IKAW

3.8K 33 6
                                    

May 6, 2017

IKAW
by AR RAMOS

Ilang beses akong nasaktan,
Bumangon, nadapa, bumangon at nasaktan,
Nalugmok pero bumangon at patuloy parin na babangon,
Babangon at babangon at aahon at haharapin ang ilang beses,
Ilang libong beses, ilang daang libong beses,
Ilang milyong beses at ilang daang milyong beses na pagsubok na patuloy at laging dadating sa buhay ko.

Pero hindi susuko at di susuko dahil hindi sinukuan ng isang tulad Mo,
Ang isang tulad ko, na isang tulad niyo.
Iaalay at iaalay at ilalaan ang mga natitirang mga lakas, pwersa at kakayahan sa Iyo at sa Iyo lamang,

Dahil Ikaw, Ikaw ang sandigan, sandalan, kalakasan, ama, kapatid, kaibigan at lahat lahat sa akin.

Ikaw ang nagturo sa aking bumangon
At patuloy na umahon at patuloy na umusad
At patuloy na umasa sa mga bagay na sabi Mo'y akin,

Lalo na nang sabihin mong Ika'y sakin at ako'y Sayo.

Mga panahong lumipas na Ikaw ang kasama,
Na ako'y naging masaya,
Sumaya at patuloy na nagiging masaya dahil Ikaw,

Ikaw ang buhay, ikaw ang ilaw,
Ikaw ay Ikaw.

-End-

(Lord, di ka nagbago, simula noon hanggang ngayon. Ikaw parin ang Diyos na nakilala ko. I dedicated this all to you dahil Ikaw lang ang nagpapalakas sa mahina kong buhay. Thank you! To God be the glory!
-AR RAMOS)

Spoken Words (Inspire By God)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon