Kabanata 7

697 44 13
                                    


NAKAYUKO lamang si Allan habang pinapakinggan ang sermon ng kanyang ama. Minsan lamang ito kung magsalita pero alam niyang mali ang ginawa niya kagabi.

"Alam kong halos lahat ng mga barako dito sa isla ay kaibigan mo, Allan, pero hindi pa rin ligtas na mag-inom ka sa labas dahil babae ka pa rin." Malumanay man pero may diin ang bawat bigkas nito ng mga salita samantalang ang kanyang ina ay nasa kusina, abala sa pagtitimpla ng kape.

Napangiwi siyang nang maramdaman ang pagpitik ng kung ano sa noo niya, kanina pa masakit ang ulo niya dahil sa hang over.

"Pasensya na ho, 'tay. Hindi na ho mauulit," sagot niya.

"Sa susunod magpaalam ka ng mabuti, at isa pa hindi ka ba naawa kay Dabolyo? Nakatulugan nalang ang paghihintay sa'yo at hindi namin napilit na kumain ng hapunan dahil hinahanap ka." Naiiling itong sumandal sa upuan at humalukipkip. "Alam mong sa'yo lang sumusunod 'yong tao."

Hindi siya nakapagsalita. Nasapo niya ang ulo nang biglang pumasok sa isip niya ang paghihinang ng mga labi nila ni Dabolyo at ang paggalaw ng labi nito bilang tugon. Umiling siya. Panaginip lang 'yon. Iyon ang paulit-ulit niyang sinasabi sa sarili mula nang magising siya sa tabi nito kanina. Ayaw na niyang alalahanin ang kanilang posisyon dahil para siyang lalagnatin.

Mabuti na lamang at nauna siyang nagising kaysa sa mga magulang at kapatid niya kaya agad siyang nakalabas ng kwarto na hindi naman para sa kanya.

"Lala," tawag ng baritono ngunit pamilyar na boses. Si Dabolyo.

Napatikhim siya nang malamang gising na iton. Umupo siya ng tuwid ngunit hindi lumingon sa gawi nito.

"O' siya, tama na ang sermon at kay aga-aga. Nandito na ang mainit na kape at pandesal." Inilapag ng kanyang ina ang mga pagkain sa gitnang mesa.

Lumapit ito kay Dabolyo. "Ijo, bumili ako ng organic na gatas para sa'yo. Masama sa tiyan ang kape lalo at hindi ka kumain kagabi." Inakay nito si Dabolyo paupo sa tabi niya, para siyang napaso nang magdikit ang kanilang mga braso kaya agad siyang napausog.

"Hindi naman halata na may paborito ka sa bahay na ito, Deling," may pagtatampo sa boses na sambit ng kanyang ama. Napangisi siya, hindi lang pala siya ang nakakapansin na simula no'ng dumating si Dabolyo sa kanilang tahanan ay aligaga palagi ang kanyang ina para alagaan at pakainin ito.

"Ano ka ba, Tano. Simula noong kabataan natin ay inalagaan na kita, matanda ka na kaya mo na ang sarili mo."

Natawa siya nang sumimangot ang ama. Ang tawa niya ay unti-unting nauwi sa ngiwi nang mapansin ang titig ni Dabolyo. Bumaling siya rito at hindi nagkamali, nasa kanya ang tingin nito. Nasa labi niya. Ilang ulit siyang tumikhim upang alisin ang tila biglang bumara sa lalamunan niya kahit wala naman.

"Ako nalang ang magtitimpla para sa sarili ko." Nagtatampong tumayo ang kanyang ama at nagtungo sa kusina. Napailing ang kanyang ina at sumunod dito.

"Napakatanda mo na at matampuhin ka pa rin, ako na nga ang kukuha."

Umiwas siya nang tingin kay Dabolyo dahil para siyang tinutupok ng apoy kahit na napakahangin naman ng umaga.

"Lala," tawag nito sa kanya, yakap-yakap ang teddy bear. Kinusot-kusot pa nito ang mata.

"Oh?" labas sa ilong na sagot niya. Ibinalik niya ang tingin dito at nanlaki ang mga mata nang salubungin siya nang labi nito. Sumakto iyon sa labi niya, sa sobrang pagkabigla hindi siya nakagalaw. Naramdaman niya ang mas lalong pagdiin ng labi nito sa labi niya at pagsipsip nito sa ibabang parte niyon.

Napakurap-kurap siya nang humiwalay ito at bumalik sa pagkakaupo. Napapalakpak ito at tuwang-tuwa.

"Yu-Yummy..." sabi nito. Gusto niyang mamangha dahil nakapagsalita ito ng ibang salita maliban sa "Lala", ngunit sa kaguluhan ng isip niya ay sa ginawa nitong paghalik napunta ang atensyon niya.

Isla De Kastilyo Series 2: Lost With HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon