TAGUMPAY

116 6 0
                                    

August 21,2017

TAGUMPAY
by AR RAMOS

Ngumiti para sa iba
Maging masaya para sa kanila
Maging maayos at maging malakas.

Minsan masakit,
Madalas mahirap,
Pero anong magagawa?
Kailangan magpanggap na malakas.

Oo masyadong maeffort!
Oo masyadong magastos!
Oo masyadong ubos oras!

Pero anong magagawa?
Gusto kong gawin at sayangin ang aking oras.
Minsan may nagtanong sa'kin,
"Bakit ba binabalikan mo pa?"
"Bakit ba tinatawag mo pa?"
"Bakit iniiyakan mo pa?"
"Bakit nag-aaksaya ka pa?"

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa isang maginaw na umaga.
Para akong binuhusan ng mainit na tubig sa tirik na araw.

"Bakit nga ba?"
Tinanong ko sa aking sarili.
Saka ko napangiti at sinabi,
"Tama, alam ko na!"

"Kasi ako yung unang iniyak, ako yung unang inaksayahan ng oras para kausapin, tawagin at makakilala sa Kanya!"

Ako, yung unang di iniwan.
Ako, yung unang binigyan ng atensyon.
Ako, yung unang nginitian kahit aking sinungitan.
Ako, yung unang sinuyo at di tinigilan.
Ako, yung unang pinagtiisan.

"Kaya tama lang na ako naman!"

Ako naman ang gagawa ng paraan,
Para ipakita na ang pagngiti kahit nasasaktan ay dahilan ng pagmamahal.
Ako naman ang susuyo,
Para ipakita may nagbibigay ng atensyon para sayo.

Para sabihin at ipaalam na hindi ka nag-iisa,
Na nandito ako at lalong lalo na Siya!
Para ipaalala sayo na hindi ka talunan,
Na isa kang kampyon sa laban ng iyong buhay.

Isa ka sa mga taong naging dahilan para pagtagumapayan Niya ang laban ng buhay.

---

(I dedicated this, especially to God and every leaders who fought and still fighting for this generation. I also want to remind each and everyone that they are never be alone. God is always saying to you "Anak, mahal kita at handa kitang patawarin kahit ilang beses ka pang nagkasala!". God give us sufficient grace and mercy. Never lose hope. God is faithful to you. He will use someone to reach you to get you out of that comfort zone and sins.
-AR RAMOS)

Spoken Words (Inspire By God)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon