September 26, 2018
BITUIN
by AR RAMOSBituing makislap, bituing maliwanag,
Bituing maningning, bituing walang kupas,
Bituin, Bituin, Bituin.Para kang isang bituin.
Sa umaga'y kay hirap hanapin,
Sa gabi nama'y kay hirap abutin.Para kang isang bituin.
Bituing nagniningning sa kalangitan,
Animo'y walang dilim sa kapaligiran.Ilaw mong kay liliit, ang nagbibigay kulay,
Kulay, sa malungkot at naliligaw kong buhay,
Para kang isang bituin.Para kang isang bituin.
Bituing di makita-kita sa malapitan,
Ngunit tanaw na tanaw ang iyong kagandahan.Para kang isang bituin.
Patuloy sa pagkinang sa gabing madilim,
Ikaw ang liwanag na ibinigay sa dilim ng kalangitan.-End-
(God you're always be my star. Ikaw ang nag-iisang bida at kumikinang sa buhay ko. Kahit alam ko madalas ka lang makinig sa mga prayers ko at madalas walang sagot, ikaw parin ang bituin kumikislap sa madilim kong buhay.
-AR Ramos)
BINABASA MO ANG
Spoken Words (Inspire By God)
Poetry#2 poem Nawili akong tumula, dahil naging malaya. Malayang iparamdam at ipagsigawan na ako'y lumaya. Sa mga salita, ako'y natutong magsalita. |Spoken Word| Poem| Spiritual| Inspire by God. All Right Reserved®️ Copyright ©️ 2017 Written by AR Ramos