OO, IKAW NGA!

2.1K 26 4
                                    

August 21,2017

OO, IKAW NGA!
by AR RAMOS

Ngumiti para sa iba.
Maging masaya para sa kanila.
Maging maayos at maging malakas,
Para ipakitang kaya.

Minsan Masakit,
Minsap Mahirap,
Pero anong magagawa?
Kailangan magpanggap na malakas.

"Oo masyadong maeffort"
"Oo masyadong magastos"
"Oo masyadong ubos oras"
Pero anong magagawa?
Gusto kong ipakita, gawin at pag aksayahan ng oras.

Minsan may nagtanong sakin,
"Bakit ba binabalikan mo parin?"
"Bakit ba kinokontak mo parin?"
"Bakit iniiyakan mo parin?"
"Bakit nga ba nag-aaksaya ka parin?"

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa isang maginaw na umaga.
Para akong binuhusan ng mainit na tubig sa tirik na araw.
"Bakit nga ba?"
Naitanong ko sa aking sarili.

Saka ako napangiti at sinabi sa sarili,
"Tama, alam ko na!"

"Kasi ako yung unang iniyak,
Ako yung unang inaksayahan ng oras para kausapin,
Para kontakin at para makakilala sa Kanya."

"Ako, yung unang di iniwan.
Ako yung unang binigyan ng atensyon.
Ako yung unang nginitian kahit aking sinungitan.
Ako yung unang sinuyo at di tinigilan.
Ako yung unang pinagtiisan."

"Kaya tama lang na ako naman.
Ako naman ang gagawa ng paraan,
Para ipakita na ang 'pag ngiti kahit nasasaktan ay dahilan ng pagmamahal."

"Ako naman ang susuyo,
Para ipakitang may nagbibigay ng atensyon sayo.
Oo, ikaw nga!
Para sabihin at ipaalam na hindi ka nag iisa,
Na nandito ako at lalong lalo na Siya."

"Para ipaalala sayo na hindi ka talunan,
Na isa kang kampyon sa laban ng iyong buhay.
Isa ka sa mga taong naging dahilan para pagtagumpayan Niya ang laban ng buhay."

-End-

(Note: Ang buhay ay punong puno ng makamundong gawain. Wag mong hayaan na matalo ka nito. Ang problema ay laging nandyan pero ang isipin mo nalang, "Ano nga bang pinagkaiba kung nasa piling ka ng Diyos o wala?". Hindi ba't pareho lang? Kung kaya't gayahin mo si Job na kahit sa kabila ng hirap pinili niya parin ang Panginoon dahil nagtitiwala siyang may plano ito para sa kanya. Jeremiah 29:11 state that ["For I know the plans that I have for you" declares the Lord. "Plans to prosper you and not to harm you, Plans to give you hope and future.]. Always remember God is always there. Waiting for you to reach Him. Waiting for you to extend your hand to Him.
-AR RAMOS)

Spoken Words (Inspire By God)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon