Kabanata 10

1.6K 69 23
                                    

NAGING abala si Allan sa pag-aayos ng mga gamit sa bagong gawang kubo. Katulong niya ang kanyang ina habang si Dabolyo ay nasa sahig na kawayan ng kubo nakikipaglaro sa teddy bear nito. Pawis na pawis siya sa pagbubuhat ng mga upuang kawayan at mesa. Lahat ng gamit sa kubo ay yari sa kawayan. Mas mainam iyon para kay Dabolyo dahil magiging malayo ito sa panganib dahil walang mababasag na mga gamit.

"Allan, may naghahanap sa'yo." Nilingon niya ang kanyang ama na nasa bukana ng pinto.

"Sino ho, 'tay? Pasabi ho na may ginagawa ako baka pwedeng bumalik nalang mamaya."

"Iyon nga ang sabi ko sa kanya pero hindi na raw siya makakabalik mamaya dahil marami pa siyang ihahatid na mga orders, kailangan din daw niyang bumalik sa karatig isla," paliwanag ng ama.

Nagtaka siya kung bakit iyon ang sinabi nito. Iniwan niya ang pag-aayos ng mga silya syaka lumabas. Nakita niya ang isang delivery rider na nasa labas ng bakod nila. Ang mga delivery guy or courier sa kanilang lugar ay minsanan lang kung dumalaw dahil minsan lang may mga nagpapadala patungo dito. Independent ang kanilang lugar kaya halos lahat ng kailangan sa araw-araw ay mayroon sila.

"Sa'kin ho ba? Wala ho akong alam na may magpapadala sa'kin," sabi niya sa delivery guy.

"Oho, sa inyo nakapangalan." May kinuha ito sa dala nitong malaking bag na nakatali sa likod ng motorsiklo nito. "Sabi ho dito sa description ay sulat ho ito para sa inyo, nagtataka lang ho ako kung bakit walang pangalan ng sender at wala ang address nito."

Hindi niya alam kung bakit napalingon siya kay Dabolyo na abala sa paglalaro. Hindi maganda ang kutob niya pero tinanggap niya pa rin ang sulat.

"Pirma lang ho kayo dito." Itinuro nito ang pipirmahan niya at nagpaalam na umalis. Hindi mawala ang tingin niya sa kulay kapeng envelope.

"Hindi mo pa ba bubuksan?" tanong ng kanyang ama na nakaabang din sa sulat.

"Pasok ho tayo." Naglakad siya pabalik sa loob ng kubo kasunod ang kanyang ama. Umupo sila sa silya. Binuksan niya ang envelope dahil nilalamon din siya ng kuryosidad.
Unang bumungad sa kanya ang puting papel na walang sulat, iyon lamang ang nagpakapal sa envelope. Halos sampong walang sulat na papel ang inalis niya bago natagpuan ang mas maliit pang envelope. Mabilis niya iyong binuklat at hindi alam kung ano ang mararamdaman sa tatlong letrang nakasulat doon.

Keep him. -Dyosa

Nagkatinginan sila ng kanyang ama. Napabaling siya kay Dabolyo na ngayon ay nakatingin na sa kanya. Ngumiti ito.

Sino ang nasa likod ng sulat na ito? Hindi siya tanga para hindi malaman na si Dabolyo ang tinutukoy nito. Ito lamang ang estranghero sa bahay nila na wala siyang kaalam-alam kung sino at saan ito nagmula.

"Kung ganoon ay alam ng may-ari ng sulat na nandito sa atin sa Dabolyo," sambit ng kanyang ama.

Itinukod niya ang magkabilang siko sa mga tuhod at tinitigan ang sulat na nakapatong sa mesa. "Bakit gusto niyang itago ko?"

"Sa tingin mo ba ay nasa panganib ang buhay niya? Bakit ganito kamisteryoso ang sulat? Wala manlang address at pangalan."
Nandoon na naman ang hindi maganda kutob sa kalooban niya.

"Wag na ho mo na nating isipin ito, 'tay---" hindi niya natapos ang sanay sasabihin nang makarinig siya ng ingay sa labas.

"Elikoptero?" tanong ng tatay niya. Mabilis siyang tumayo at nagtungo sa labas. Tiningala niya kung saan nagmumula ang ingay, nakita niya ang dalawang helicopter hindi kalayuan sa himpapawid. Mababa lamang ang lipad niyan.

Pinagmasdan niyang mabuti, kulay itim iyon na may logo tila agila sa gilid ng pinto. Nakakapagtakang may helicopter sa lugar nila dahil walang paliparan at kilala nila ang personal helicopter ng mga De Catalina kung sakaling mang umuuwi ang may-ari.
May lalaking nakadungaw nakabukas na pinto. Nagmamasid sa paligid, may gamit itong teleskopyo. Halos nasa taas lamang ng bahay nila ang iniikutan ng lipad nito.

Isla De Kastilyo Series 2: Lost With HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon