Yaffa's
I WAS too busy playing with Sabello's son that I don't even have any idea about the time. Charles is such a cutie. He's only two years old but he can do a lot already. Tulad ngayon, imbes na laruin niya ang mga bola sa harapan niya, mas interesting para sa kanya ang mga daliri ko. Isinusubo niya ang hinalalaki ko at kapag binabawi ko iyon sa kanya ay tatawa siya nang napakalakas. He makes me laugh so much. I guess going home is the right decision. Kung mag – isa ako sa condo unit sa Metro, siguro umiiyak lang ako dahil sa mga bagay na hindi ko naman kayang kontrolin.
For the last two days that I am here, I realized that I cannot blame myself for the things that I have no control of. Hindi ko pwedeng sisihin ang sarili ko kung hindi ako maintindihan ni Jaqueline – wala akong ginawang masama sa kanya. When I found out that she is dating Felipe, I stepped aside, I did nothing but to watch the from afar. Hindi ko rin dapat sisihin ang sarili ko kung hindi ko maibigay ang gustong sagot ni Felipe matapos niyang sabihin sa akin na mahal niya ako at gusto niya akong bumalik sa kanya. I cannot blame myself if I don't know the answer to his question yet. Sabi ko nga, kung noon niya sinabi sa akin ito, maybe I will move heaven and earth just to be with him again, but now, the fact that I have no idea how to handle this situation only means one thing: that I have moved on – kahit paano, may progress sa sarili ko. Kahit paano, kahit paunti – unti, nakakaalis ako sa lugar kung saan ako iniwanan noon ni Felipe.
Hindi ko siya sinisisi sa nangyari sa amin. If I can be blamed for one thing, it is that -pero ngayon kasi ay nais kong makaramdam ng galit sa kanya dahil kung hindi naman pala niya ako kayang bitiwan nang tuluyan, bakit niya pa kasi ako iniwanan? My god, I feel like I have this moving on things backwards.
Ginugulo niya ang isipan ko. Gusto kong magalit pero sa dami ng emosyon na nararamdaman ko, hindi ko alam kung ano ang dapat kong unahin. My mind came back to reality when Charles bit my hand a bit harder this time. Tawa siya nang tawa habang hinihintay niya ang reaction ko. I made a funny face and he screamed in awe. Lumakad siya papunta sa akin para yakapin ako. He put his little arms around my neck and kissed my cheek.
"Baby, you're so cute!" Sabi ko habang tawa nang tawa. I didn't notice that Ate Mona was standing near the door by that time. I smiled at her, she did too, but I felt like something is about to happened because when she smiled, she gave me that knowing look. Na-freeze ang ngiti ko.
"Charlie, come, come here." Kinuha niya ang baby. Hinayaan ko namang lumapit ito sa kanya. I waited for her to say something, nang makarga niya ang bata ay saka ako muling tiningnan ni Ate Mona.
"Papa wants you in his study." Sabi niya sa akin.
"And why is that?" I asked in a light tone. May iba talaga kaya lalo akong kinakabahan.
"He said that he wanted to talk to you. Sige na, magpunta ka na roon. And good luck." Kung para saan ang good luck ay hindi ko alam. I just left Charle's playroom and went straight to the first floor where I can find my father's study. Kumatok pa ako ng tatlong beses bago ako pumasok. The first one I saw is my mom. She looked at me with such worry eyes. Napakunot tuloy ang noo ko. Bakit ganoon si Mama? May nangyari ba?
Nasagot ang tanong ko nang makita kong nakatayo si Papa sa gitna ng office niya, sa harapan niya ay si Felipe. Nakayuko na tila ba batang munting pinagagalitan ng tatay niya. My father looked at me. Hindi naman mawala sa mga mata ko ang shock na nararamdaman ko. Nagtuloy ako sa pagpasok kahit na ang gusto ko lang ay umalis na at magkulong sa silid ko. Ano bang ginagawa dito ni Felipe? Bakit hindi na lang ako ang kinausap niya?
"Yaffa." My father spoke. Sinenyasan niya akong maupo sa silya sa tabi ni Felipe. I was, of course, reluctant to do anything. Why would I sit beside him? What is he doing here? Bakit nandito kami sa office ni Papa? My brothers told me once that they often come here kapag may ginagawa silang kalokohan. Ang kaisa – isang tao lang na hindi napunta rito sa office ni Papa para lang pagalitan ay si Ate Mona. Sabi ng ibang mga kapatid naming, dahil daw iyon paborito ni Papa si Ate Mona – and everyone knows that. Kita ng lahat ng paborito nga ni Papa si Ate. But why am I here? I didn't want to look at Felipe. Baka mapaiyak ako. I bit my lower lip. Dahan – dahan akong lumakad patungo sa silya sa tabi ni Felipe. I was clasping my hands. I am shaking. Kabang – kaba ako at hindi ko talaga alam ang gagawin ko.