Chapter 1

22.1K 376 49
                                    

LULAN AKO ng sasakyan ni Mayor Smith dahil matapos niyang magtanong ay basta nalang niya ako hinila dito sa kotse niya.

Ako naman ay nanginginig sa takot dahil baka ipakulong niya ako at malaman pa ito nila Inay at Itay.

"M-mayor saan ninyo po ako dadalhin?" kinakabahang tanong ko

"In my house." maiksing sagot naman nito.

Lalo akong kinabahan dahil sa sagot niya at baka sa bahay niya ako pa mismo ipakulong at magpatawag pa ng media.

Magsasalita pa sana ako ng tinignan niya ako ng masama kaya nanahimik nalanh ako at tahimik na nagdadasal na sana ay walang ibang masamang mangyari.

Maya maya ay huminto na ang kotse at bumama si Mayor. Ako naman ay tahimik pa din sa loob at hindi kumikilos dahil sa kaba at takot.

Nagulat nalang ako ng bumukas ang pintuan sa aking kinauupuan at bumungad sa akin ang mukha ni Mayor na tila naiinis.

"Ano pang hinihintay mo?" naiiritang tanong nito nang buksan ang pinto ng sasakyan.

"A-ano po b-ba?" nauutal ko ring tanong.

"Labas!" sigaw niya kaya naman dali-dali na akong bumaba ng kotse at sumunod sa kaniya.

Nakarating kami sa pinakamataas na building ng condominium.

"This is my penthouse." sabi niya at binuksan amg pinto. Bumungad sa akin ang napakaganda at malawak na gusali na talaga namang kabigha-bighani sa mga mata.

"Didiretsuhin nakita, I brought you here because I want you to be my girlfriend." ani niya.

Nanlaki naman ang aking mga mata sa sinabi niya at hindi nakapagsalita dala ng sobrang gulat.

"Well not really a girlfriend but a PRETEND girlfriend only." sabi niya pa.

"E-eh Mayor b-bakit po ako?"
nagtatakang tanong ko nang maka move-on na sinabi niya.

"Because of my parents. Kinukulit na nila ako at hinahanapan ng nobya." maikling sagot naman niya.

Magsasalita pa sana ako ng nauna  siya.

"And wala akong ibang mapili and dahil pumasa ka sa gusto ko, I-i mean pumasa ka sa akin bilang pretend girlfriend ay ikaw nalang. Madali lang naman ang gagawin mo. You'll just act like my girlfriend infront of my parents, relatives, and my friends."

"And Of course I will give you a monthly salary." dagdag pa niya.

"T-tuwing kailan po ba?" tanong ko na tila hindi nag-iisip.

"Well it depends but I think I just need you to introduce to them so they will know and hindi na nila ako kukulitin." kibit balikat na sagot niya na akala mo ay napakadali lang ng gusto niyang mangyari.

So sinama niya ako dito para lang sabihing gusto niyang umarte ako sa harap ng mga magulat at kaibigan niya bilang girlfriend niya? Bakit? Ang dami-dami namang babaeng nagkakandarapa sa kaniya bakit pa siya mag aaksaya ng pera sa isang katulad ko?

"Your salary is 50,000 a month. So it's a deal?" tanong niya.

Nagulat naman ako sa sinabi niya magiging sweldo ko dahil alam kong malaking halaga na iyon.

Nang hindi ako makasagot ay napabuntong hininga siya at muling nagsalita.

"So 50,000 isn't enough.Okay then,100,000 okay na ba sayo yun?"sabi niya.

Agad nanlaki ang mata ko dahil dun.
Umiling iling ako at hindi nakapagsalita.

"Oh, so 100,000 is not enough pa rin for you, then name your price." naiiritang wika nito.

"M-mayor a-ayos na po ako sa 5,000 hindi lang po ako nakapagsalita dahil sa gulat." agad na sabi ko.

"No, 5,000 is not enough my parents are so annoying, baka hindi mo kayanin so 50,000 it is. " sabi niya at inilagad ang kamay.

Tinanggap ko naman ito at nagkamayan kami.

"So tomorrow 8am sharp pumunta ka dito, siguro naman ay alam mo na ang daan?" tanong niya.

"Nakabisado ko na po, p-pwede na ba po akong umalis? May gagawin pa po kasi ako." nahihiya kong wika.

Tumango naman ito at dumukot ng pera sa wallet. Inabot niya ito sa akin pero inilingan ko lang ito.

"I insist, saka sorry din hindi na kita maihahatid dahil kailangan ko pang dumaan sa munisipyo." sabi niya.

Wala na akong nagawa at tinanggap nalang ang perang pamasahe at umalis na.

Itutuloy.
❄️
Bakit parang ang hot sa imagination ko si Mayor?

HELLO! I edited this part hehez may mga tinanggal akong words na for me ay cringe hehe at mga dinagdag, also pinalita ko rin yung salary ni Phoebe kasi I think masyado pang maliit yung 20k e mayaman naman si Mayor (not because of pagiging mayor ha, my golden spoon na talaga siya) so I changed it to 50k hehe so don't be confused!

BS #2 Phoebe's WeepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon