Kapitulo Catorce

3.4K 113 0
                                    

Rafaelle's


"AHH! WHAT THE HELL ARE YOU TRYING TO DO?!"

Sigurado akong namutawi sa buong mansion ang tinig ko nang gabing iyon. Naalimupungatan kasi ako at natagpuan ko si Crisanto na nakaupo sa gilid ng kama ko habang nakatitig sa akin. Of course, magugulat ako! Kagigising ko lang, pagod ako, inaantok pa ako sa totoo lang, disoriented pa ako tapos makikita ko siyang nandoon, nakaupo at nakatitig sa akin. What am I supposed to do?

Napabalikwas ako ng bangon at nagpakadulo sa may headboard ng kama. Hawak – hawak ko ang unan ko habang nakatingin sa kanya. Ang lakas ng tibok ng puso ko.

"What the flying fuck, Crisanto?! Are you trying to kill me?!" I hissed at him. Hindi naman nagtagal ay bumukas ang pinto ng silid ko. Pumasok doon si Mama at si Papa kasunod si Sabello at ang asawa niyang si Aelise na karga ang pamangkin ko.

"What is happening?" Don Paeng demanded. I took a deep breath para makapagsalita pero inunahan ako ni Santi.

"Pa! Wala akong ginagawa! I was just checking on her! Masama bang i-check ang kapatid ko?!" Ang lakas talaga ng tibok ng puso ko. Agad namang naupo si Mama sa tabi ko. She bundled me up in her arms and kept on caressing my hair.

"Ikaw naman, Santi, natutulog ang kapatid mo, eepal ka riyan!" Sabi ni Aelise sa kanya. It's okay – really. Maybe he just really wanted to check on me. Naisip kong baka may pakialam na sa akin si Santi after everything. Maybe he feels sorry for me, kahit ano na lang muna basta maging okay na kami. Ayoko rin namang nasasaktan si Mama, ayokong nararamdaman niyang hindi kami maayos, ayokong nag – aalala siya. I was build to protect my mother, kahit kailan ay hindi ako dapat maging source ng kalungkutan ni Mama.

"Wala naman akong ginagawa. Para tinitingnan ko lang siya. Parang inaapi ko na si Yafa ha!" Defensive na defensive ang tunog niya. Napangiti na lamg ako.

"You know what, it's okay. I'm fine. Nagulat lang po ako. I'm sorry for waking up everyone. Especially you, little one." Tukoy ko sa anak ni Sabello at Aelise na si Leon. He gave me a small smile tapos ay nagtago sa leeg ng Mama niya. "Aw, he's very shy."

"Shy na kunwari." Tumawa si Kuya Sabello at niyaya na si Aelise na lumabas. Umalis na rin si Santi at si Papa. Naiwanan kaming dalawa ni Mama sa silid ko. I guess we will be sleeping together now. Hindi ko alam kung anong oras na pero palagay ko naman ay mahaba – haba pa ang gabing ito. I fell asleep right after dinner. Sobrang pagod ko rin kasi. Gabi na ako nakarating, and I really wanted to talk with them during dinner pero napapagod naman ako, that's why I am no use.

I hugged mama back and sighed with so much contentment when I smelled her familiar scent.

"My baby..." Mama mumbled. Madalas niyang sinabi sa akin iyon lalo na kapag nakahiga kaming dalawa. Just like in New York, kapag ang lahat ay masyado nang nakakapagod, Mama will be there to make me feel at ease. I love the feeling of being this close to her. Sometimes, I want to cry when we're like this, pero pinaalala ko sa sarili kong bawal akong umiyak dahil bawal masaktan si Mama.

"Yafa?" She called me again.

"Hmm?"

"I kind of remembered those moments, iyong nagpapaalam kang aalis and you won't be back for two weeks." Iyon ang mga panahon na nagkikita kami ni Feliper sa Malta. It's our week and I was always excited whenever it approaches. Lalong humigpit ang yakap ko kay Mama.

"Anak, tell me the truth. It's time to tell Mama everything. I want to know." Her voice is soft and comforting. I told myself that I will be more open to my family now. That I will finally let her know about my feelings. Happy na si Mama ngayon, but I don't think she is fully happy kasi inaalala niya pa rin ako.

Corazón PerdidoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon