Kabanata 6

845 58 16
                                    


NAKABALIK sila sa bahay na wala pa ring imik si Allany. Ni hindi niya hinintay na makababa si Dabolyo. Mabuti na lamang ay nalibang ito sa hawak na teddy bear kaya hindi namalayan na binitawan ang kamay niya.

Kumunot ang noo ng kanyang ina nang makasalubong niyang nagwawalis sa entrada ng kanilang pintuan. "Anong nangyari at nakasimangot ka?" Tumingin ito sa likod niya. "Nasaan si Dabolyo?"

"Nandiyan ho." Naupo siya sa upuang kawayan at inalis ang ball cap sa ulo.

"Ano nga ang nangyari at hindi ma-drawing iyang mukha mo? Labas pa sa ilong kung sumagot ka." Ipinagpatuloy nito ang pagwawalis.

"Wala ho."

Napatingin siya nang sumunod na pumasok si Dabolyo. Tuwang tuwa nitong ipinakita ang teddy bear sa ina niya. Napairap siya.

"Aba'y ang ganda ng kulay, ingatan mo 'yan, ha? Kapag sinira mo pa 'yan magagalit si Lala," galak na pagkausap ng kanyang ina dito.

Sandali siyang natigilan nang bumaling ito sa kanya at nagkasalubong ang kanilang mga tingin. Umismid siya nang makabawi. Naglakad si Dabolyo palapit sa kanya. Nanlaki ang kanyang mga mata nang umupo ito sa tabi niya at bigla siyang niyakap.

"Lala," sabi nito. Wala pa itong ibang salitang nabibigkas kundi iyon.

Sinubukan niyang itulak ito pero mas lalong humigpit ang yakap. Ikiniskis nito ang pisngi sa braso niya. She couldn't help herself about the security she felt in his touch. The heat of his body is comforting and soothing her sulky heart.

She has no idea what to do. There's this feeling that pulling her to hug him too, but confusion is filling her thoughts. Hindi kami talo, says her mind.

"Bagay kayo," komento ng kanyang ina kaya bigla siyang nahiya. Malakas niyang tinulak si Dabolyo, hindi nito iyon inaasahan dahil nakawala siya at mabilis na tumayo.

"Labas lang ako, 'nay," biglang paalam, "pakilibang lang ho muna siya para hindi ako hanapin?"

"Paano kung umiyak?" Papalit-palit ang tingin ng kanyang ina sa kanilang dalawa ni Dabolyo.

Abala na ito sa paglalaro ng teddy bear na animo'y may sariling mundo. "Mukhang good mood ho siya ngayon, mabilis lang ako."

Gusto niya lamang na makahinga dahil para siyang nilalamon ng sariling emosyon. Hindi niya maintindihan ang sarili niyang reaksyon. Pakiramdam niya kahit siya ay hindi niya kilala ang sarili.

Hindi na niya ginamit ang truck upang makatipid sa gasolina. Naglakad siya patungo sa bahay nila Nanding, isang barangay mula sa bahay nila. Para siyang tolero habang tinatahak ang daan.

Ang kanilang lugar ay tila malayo pa sa sibilisasyon dahil mas marami ang bakanteng lote at sarahan kaysa mga bahay. Malayo ang pagkakahiwa-hiwalay ng mga bahay at may kanya-kanyang bakod na minsa'y yari sa kahoy pero madalas ay kawayan.

Malamig at presko ang simoy ng hangin kahit na tagaktak ang sikat ng araw.

Dahil hapon na ay marami ang kanyang nakakasalubong na mga magsasaka na nakasakay sa kalabaw at ang ilan ay mga babaeng may mga bayong na may lamang gulay.

Narating niya ang bahay nila Nanding. Hindi kalakihan ang bawat barangay kaya't kahit nasa ibang barangay ito ay malapit lamang sa kanila.

Naabutan niya itong naggi-gitara sa balkonahe ng gawa sa purong tablang bahay nito.

"Bok," tawag niya.

"Oy, Bok. Pasok." Agad itong tumayo at binuksan ang kahoy na trangkahan sa bakod nang makita siya.

"May ginagawa ka ba?" Sumunod siya sa pagtungo nito sa balkonahe.

"Wala, nagpa-practice lang. Alam mo namang balak kong umakyat ng ligaw," sabi nito at natawa.

Isla De Kastilyo Series 2: Lost With HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon