PASASALAMAT

2.5K 27 4
                                    

September 19,2017

PASASALAMAT
by AR RAMOS

Oh Ikaw ang Siyang nagbigay,
Oh Ikaw ang Siyang nagpala,
Kay buti mo, Panginoon.
Kay galing mo, Panginoon.

Buhay ma'y nagkulang sa maraming bagay,
Ngunit sayo'y pinagpala naman.
Buhay ma'y di perpekto sa lahat ng aspeto,
Ngunit sayo's sapat at tila walang kulang.

Luho ko ma'y hindi maibigay,
Magkulang man sa pagtupad ng kahilingan,
Magkadapa dapa man sa lahat ng pagdadaanan,
Saktan man ng masasakit na pangaral,
Tanging Ikaw O Panginoon ang papupurihan at pasasalamatan.

Hindi man sayo hiniling ngunit iyong binigay.
Hindi man karapat dapat ngunit iyong pinaglaban.
Hindi man naging tapat pero iyong minahal.
Ang isang tulad ko na labis na nagkulang.

Labis ang kagalakan ng ika'y masilayan,
Walang hihigit sa iyong kabutihan.
Ikaw ang Diyos ng pagpapala't kagalakan.
Ikaw O Diyos ang dapat pasalamatan.

-End-

(I am blessed and I want to give all the glory, honor and adoration that He deserves. Thank you, Jesus. You always provide, you know me more than I know myself. I love you.
-AR RAMOS)

Spoken Words (Inspire By God)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon