Prologue

4.3K 93 7
                                    

"SIGE idiskarga na lahat ang mga 'yan," sambit ni Allany habang pababa sa truck na siyang nagdadala ng mga isda sa palengke.

Agad na nagsibabaan ang mga kargador at kanya kanya ng baba ng mga tuni-tuniladang sariwang isda. Nagtungo siya sa likod ng sasakyan at tumulong na magdiskarga at magbaba ng mga ito.

"Siguraduhin niyong makakarating sa bawat pwesto ang bawat order nila," paalala niya sa mga tauhan.

"Opo Bok, kilala na namin lahat ng pwesto dito kaya walang kaso," nakangiting sagot ni Nanding na siyang nag-urong sa kanya ng bubuhatin.

"Bok, handa na rin ang listahan ng mga gulay na ibababa galing sa sakada sa hasyenda De Catalina," tugon nito.

Ang hasyenda De Catalina ay ang nag-iisang hasyenda kung saan kumukuha ng ikabubuhay ang lahat ng tao dito sa Isla De Kastilyo. Isa itong mayamang isla na pag-aari ng mga De Catalina.

Magkapanabay silang naglakad ni Nanding papasok sa maingay na palengke. Lahat ay abala, maraming mga mamimili sa ganitong oras na halos pausbong palang ang araw sa silangan dahil mga sariwa pa ang mga bilihin dito sa palengke. Iba't iba ang produktong alok ng bawat tindera pero lahat ng ito ay pag-aari ng mga De Catalina. Simula sa mga gulay, gatas na sariwa galing sa mga kambing at mga kalabaw, bigas, prutas, basta lahat ng nasa palengkeng ito kahit ang lupang pinagtitirikan ay pag-aari nila.

Ang islang kanilang kinabibilangan ay maituturing na independent sa sangay ng gobyerno kahit may mga politikong namamalakad, ang mga tao ay hindi umaasa sa tulong ng mga nasa pwesto kundi sa hanap buhay na nagmumula sa mga De Catalina.

"Pupunta tayo ngayon sa hasyenda pagkatapos na ibaba lahat ng mga isda."

"Sige, Bok." Naghiwalay sila ng daan dahil magkaiba ang pagbabagsakan ng kanilang mga dala.

"Bok, kailan ba ibabagsak ang mga sangkap? Wala na kaming sibuyas at nagkakaubusan na rin sa mga bawang." Salubong sa kanya ni Manang Tinya ng maibaba niya ang isda para sa order nito.

Bok. Iyon ang tawag sa kanya ng mga taong nakakakilala sa kanya na lahat ay itinuring na rin niyang pamilya. Kilalang kilala siya sa gan'ong pangalan maliban sa kanyang palayaw na Allan.

Inayos niya ang ball cap na suot at nginitian ang ale. "Mamaya po Manang Tinya, personal akong pupunta sa hasyenda De Catalina para mapadali ang pagbabagsak ng mga sangkap," paliwanag niya.

"Pati na rin ang mga gulay at prutas Bok dahil nalalapit na ang bagong taon at dadagsa ang mga mamimili," sabat ni Aling Doring na siyang katabi ng pwesto ni Manang Tinya. Sinagot niya iyon ng tango.

"Oho Aling Doring handa na ang mga order niyo para sa darating na bagong taon. Napag-usapan na ho namin iyon ng mga kasapi at asahan niyong mamaya ay darating na ang mga ito."

Masaya silang ngumiti kaya napangiti rin siya. "Kay galing mo talagang maging presidente ng korporasyon at mainam mong napapanatili ang kagandahan sa pagpapatakbo ng palengkeng ito," komento ni Aling Doring.

"Marami ang nagkakaroon ng hanap buhay dahil sa pamamalakad mo," dagdag ni Manang Tinya.

Napakamot siya sa batok dahil sa pasimpleng papuri ng mga kaharap. Siya ang presidente ng korporasyon dito sa palengke para panatilihin na nasa tama ang lahat at ang mga upang dapat ibigay sa mga De Catalina. Pero kasabay n'on ay kumukuha rin siya ng mga tambay para maging kargador ng sa gayon ay may maging kita sila. Sa abot ng kanyang makakaya ay hindi siya umaalis sa katungkulan niya bilang pinuno para mabawasan ang mga taong naghihirap sa kanilang lugar.

Kilala siya sa buong isla dahil sa pamamalakad niya dito at masaya siya sa ginagawa kahit na puro langsa at dugo ng mga karne ang madalas niyang kasama sa pamamalagi dito. Isa siyang kargador at lahat ay kinakasundo niya. She's kind and soft hearted. Hindi na bago iyon sa lahat.

Isla De Kastilyo Series 2: Lost With HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon