Chapter 10

15.2K 289 24
                                    

MASAYA kaming kumakain kasama ang mga magulang ni Lincoln nang biglang sumulpot na lalaki.

"Oh! Kierol you're here na pala." sabi ni tita lia.

"Who is she?" seryoso ang kulay asul na matang tanong nito.

"She's my girlfriend." sagot ni Lincoln.

"Seriously? You have a girlfriend sa ugali mong yan?" nang iinsultong tanong nito.

"Kierol, That's enough." sabi ni tito Liam.

Tumawa lang naman ang nag ngangalang Kierol at tumingin sa akin.

Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan nang sa aking siya mapatingin kaya naman napakapit ako sa braso ni Lincoln.

"Kierol! Get out! you are scaring my girlfriend!" galit na sabi ni Lincoln pero hindi nagpatinag ang lalaki at lumapit pa.

Tinignan ako nito mula ulo hanggang paa at sinabing.

"If I were you, i will break up with this bastard. He doesn't deserve you." sabi niya sa akin.

"Motherfucker!" galit na sabi ni Lincoln at akmang susugod dito nang mabilis itong umatras at nakangiting umalis.

Hinawakan ko naman sa balikat si Lincoln para kumalma,tumataas taas pa kasi ang balikat niya at hinihingal sa galit.

"Maupo ka na, Beckham." sabi ng ama niya.

Tumingin muna siya sa linabasan ni Kierol bago pabalang na umupo.

Naiiling nalang ang mga magulang niya.

"Ano na naman kayang problema ng batang iyon at ginulo pa tayo."
nagtatakang tanong ni tita Lia.

Nagulat ako ng hawakan ni Lincoln ang kamay ko kaya napatingin ako sa kaniya.Seryoso lang naman ang mga mata nito pero may mababakas pa ding galit.

"Don't ever go near to that fucker,
Baby." seryosong sabi niya na nagpatango sa akin.

Tumango din siya at hinila ako patayo.

"Mom, Dad. Were going home." paalam niya sa mga ito at hinalikan sa pisngi ang ina.

Yumakap din siya sa ama at ganun din ang ginawa ko.

Yayakap na sana ako kay tito ng hilahin niya ako at sinabing hindi na kailangan.

Napatawa naman ang nga magulang niya dahil dun.

Umalis na kami ng bahay at pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse at kinabitan ng seatbelt.

Maya maya ay nakarating na din kami sa bahay at pareho kaming nagtaka nang mga nakatingin ang kapit bahay namin sa loob.

"Excuse me." sabi ko.

Hindi kasi ako makadaan dahil lahat sila ay nakaharang kaya di kami makapasok.

Pagbukas ko ng pinto ay rinig ko agad ang iyak ni Pio at galit na sigaw ni tatay.

"Tarantado kang bata ka! Bakit mo ninakaw yon!?" galit na galit na sigaw na tanong ni tatay habang pinaghahampas ng sinturon niya si Pio.

Agad akong tumakbo sa kanila at naitulak si tatay upang makuha ko ang luhaang si Pio.

Kita ko ang madaming pasa sa kaniyang murang katawan at may ilang galos.

Naiiyak kong sinuri pa ang ibang bahagi ng katawan niya at nakita ang ibang nagdudugo na.

Si nanay ay nandun lang sa may mesa at nakatingin habang pinapalo ng sinturon si Pio.

Pero nang makita niyang kasama ko si Lincoln ay parang nataranta ito at nagbait baitan.

Kinuha niya sa akin si Pio na hinahabol ako.

"Naku! Mayor andito pala ulit kayo.
Pasensya ka na sa nakita mo, ganun talaga naming disiplinahin ang nga anak namin." nakangiting sabi pa ni nanay.

Hindi naman nagsalita si Lincoln at kinuha ang umiiyak na si Pio at binigay sa akin.

"Bakit hindi mo man lang maawat ang asawa mo? kita mo nang umiiyak ang bata at nasasaktan." mahinahon man pero rinig ko ang panganib sa boses niya.

Itutuloy.
❄️

       Hope you all have a good day!
                                  💙

BS #2 Phoebe's WeepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon