While I'm Waiting

126 2 0
                                    

Date Written: July 24,2021
----
Lumipas man ang mga sandali
Sila man ay patuloy na magmadali
Ako'y maghihintay sa tamang sandali
Dahil ako'y takot na muling magkamali.

Ang takot sa aking isipan ay gabi gabi kong iniiwasan,
Waring ayaw alalahanin na ako nga'y naghihintay.
Ang takot kong ika'y di dumating sa aking kapalaran,
Waring araw-araw kong pinagninilay-nilayan

Mawalan man ng munting dahon at mga hiblang mapupugay ang punong aking sinasandalan,
Mapuno man ng nyebe ang mga sangang naiwan.
Bumunga mang muli ang mga bulaklak na kaygagandang pagmasdan,
Lumipas man ang maraming araw,
Ako'y maniniwalang darating ang nakalaan.

Ako'y patuloy paring maghihintay
Dahil ang pangako ng Panginoon sa akin ay,
May taong nakalaan para sa aking buhay.
At may tamang panahon siyang inilaan,
Di dapat madaliin ang mga oras niyang ibibigay.
Pagka't Kaniya nang naplano bago pa man masimulan.

---
(To all who are in waiting season,

Believe in God, He does not want you to choose the wrong person to spent the rest of your life.

Glory to God, He never fail in extending His love to me and to you 🤗

'til next time👋🏽 keep waiting with joy in our heart.
-AR Ramos)

Spoken Words (Inspire By God)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon