ni Agi si Pons"
"And I don't think naman na kakausapin ni Agi si Chelsea, right?" tanong ni Chuck. Nakita ko na tumango yung iba. "Kapal naman ng mukha nun kapag –"
"Guys!" BJ cut him off. "Do you hate Agi that much?" natigilan silang lahat. "Yeah. I know yung nangyari sa kanila ni Chelsea but classmate naten siya. Kaibigan naten siya"
Humarap sa akin si BJ at hinawakan niya ako sa balikat ko. "Di ko siya sa pinagtatanggol, Chelsea" he said. "Nandun ako at alam ko kung –"
"Yeah" I began. "BJ is right. Kung ano man ang nangyari sa amin ni Agassi, it is in the past na. I've moved on. Ayoko naman na kamuhian niyo ni Agi dahil dun. Kaibigan niyo pa rin siya at ano man yung nangyari sa amin, sa amin lang yun. Di niyo dapat intindihin yun"
Tahimik sila sa mga sinabi. Not sure kung ina-absorb nila or what.
"Kaya ko naman maging civil sa kanya" I continued. "Kung makikipag-usap siya sa akin, fine. Walang problema sa akin yun"
"Pero okay ka lang talaga?" tanong ni Art.
"Yeah" I smiled. Pero that's a lie. As much as possible, ayaw ko siyang makausap. Ayoko lang talaga na magalit sila kay Agi. Tama si BJ. Alam ko na di sila galit kay Agi talaga. Ramdam ko naman yun. At di ako galit sa fact na yun.
BJ was about to explain pero dumating si Annie.
"Hey!" sabay akbay kay Agi. "Upo muna tayo, Agi. Sakit na ng paa ko"
"Yeah! Upo muna kayo" sabi ni BJ. Buti na lang at dumating si Annie kasi di ko alam kung paano magpapaliwanag si BJ kay Agassi.
Agi sighed at tumango at pumunta na sila sa area namen.
Nang makaalis si Agassi, agad na humarap sa akin si BJ. "I'm sorry, Chelsea" he said. "I was about to tell you naman na pupunta siya dito. Ang daldal kasi ni Luke. Nasabi niya sa GC namen na mga boys."
May GC pala sila a! Hmmm.
I smiled at him. "Baliw! Okay lang ako" sabi ko kanya. "Wala na sa akin yun"
"Pero –"
"Ano ka ba!" I said. "Di naman ako yung pinunta ng mokong na yun so I don't think mag-uusap kame ngayon"
BJ sighed and tumango. I guess satisfied naman siya sa sinabi ko.
Pagkaupo namen, nagsimula na yung event. I texted Luke na nagsisimula na para updated sila. Madami daw magpe-perform ngayon. Sana medyo dulo si Liam para maabutan pa nila Luke ang performance niya.
In fairness, ang gagaling ng mga performers at ang saya ng gabi. Nakikita mo yung tawanan sa mesa namen. Sarap tignan ng mga classmates ko. Di sadyang mapatingin ako sa gawi ni Agi at sakto naman na nakatingin siya sa akin. He smiled at me. I smiled naman as a response at uminom ng San Mig Apple. Buti dulo-dulo ang upuan namen, at di talaga kame mag-uusap.
After a while, umupo sa tabi ko si Isay. He sighed and kumuha ng isang chicken wings and then, kumuha ng San Mig at nilagok niya yun. Naka-3/4 niya siya sa isang chug.
"You okay?" tanong ko.
"Yeah" Isay said. "Medyo na-stress lang ako sa event na yan"
"Ikaw ang organizer neto?", tanong ni BJ.
"No" he said. "Di daw makakapunta yung organizer kasi may sakit tapos nakiusap sa akin si Liam na mag-take over since wala pa kayo at ang aga ko dito. Kumpleto naman daw yung mga needs. Aayusin na lang"
"Buti tapos na" sabi ko.
"Yeah" sabi ni Isay sabay kuha ng isa pang chicken wings. "Pero need kong pumunta sa backstage para magcheck from time to time" Tumango lang ako sa kanya. Then, bigla siya tumayo at tinignan yung laman ng mesa namen. "Bakit ang konti ng laman ng mesa naten? Bumili pa kayo!" sabay haggis ng pera sa gitna.
Nagulat ako sa ginawa niya. Parang ang dami kong nakitang 1 thousand bills sa pagkakahagis niya. Lasing na ba to?
Agad naman nagpalakpakan yung mga kasama ko at agad kinuha ni Art and Yuri yung pera sabay alis. Bibili siguro yun ng alak.
"Di lang yan pang-alak a!" sigaw ni Ara. Then, tumayo siya. "Puntahan ko lang baka alak lang bilhin nun. Duda ako e"
Tumawa ako kay Ara sa comment niya. Duda din ako kila Art and Yuri. Mga mahilig uminom yun e. Suddenly, lumapit sa akin si Danise and Angela.
"CR tayo" bulong sa akin ni Angela. Tumango ako at sumama sa kanila.
As usual, ang haba ng pila sa CR ng babae. Dami kaya naming ritwal kapag umiihi. Duh!
"Penge ako mamaya ng tissue a" sabi sa akin ni Danise. "Nalimutan ko yung purse ko sa upuan e"
"Okay" sabi ko sa kanya. Buti, dala ko purse ko.
After ng ilang minuto, nakapasok na kame sa loob. Dahil di naman ako talaga naiihi, lumabas din ako agad. Maghuhugas sana ako ng kamay sa sink pero madaming tao. Tapos naalala ko na may common sink sa labas kaya umalis na ako dun at nagpunta sa common sink.
Habang nagpupunas ako ng kamay, may lumapit sa akin na lalaki.
"Hello" he began. "Sorry kung inabala kita pero I can't help it kasi. Gusto ko lang makipagkilala. I'm Martin"
He extended his hands para makipagkilala. Mukha naman siyang disente. Kaya lang, mukha na siyang lasing. Nakakatakot.
"I'm sorry pero –" I said pero di ko alam ang sasabihin ko. Ayaw ko naman maging rude pero ayaw kong makipagkilala.
"Di naman ako masamang tao" Martin said. "Gusto ko lang makipagkilala. Unless, you have a –"
"Hey!" sabi ng lalaki sa likod ko. Paglingon ko, si Agi pala. "Anong nangyayari dito?"
Pareho kame ni Martin na nagulat sa presensya ni Agassi.
Finally, nakakuha ng courage si Martin to speak. "Bakit sino ka ba?"
Agassi smirked and inakbayan niya ako. Enough iyon para magdikit kame.
"I'm her boyfriend!"
