Salamat at Patawad

405 9 0
                                    

Pag-ibig mo'y higit pa,
Sa nararanasan kong sakit na,
Na ang dulot ay hapdi na,
Na bumabaon sa kaibuturan ng aking puso.

Nagtatampo, ngunit di nagsusumamo,
Sinisisi ang sarili kung bakit naging ganito,
Ganito ang buhay kapag ika'y malayo,
Malayo sa akin at ika'y kayhirap matanto,

Baka sakaling nandyan ka at naririnig pa ako,
Pwede bang samahan mo naman ako,
Nagmamakaawa na ang aking puso,
Ako'y iyong tulungan at muling itayo.

Kung kailangan na ako'y lumayo,
Sa makamundong buhay kong ito,
Sabihin mo lang at ako'y muling tatakbo,
Tatakbo sa kaliwa?
Ay mali!
Ako'y tatakbo...
San ako tatakbo?
Sa kaibigan ko na tinalikuran na rin ako?
Sa kasintahang pinaglaruan lang ang damdamin ko?
Sa mga magulang kong may iba't iba pamilya?
"Wala....wala na..."

Ako'y wala nang matatakbuhan,
'To ang paulit ulit na sinasabi ng aking isipan,
Ngunit ako'y mali, dahil nang ako'y lumingon,
Nandoon Ka! Naroroon Ka at nakabukas ang iyong mga brasong tila kay tagal mong naghintay,

Oo, naalala ko na!
Tatakbo ako... Sayo!
Yayakapin kang mahigpit,
Dahil ikaw lamang ang sagot sa aking hinagpis,

Muli't muli ay babalik dahil ikaw ang nagbigay buhay,
Sa patay ko ng buhay,
Ako'y iyong binangon at niyakap ng mahigpit at muli'y aking narinig and iyong napakagandang tinig at iyong sinabi,
'Aking anak, kamusta ang iyong paglalakbay?
Ako'y nagagalak at nakabalik ka ng matiwasay.'
Gusto kong sumagot at magsumbong ngunit hindi ako nakapagsalita,
Ang tubig mula sa aking mga mata ay pinaliwanag ang lahat at agad Mo akong niyakap at tinapik.
'Mahal na mahal kita, Anak!
Ikaw ang pinakamahalaga.'

(Salamat sa pagmamahal dahil Sa'yo muling nagkaroon ng pag-asa ang malimuot kong buhay. Hindi man ako perpekto pero paulit-ulit mo akong tinatanggap. All of the time in our lives God is the only one who can fill the void inside. We feel empty because we forget that there is God who always waiting for us to reach Him out again and again. 

To all who suffer from time to time,

Be grateful, God is still into you because He still testing your faith. No matter what happens just hold onto Him and He will hold on to you too. He is a faithful, truthful and generous God so don't be afraid. Psalm 56:3 says that whenever you are afraid just trust God no matter what fearful situation you are. 

-AR Ramos)

Spoken Words (Inspire By God)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon