MAGKAHAWAK silang naglalakad sa dalampasigan. Hindi mawala ang ngiti sa kanyang mga labi dahil tuwang tuwa si Dabolyo sa bawat paglubog ng mga paa nito sa puting buhangin.
Tumatakbo din ito kapag hinahabol ng maliliit na alon. Masaya siyang buhay na buhay ang sigla nito at halatang gustong gusto ang dagat. Kanina ay nag-alala pa siya sa magiging reaksyon nito dahil baka atakihin na naman ito sa kung anumang gumugulo sa isip nito.
Nangingibabaw ang tawa nito, sumasabay sa nakakahalinang ingay ng paghampas ng alon. Imbes na sa Resort De Catalina niya ito dalhin ay sa kabilang dako sila ng isla nagtungo. Silang dalawa lamang ang tao, halos walang napapadpad sa parteng iyon maliban sa mga mangingisda. Nasa likod sila ng napakalaking bato kung saan lulubog ang araw mamaya.
Bumitaw sa kanya si Dabolyo at nakipaghabulan sa alon. Basa na ang laylayan ng suot nitong puting slacks, pero hindi nito alintana. Nakatanaw lamang siya sa binata. Umaabot din sa paa niya ang alon, ramdam na ramdam niya ang lambot ng buhangin dahil pareho silang walang sapin sa paa. Iniwan nila ang kanilang mga tsinelas sa taas bago sila bumaba patungo sa buhangin.
Aside from the farm and the wet market where there life revolves everyday, this is her favorite part of the island. It gives her peace and she wanted to invite him to her safe haven, to make him feel that as long as they are together there's no one who can hurt him.
While looking at him, playing with the waves like a child she realizes how much she wanted to protect him from any form of pain. Hindi niya ito kilala at wala siyang alam ni katiting sa nakaraan nito bago pa ito mapadpad sa lugar nila, but one thing is for sure, she knows that he has been through a lot to the point of losing his old self.
"Sana palagi kitang makitang nakangiti at masaya," bulong niya sa hangin.
Tinatangay ang buhok niya dahil sa simoy ng hangin. Hindi niya suot ngayon ang ball cap niya. Nakalugay din ang mahaba niyang buhok na palaging nakatali noon.
"Kung may hiling man akong gustong matupad, gusto kong bumalik ka sa dati kung sino ka man noon bago ka mapunta dito sa isla..." Nakatanaw lamang siya kay Dabolyo. "Gusto kong kayanin mong ipagtanggol ang sarili mo dahil mapanganib ang mundo."
Lumingon sa kanya si Dabolyo at kumaway. Kumaway siya pabalik. Hanggang ngayon binibagabag pa rin siya sa natanggap niyang sulat at sa mga helicopter na umaligid sa lugar nila. Alam niyang hindi normal ang gano'ng pangyayari dahil bilang pa lang sa daliri niya na makakita ng helicopter na napadpad sa isla.
Napapitlag siya nang may biglang yumakap sa kanya mula sa gilid niya, hindi niya namalayang natulala siya da kawalan dahil sa pag-iisip. Nakalapit na pala sa kanya si Dabolyo. Dahil malaki itong tao para lang siyang teddy bear na nakulong sa mga bisig nito. Mas lalo nitong hinapit ang bewang niya at humigpit ang yakap.
Napangiti siya nang tingalain ito, kahit wala itong sabihin kita niyang ang pag-aalala sa mga mata nito. Hinaplos niya ang braso nitong nasa bewang niya.
"Wag kang mag-alala, ayos lang si Lala. May iniisip lang ako," sabi niya.
Humarap siya dito habang ang mga braso nito ay nananatiling nasa bewang niya. Ikinulong niya sa mga palad niya ang gwapo nito mukha at hinaplos ang mga pisngi. Nagkasalubong ang mga tingin nila nang yumuko ito para pantayan ang tingin niya. Nandoon na naman ang mabilis na tibok ng puso niya at ang tila mga paro-parong nagsisiliparan sa tiyan niya dahil sa paghaplos ng palad nito sa bewang niya.
For her, his eyes are the most beautiful eyes she ever see in her life. Pakiramdam niya kaya nitong tunawin pati ang kaluluwa niya at palambutin ang matigas niyang puso.
"Lala," bulong nito, mas lalo siyang napangiti.
"Iniisip ni Lala kung bakit ang gwapo mo," biro niya pero alam niyang parte din iyon ng palaging laman ng isip niya.
BINABASA MO ANG
Isla De Kastilyo Series 2: Lost With Her
RomanceONGOING Allany Merandela. Kahit saang sulok ng Isla de Kastilyo ay kilala si Allany dahil sa taglay nitong kabaitan at naging tagapagtanggol ng buong isla laban sa mga may masasamang loob. Isang kargador na itinuring na hari ng palengke. But she's n...