Kapitulo Dos

12.1K 738 143
                                    

What should I say?

Rafaelle's

"Saan kayo galing, Papa?"

Hindi ko alam kung tatawa ako o sisimangot kay Santi. Sinalubong niya kami ni Don Paeng sa front door. Ginabi na kasi kaming dalawa ng uwi. It took a long time before I was able to calm myself. Hindi naman nagsalita si Don Paeng, he just enclosed me into his arms and let me cry. Lahat ng luha at frustrations ko nitong mga nakaraang taon ng buhay ko ay nailabas ko kanina, although hindi naman enough iyon, mabigat pa rin ang loob ko pero kahit paano ay nakahinga na ako nang may kaunting kaluwagan.

"Sa may batis, Crisanto. Kumain na ba kayo?"

"Hindi. Ayaw ni Mama na kumain nang wala si Rafaelle. Dala yata niya ang kaldero." Nang – iinis na wika na naman ni Santi. I looked at him.

"Hindi makakain si Mama kasi ako ang bunso, hindi ikaw." Kitang – kita ko nang manlaki ang butas ng ilong niya, ganoon na lang rin ang panlalaki ng mga mata niya, wala siyang ma-rebutt sa akin kaya tumalikod na lang siya. Naiwan na naman kami ni Don Paeng sa may front door. Mula sa paglalakad nang hatak – hatak niya ang kanyang kabayo ay hindi naman siya nagsasalita, parang naninimbas siya pagdating sa akin. I turned to him and took his left hand.

"Thank you, Don Paeng. Sana h'wag ninyo pong sabihin kay Mama." Sabi ko sa kanya. I think he understood the situation o kung hindi man ay hindi naman siya nagtatanong sa akin. He only nodded in return, I tiptoed to give him a light peck on the cheek, bahagya ko pa siyang niyakap at saka ako umalis na. Nagpunta ako sa dining area kung saan natagpuan kong nagpapahanda ng dinner si Mama, pero naroon na si Jaquelene at si Felipe. They were helping Mom. As always, Felipe looked so fresh with his white shirt, sweatpants and his just got out of the shower style of hair.

I suddenly remembered all the times that I sat on his lap – him with only his towel on – I'll curled up on him, and he'll hug me and he'll let me smell him for hours. He knew how much I love smelling him, and how safe I am in his arms. Para sa akin, sa bisig ni Felipe ko nararamdaman ang security na kailangan ko noon. I could feel that he's aim is to protect me. He lets me be the little girl that I am – well that sounded so wrong – what I mean is, hinahayaan niya akong maging ako. He takes babies me. Sa isang linggong magkasama kami, lahat ginagawa niya para sa akin. He might be busy, he might be oceans apart, but he calls me regularly, when I want attention, he even cancels his meeting so we could talk all day.

"Rafa!" I was pulled away from my trance when Jaque called me. Mukhang nagulat rin si Mama, bigla na lang kasi siyang napalingon sa akin. I tried to give her my happiest smile, my warmest smile.

"Hi."

"Saan ka ba galing?" Lumapit si Mama sa akin. She caressed my face. "Pumunta ako sa kwarto mo pero wala ka roon, iniwanan mo pa ang phone mo. Saan ka nagpunta?"

"I went to Pan's. May pinag-usapan lang kami kaya nagtagal ako. I was supposed to go to Ate Mona's pero ayon nga, may inayos kami ni Panpan." I smiled. Sana hindi mahalata ni Mama na nagsisinungaling ako. She only nodded. Inayos niya pa ang kumawala kong buhok.

"H'wag mong masyadong pinapagod ang sarili mo. Lika, kumain ka na." We went to the dining table. I sat on the left side. Si Jaque ay sa tapat ko, katabi niya si Felipe, ako naman, si Santi ang katabi ko. Hindi naman nagtagal ay dumating na rin si Papa. I smiled at him again.

"Nasaan si Sab?"

"Nagbyahe ang anak mo kanina, nami-miss raw si Aelise kaya lumuwas muna. Tayo – tayo na lang muna. Kumain ka na."

"Kanina pa nga ako nagugutom." Sabi pa ni Santi. "Hindi ko alam kung bakit kailangan hintayin pa si Rafa para kumain. Dala niya pa ang kaldero, Mama?" Pait na pait yata ang kapatid ko. Tinawanan ko lang siya. My father shook his head pagkatapos ay inirapan niya si Santi.

Corazón PerdidoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon