Kabanata 9

778 50 12
                                    

NAKANGITI siya habang pinagmamasdan si Lorette na nakatanaw sa bintana ng sasakyan habang binabantayan ang bawat galaw ni Second Castillion. Kahit na alam niyang nagkakandarapa ito sa pangalawang anak ng mga Castillion ay masaya siya dahil palagi niya itong kasama. Matagal na niyang kilala ang mga Castillion, maliban sa tanyag ang pangalan ng pamilya nito ay artista din ang binata.

"He's so handsome," komento nito.
May kirot siyang naramdaman sa kanyang dibdib sa papuri nito para sa binata. Sanay na sanay na siya sa sakit at kayang kaya niya iyong ingiti. He's been with her for two years now after faking her death, aside from knowing each other since high school. He's her accomplice.

Kahit labag iyon sa sinumpaan niya sa kanyang propesyon ay kaya niyang labagin ang kahit na anong batas para kay Lorette. He's crazy in love with her. She's his sunrise and sunset, without her by his side he cannot afford to live.

He really love Lorette Alegron despite of everything. Hindi ito perpekto, masama ito sa mata ng lahat pero para sa kanya ay ito ang pinakaperpektong babaeng nakilala niya. Sa sobrang pagmamahal niya para sa dalaga kahit masakit na ay ayaw niya pa ring bumitaw.

Nagmamahal siya ng isang babaeng hindi siya makuhang mahalin pabalik. They have known each other since high school pero hindi siya nito nakita bilang isang lalaking dapat mahalin, ang tingin nito sa kanya ay bagay na mapapakinabangan para mapaibig nito si Second Castillion.

Gusto ng sumuko ng isip niya pero 'yong puso niya ay masyadong mahigpit ang kapit sa paniniwalang balang araw ay mamahalin siya nito. Kailan ba mangyayari 'yon? Siguro hindi na.

BUMUKAS ang pinto at alam niyang si Lorette ang pumasok. Nakatulala lang siya sa kawalan habang iniisip ang mga bagay bagay. Nananatili siyang nakaupo sa kama kung nasaan si Captain Anton Santez.

"Nasaan si Anton?" Nagpupuyos sa galit na sigaw ni Lorette.

Pumailanlang iyon sa buong silid. Hindi siya sumagot dahil baka mabasag ang boses niya. May bikig sa lalamunan niya na alam niyang ilang sandali lang ay bibigay na.

"W, nasaan si Anton?" Lumapit ito sa kanya na mabangis ang mukha.

Nanlilisik ang mga mata dahil sa galit.
"P-Pinakawalan ko siya," nauutal niyang sumagot at tulad ng inaasahan niya ay agad na dumagsa ang luha niya. Ang bigat bigat ng dibdib niya, halos dekada niya rin itong kinimkim at dinala ng kalooban niya pero ngayon nag-uumapaw na. Sinampal siya nito ng pagkalakas lakas.

Nalasahan niya ang dugo sa gilid ng labi niya. Nanatili siyang nakayuko dahil wala siyang balak na gumanti, mahal na mahal niya ito kaya hinding hindi niya ito kayang pagbuhatan ng kamay.

"Putang ina ka. Ginawa mo na naman ulit. Punagkatiwalaan kita pero binigo mo na naman ako," muling sigaw nito at sinabunutan ang buhok niya para iangat ang ulo at mapatingin sa mukha nito.

"Ginawa mo na ito kay Second noon, tinulungan mo siyang makalaya ng wala ang permiso ko." Hindi siya nagsalita. "Binigo mo ako." Sinampal na naman siya nito at tulad kanina ay halos mamanhid ang mukha niya dahil sa sobrang lakas.

"I-I'm sorry, kailangan kong gawin 'yon para mailigtas ka," tanging sagot niya. Umiyak siya sa harapan nito pero wala itong pakialam.

"Mailigtas ako? Palaging 'yan ang rason mo pero ang totoo ay ipinapahamak mo ako." Bumunot ito ng baril at itinutok iyon sa sentido niya. Mariin siyang pumikit at wala siyang balak na umiwas.

"Papatayin kita," namumuhing sambit nito. Malungkot siyang ngumiti, lumuluha.

"Hindi mo na kailangang gumamit ng baril para patayin ako dahil ang katotohanang may mahal kang iba ay sapat na para unti-unti akong mamatay," bulong niya, ang tahimik niyang pag-iyak ay nauwi sa paghikbi hanggang sa naging hagulhol. Itinakip niya ang kamay sa bibig niya para hindi na lumakas pa 'yon. Nakatutok pa rin ang baril sa ulo niya.

Isla De Kastilyo Series 2: Lost With HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon