NASA HAPAG silang apat, naghihintay sa paliwanag ng kanyang kapatid.
"Paano kayo nagkita?" inip niyang tanong.
"Padilim na n'ong naghiwahiwalay kami ng mga kasamahan ko, naiwan ako sa sakahan dahil isinilong ko pa ang mga kalabaw. Nakita ko siya doon sa putikan nakatabi ng higa sa mga kalabaw, akala ko nga patay na e," paliwanag nito.
"Bakit naman siya mapupunta d'on?"
Nagkibita balikat ang kapatid. "Hindi ko rin alam dahil wala naman akong napansin na kakaiba habang nagtatanim, nilapitan ko at nakita kong humihinga pa kaya tinulungan kong tumayo. Takot na takot nga n'ong una mabuti at kumalma din."
"Hindi familiar ang mukhang, baka isa sa mga turista ng resort?"
"Siguro nga, hayaan niyo ho inay at kapag nakabisita ako sa resort ay itatanong tanong ko doon."
Umismid siya. "Ako na ang bahala, baka mapa'no ka na naman sa pagbisita mo d'on. Mas marami akong kaibigan sa resort kaya ako na magtatanong."
"Paano kong walang nakakakilala sa kanya doon?" tanong ng ina. Halatang hindi ito mapakali habang ang ama ay nakaakbay dito.
Nagkibit balikat siya. "Pwede rin akong magtungo sa kabilang isla."
"Aba'y, paano naman mapapadpad 'yan dito kung kailangang tumawid ng karagatan."
Napakamot siya sa batok. "Hindi maganda ang kutob ko dito e, may mga gasgas at pasa siya mukhang hindi naman normal sa isang turista ang gan'on. Baka may nakaaway o kagalit?"
Nasapo ng ina ang dibdib. "Diyos ko, 'wag naman sana. Kawawa naman."
"Kaya ho dapat na na'ting masuli sa kanila 'yan dahil baka tayo pa habulin ng kung sinong may gawa sa kanya niyan."
Binatukan siya ng kanyang kapatid. "Mas lalo mo lang tinatakot si nanay."
"Nagsasabi lang naman ng opinyon." Inirapan niya ito.
"Mabuti pa ay hintayin na'tin na magising upang mas mapadali ang pag-uwi sa kanya, siguradong magsasalita naman iyon," suhestiyon ng ama at agad nilang sinang-ayunan.
"Dito na muna ako sa sala matutulog habang hindi pa siya nagigising," ani Tadeo.
Muli nilang tinignan ang lagay ng kanilang bisita. Hindi pa rin siya kumbinsido na walang masamang nangyari sa lalaki bago matagpuan ng kanyang kapatid. Sinong nasa tamang pag-iisip ang tatabi ng higa sa mga kalabaw sa gitna ng putikan? Kaya pala balot na balot ng putik, nadamay pa pati kapatid niya.
Bumalik sila sa mga gawain ngunit panakanaka pa rin nilang binibisita ang pasyente. Gabi na at malayo ang maliit na center sa kanila kaya't hindi sila makatawag agad ng doktor.
Nang pumanhik siya sa kanyang silid tulala lamang siya sa pawid na kisame dahil hindi mawala sa isip niya kung anong nangyari sa lalaki.
"Hindi naman mukhang lasing kasi hindi naman amoy alak ang hininga," pagkausap niya sa sarili.
ABALA ang lahat sa kanya kanyang gawain kaya si Allan ang nakatoka para sa pagbabantay sa kanilang bisita. Tatlong araw na ang lumipas ngunit hindi pa rin ito nagigising. Tumawag na sila ng doktor upang tignan ito at hinihintay na lamang nila ang paggising ng lalaki.
Isinarado niya ang bintana ng kwarto ng kanyang kuya kung saan namamalagi ang kanilang bisita.
"Anak ng tokwa, pati pagbabagsak ko ng mga isda sa palengke apektado dahil sa'yo," pagkausap niya sa taong tulog. "Hindi ka ba napapagod matulog, chong?" Napakamot siya sa batok. "Para naman akong tanga na kumakausap sa taong di naman sasagot."
BINABASA MO ANG
Isla De Kastilyo Series 2: Lost With Her
RomanceONGOING Allany Merandela. Kahit saang sulok ng Isla de Kastilyo ay kilala si Allany dahil sa taglay nitong kabaitan at naging tagapagtanggol ng buong isla laban sa mga may masasamang loob. Isang kargador na itinuring na hari ng palengke. But she's n...