Gumising ako ng maaga para mag handa sa gagawin ko, Saturday,February 14 gusto ko siyang i-supresa.
Bumaba ako sa kotse kong Bugatti La Voiture Noire na nag kakahalagang $12,500,000 ,na sa Philippine peso ay 627,840,625.00 i think? Pero alam kong ito ang pinaka mahal na supercar.
Nandito ako ngayon sa isang mall namapalit sa lugar namin.
Nag hahanap ako ng human size na stuffed toys,marami sa online but mga ilang araw pa bago makuha e need ko na mamayang hapon yun,hindi ko kasi naasikaso dahil sa daming events.mag ju-judge sa shows sa tv, kanta sa ibang bansa kukuha ng trophys
Nakakailang mall na ang pinupuntahan ako wala akong makita na perfect para sakanya.
pumasok ako sa isang store dito at may nakita agad ako,maganda at napakalambot.
"perfect"sabi ko.dalawa binili ko,isa para sa mama ko and isa para kay...
"80,000 po ma'am" sabi ni ateng cashier.
Iniabot ko card ko and nag hanap pa ako ng jewelry.And yes buti naman meron ditong shop na fav ko na binibilhan ko talaga hmm lahat ata ng mga alahas ko dito ko nabili.
Bumili ako ng necklace
Bumili din ako ng bouquet.
Fav. Color ni mama ng pink kaya pink ang binili ko. And also chocolates pala bumili ako.And shit ang hirap ilagay sa car ko nitong mga to lalo na may stuffed toy duon.
Nasa parking lot nako and nakita ko yung kotse kong pinag pipicturan ng tatlong babae.
Napansin ata nila ako na palapit sakanila kaya tumigil ito at lumayo at nag sorry.
"sorry po sainyo pala to"sabi ng isang babae
ngumiti lang ako biglang sagot na okay lang.
"pwede po mag papicture? nung nag concert ka po hindi ako nakapalit"pag papaalam ng babae.
"sge tara"tipid kong sagot.nag picture kami ng tatlong babae at dumami pa ito dahil sa mga nakakita at dumadating na nag papark ng kotse nila.
may pumunta ng mga security at naka pasok nako at pinaandar ito,kung hindi sila dumating malamang nastock nako don ang dami nila ayoko kumuha ng personal guard or driver coz ayoko ng may nakakapasok ng kotse ko.
Inayos ko kaagad yung mga binili ko para kay mama and nag luto ako para sa dinner namin later.
12nn nag pahinga muna ako saglit at naligo ulit.
Inayos ko naman yung isang stuffed toy na nandito nilagay ko ito sa isang malaking box,ibibigay ko to sakanya.
It's 4pm,padating na si mama kaya nag ready nako, hintayin ko lang siya dito sa may table na niready ko habang wala pa siya.
Bumakas ng pinto at si mama ang bumungad sakin, nakangiti ito.
Tumayo ako para humalik sakanya, "hi ma" bati ko.
Kumain lang kami at nag kwentuhan, nood movie.natapos ito mga 6:36pm.
"Anak may flight ako ngayon ah,may business trip kami" sabi nito habang nag papaganda.
"Ya sure mag lakad din ako ma" sagot ko.
"Nandito na sundo ko,baka malate pako" sabay kiss sakin ni mama sa aking pisnge " ingat ka ah una nako" sabi ulit nito.
Ngumiti nalang ako sakanya at hinatid siya sa labas.Sa totoo nyan wala talaga akong importanteng lakad.
Lalabas lang ako at iinom with my friends.Nilinis ko muna yung mga pinag kainan namin ni mama kanina at onting linis sa bahay.8:40pm na pala kinuha ko yung box na pinaglagyan ko ng stuffed toy at talagang namoblema ako sa laki nito walang space sa kotse ko, kaya pinakuha ko nalang ito at ipapasabay sakin mamaya.
Naka brown t-shirt lang ako at black na trouser and cap kahit na gabi na sobrang comfortable ako tuwing suot to,ito yung unang binigay sakin ni cath nuon.
Nag drive na kami papunta sa bahay nila at may dala na din pala akong simpleng flowers para sakanya.
Nasa tapat na ako ng bahay nila pinag mamasdan ito,madaming magagandang memories kami dito,sana maulit ulit.
Napatingin ako sa bintana ng kwarto niya,nalungkot ako dahil hindi ko siya nasilayan.
Nakatambay lang ako sa labas ng kotse ko nag babakasakaling makita ko si cath. Pero ilang minuto ng nakakalipas pero wala kaya nag doorbell ako ng mga ilan at takbo patungo sa sasakyan ko agad ko ito pinaandar sa hindi kalayuan huminto ako para makita kung kinuha ba ito.
Inaasahan kong si cath ang kukuha nito pero nabigo ako.Nakita ko ng katulong nila na kinuha ito at nag tingin tingin sa labas, mukhang namoblema pa siya kung papaano niya ipapasok kitang kita sa pag kamot niya ng ulo haha.
Papunta na ako sa bar at nag inom kami ng nga friends ko.
"Heeyy!!" Tawag ni damon sakin at kumakaway pa para makita ko agad kung nasaan sila.Pumunta naman agad ako kung saan sila naroroon.
"Hey lucy late ka nanaman, saan kaba galing" tanong ni Stella."Nag date din kami ni mama,mama ko muna bago ako makipag inuman sainyo valentine day kaya" sagot ko at abot ng shot.
Nag inom inom lang kami hanggang mag umaga.
"3am na may klase pa mamaya una nako." Sabi ko habang iniinom ang last shot ko.
" Okay okay una na " sabi ni stella na lasing na lasing na.
"damon una nako pare,ikaw na bahala kay stella." At agad na akong pumunta sa sasakyan ko aaghh shet sobrang lasing nako pero kaya pa,kaya pato. habang pinapalo ang manibela ng kotse ko.
Pinilit kong mag drive pauwi kahit na nag lalabo paningin ko dahil sa kalasingan.
ano kaya ginagawa nya ngayon,may kadate ba siya?,ako dapat kasama nya ngayon tangina.
Natanggap na kaya niya ang regalo ko? Tinitignan ko acc niya but walang tungkol sakin. O baka naman hindi niya na receive?o baka tinapon? Mas okay na yung tinapon niya kesa naman sa hindi na receive diba?.
Sino kaya kasama nya ngayon, tinitignan ko account nito pero wala manlang conv kung may kasama o wala
Pero kahit anong mag yari babawi kita Catherine. Akin kalang. Wala akong gustong hindi nakukuha. Lahat gagawin ko kahit maubos pa pera ko.
BINABASA MO ANG
Sayo ako.
FantasyA woman named Lucia Ruz is a popular singer, song writer, host and artist. She's a billionaire and she gets all she wants except the one girl named Catherine Riley. By:siesiiee